Max POV
Matapos yung romantic dinner namen last week mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa. Di nga kami mapag hiwalay e. Natatawa na nga ang mga kaibigan namen sa amin. Dahil kapag may gimik may sarili naman kaming mundo. Alam kong ganito talaga sa umpisa, at alam ko rin na unti-unti rin kaming magkakasawaan. Pero naniniwala ako na kung talagang mahal namen ang isa't isa walang rason para pag sawaan namen ang isa't isa. Gagawa ako ng paraan para mas mapatibay pa ang relationship namen.
Sabi ng iba masyado daw akong naging mabilis. Siguro nanibago sila dahil nung kay Atasha halos isang taon ko na ata sya niligawan. Pero wala naman yun sa tagal o bilis ng panliligaw e, sa tibay yun ng pag mamahalan.
Ngayon pa lang ulit kami nagkahiwalay. Dibdiban kasi ang practice namen para sa dadating na basketball competition namen.
Huling pag co-compete ko na to. At sa ibang bansa pa. Sa Taiwan gaganapin ang competition. 1week kami dun.
Ewan ko kung kakayanin ko. Dati naman kinaya ko. Pero ngayon iniisip ko pa lang na isang linggo kami hindi magkikita ni Cindy parang ayoko na sumama. Kaso hindi naman pwede. Pangarap ko pa naman to, pero parang ayoko kasi talaga sya iwanan e.
Kinapkap ko ang phone ko at tinawagan si Luis.
Si Luis yung sobrang close ko na pinsan. Mabait kasi ito at lagi akong sinasamahan sa kung ano-ano. Sya ang unang pinag sabihan ko simula ng magkagusto ako kay Cindy at sya na rin ang dumaldal nun kay Mommy.
Agad naman nya yun sinagot.
"Bro!" sabi sa kabilang linya.
"Bro! Need favor." sabi ko.
"Ano yun?" sagot nito.
"pabantayan naman si Cindy." -ito talaga yung hihingin kong favor. Sakanya ko lang ipagkakatiwala ang babaeng pinakamamahal ko syempre pati sa bestfriend ko. Kaso busy rin palagi sa nililigawan kaya dito nalang kay Luis.
"Sus! Bakit? San ka punta?" tanong nito.
"Taiwan. Diba nga 1 week mawawala ang BB players dahil sa competition. Parang ayoko na nga sana sumama e kasi ang tagal." sabi ko at marahang nag sigh.
"eh diba dati mo pa yan hinihintay tapos aayaw ka. Sge na ako na bahala dun. 1 week lang naman e." tinig mula sa kabilang linya.
"Yun! Salamat bro! Bye!" at tuluyan ko nang binaba ang phone.
Maaasahan talaga ang lalaking yun.
3 araw na lang pala at aalis na kami. Di pa ko nakakapag paalam ng maayos kay Cindss.
Antagal na naming hindi nagkikita. Almost 2 weeks na. Nag uusap man kami kaso sa phone lang at palaging saglit lang dahil kundi ako nag pa-practice, pagod naman ako. At kung minsan busy naman sya. So wala ng time.
--------------------------------------------
Last practice na namen to, bukas na ang alis namen papuntang Taiwan para sa game.
Tatapusin ko lang tong practice tapos susunduin ko syasa bahay nila.
to: mom
mom, mag ready ka naman po ng dinner. Aayain ko lang po si Cindy na dyan mag dinner. Thanks mom.
message sent.
from: mom
Oh sure! Sam will be glad to see her.
message received.
Nandito na ko sa bahay nila. Inaantay ko lang sya bumaba. Sabi kasi nung mommy nya naliligo daw. Di nya rin alam na nandito ko.
At alam ko rin na hindi pa nya nasasabi sa parents nya tungkol samen.
"Oh hijo, mag juice ka muna. Pasensya na mabagal yun kumilos. At hindi ka rin nya inaasahan." sabi ng mommy nya at iniabot sakin ang isang baso ng juice.
"Salamat po tita. Pasensya na po sa abala. Di ko po kasi napaalam sakanya na susunduin ko sya." sagot ko.
"san ba kayo pupunta? Pagabi na ah." mahinahong tanong nito.
"magdi-dinner lang po sa bahay. Ihahatid ko nalang po sya." sagot ko. Tumingin ako sa wrist watch ko. 6:42 na pala.
"oh sge. Pero ipagpaalam mo muna sya sa Daddy nya. Strikto kasi yun." -mommy nya.
"mga 7 nandito na yun." dagdag pa nito.
"oh sge po. Salamat po." sagot ko.
"hoy! Ano ginagawa mo dito." gulat na tanong ni Cindy nang makita akong naka upo katapat ng hagdan na kinatatayuan nya.
At oo nga. Hindi nya ko inaasahan. Dahil naka shirt at shorts lang sya. May towel pa sa buhok at halatang gulat.
"Ah pasensya na. Ayain sana kita sa bahay. Dinner lang tayo." sabi ko.
"Di man lang ako tinext para nakapag ayos nako." sabi nito at umupo sa tabi ko.
"kanina ka pa." dugtong nito.
"No. Medyo kanikanina lang." sagot ko.
"Rin, hintayin mo muna ang daddy mo bago kayo umalis." sabi ng mommy nito.
Rin?
Rin pala ang tawag sakanya dito. Second name nya.
"opo mom."
"teka bihis lang ako." sabi nito at tumayo na.
"okay na yan." sabi ko sakanya. Sila mommy lang namqn ang tao sa bahay e.
"ano kaba. Sa bahay nyo tayo pupunta tapos ganto suot ko? Di ba nakakahiya yun?" tingin nito sa akin.
"Hindi ah. Sila mom lang naman tao dun. Mag suklay ka na lang okay kana. Maganda kana di mo na kaylangan mag paganda pa." sabi ko dito.
Hinampas naman agad ako.
Umakyat na ito.
At pagbaba yun parin ang suot. Nagsuklay lang at nag pabango.
Lahat kami tumingin sa pinto ng may pumasok na sasakyan. Ang daddy nya.
"Good Evening po." bati ko dito. Tumango lang ito.
"Dad, aalis po ako." paalam ni Cindy.
"Where you going Rin? It's getting late."
"mmmh. Tito ayain ko lang po sana mag dinner si Cindy sa bahay. Ihahatid ko nalang po sya." paalam ko. Tumango naman ito.
"yeah Dad. Sa kabilang street lang sila." sabi naman ni Cindy.
Cindy's POV
"ah. mom, dad, Cy. May sasabihin po pala ako." sabi ko. Kaylangan ko nang ipakilala si Max sakanila bilang boyfriend ko. At aaminin ko na rin na wala na kami ni Carl.
Tumingin silang lahat sa akin.
"Ah. Si Max Buenaventura po pala. Boyfriend ko."
Lahat sila nagulat. Pero si mom masaya naman ang expression, si Cy wala lang, si Dad medyo nagulat. Pati nga si Max nagulat.
"dati pa po kami wala ni Carl. Niloko nya lang po ako." sabi ko sakanila.
Tumango si mom and dad.
"Let's talk about it later. Max take good care of Rin, take her home after your dinner." at tinignan ni Dad si Max.
Mukang okay naman. Yes!!!

BINABASA MO ANG
Promise of a Lifetime.
RomanceHamirap kapag hindi ikaw ang first Love. Lalo na kung kayo, pero alam mong hindi pa sya fully moved-on sa taong minahal nya bago ka nya mahalin. Mahirap makipagsabayan sa taong alam mong may puwang pa sa puso ng taong mahal mo. Eto ba ang makakasira...