Thinking of you.

6 0 0
                                    

Max's POV

Nakakaloko yung babaeng yun, pinakita sakin yung ID sabay sasabihin nag stalk ako sakanya. Kahit kelan hindi ako nag stalk s kahit sino.

Si Atasha lang.

Si Atasha lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko. Sakanya lang ako naging stalker.

Sya lang ang babaeng nagpakita sakin ng pag ibig. Pero sya rin ang babaeng nagparanas sakin ng kakaibang sakit na dulo't ng pagmamahal.

Sya lang!

Tama na!!!

Ayoko na syang isipin pang muli. Masaya na sya sa piling ni Carl.

Si Carl ang pinili nya.

Nag move on nako sakanila. Ayoko nang balikan pa ang mapait at madilim na karanasan kong iyon. Tama na, na nagpaloko ako ng isang beses. Kahit kelan hindi na muli pang mangyayari iyon.

Natuto nako sa sakit na naidulot nila sakin. Sakit na hinding-hindi ko na muli pang gugustuhin na maranasan.

Nagising ako ng basa ang gilid ng mga mata ko. Siguro naluha ako kagabi sa pag iisip kay Atasha. S mga pinagsamahan namen. Pero ginamit nya lang pala ako.

Huuuuuuh!!!

Ang aga-aga ang babaeng yon ang naiisip ko. Matagal na kami wala kaya dapat di ko na sya pinag ii-isip pa.

Ang iyak ng kapatid ko ang nag patayo sa akin sa kama. Dali-dali akong pumunta sa kabilang kwarto para silipin ang umiiyak kong kapatid.

Pagbukas ko ng pinto agad syang lumapit sakin at nag pakarga. Kinarga ko naman ito. Si Samantha talaga.

"Kuya, ayoko na ng toys ko." iyak nito sa akin kasabay ang magkakasunod na hikbi.

"okay baby. Kuya will just take a bath then we'll go to the mall." pag papa gaan ko sa loob ni Sam.

"wa-why ku-hu-ya?" hikbi nito.

"Kuya will buy you some of that stuff." ngiti ko sa 4years old kong kapatid. Sya lang ang nag iisa kong kapatid kaya naman super close kami. Ako ang takbuhan nya pag napapagalitan sya ni mom and dad dahil sa kakulitan nya.

"Thankyou Kuya!!" Tuwang sabi nito at hinalikan ako sa pisngi. Hinalikan ko naman sya sa noo at ibinaba na para mapaliguan sya.

"yaya, please give her a bath."

sumama naman ito sa yaya nya. Makulit ito at laging inaasar ang yaya nya.

Pero pag ako ang nagsabi sakanya na mali ang ginagawa nya sumusunod naman ito.

Naligo nako at nagbihis. Pagkatapos ay dinala ko na si Sam sa mall. After namen bilhin lahat ng pinag tuturo nyang laruan kumain naman kami sa isang restaurant dun sa mall. Favorite namen ni Sam ang Kimchie at Korean soup dun. Nang palabas na kami sa restaurant nakakita ako ng isang pamilyar na hubog ng katawan. At nang humarap dun ko lang nakumpirma na si Cindy nga ang babaeng yun.

Aba! Hanep ah! Parang kahapon lang nagdadrama ngayon naman ibang lalaki na ang kasama. Kakaiba!

Cindy's POV

"parang kahapon lang nagdadrama, ngayon naman ibang lalaki ang kasama... Hanep!" pamilyar na boses ang nag salita. Kaya naman humarap ako para makita kung sya ba talaga yung nagsalita. Pag harap ko nakatalikod sya sakin.

"Excuse me?" tanong ko sa binata.

"kuya, she's talking to you oh!" sabi nung cute na bata dun sa lalaki.

Humarap ito sa gulat ko lang sya pala yung lalaki kahapon.

Shit! What a evil smile! ><

"Is there any problem?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Kahapon ang drama-drama mo ngayon naman you are flirting that guy! Ibang klase! huuuh!"

Excuse me???? Kapatid ko kaya to!! Sarap sampalin.

"Ang kapal mo pala eh! Kapatid ko to. And excuse me, hindi ako malandi." huuh! Ang kapal ng mukha.

Isampal ko sa mukha nya na kapatid ko tong kasama ko. Ugh!!

"e-ehem" narinig kong nag clear sya ng throat. "Let's go baby." sabi nya sa bata. Ano akala nya mababawi nya ang pagkapahiya nya. Nagkakamali sya.

Umalis na ito kasama ang bata. Buti nalang walang narinig si Cy, dahil nakapila ito.

Max's POV

So kapatid nya pala yun. Okay lang kahit napahiya ako. Pogi naman! Habang pauwi na kami nagsimula ng magtanong si Sam. Sino daw yun. Kung girlfriend ko daw ba? Kung selos daw ako? Nakuuu! Buti nalang kapatid ko ang batang to dahil kung hindi sinubsib ko na sya sa ice cream na kapit nya dahil sa sobrang kakulitan.

Kailangan ko ng matulog. Maaga pa ang pasok ko bukas. Magkikita pa kami ni Lolein. Magpapaturo pa ko para sa mga other techniques. Sleepy head. Dream of me Cindy.

:))

--------------------------------------------

Hooooh! Napuyat ako kagabi. Maaga nga akong nahiga pero late narin akong naka tulog.

Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko. At....

Shit!

Im late. 20 minutes nalang time na. Ang bagal ko pa naman mag ayos. Tssk.

Naligo nako at umalis. Di ko na kailangan pang mag ayos. Gwapo na naman ako e. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Di na rin ako nakapag paalam kela mommy. Understood na yun.

Pagka park ko ng sasakyan. Nagmadali nakong tumakbo sa hallway.

At.....

..

*Duuug!*

Bagsak yung babae sa sahig.

"awwww!" daing nung babae.

"are okay miss?"

"you? Ano ka ba? Pwede ba sa susunod mag ingat ka naman." iritable kong sabi. si Cindy. Si Cindy ang nabunggo ko. Pero sya ang may kasalanan nun hindi ako. Haharang-harang kasi e.

Tumayo sya at nag pagpag ng damit.

"Ako pa talaga ang may kasalanan? Sino ba sating dalawa ang nagmamadali. Kung makatakbo akala mo kung sino ka." masungit nitong sagot. At hinawi ang ilang buhok na tumakip sa mukha nya.

"Haharang-harang ka kasi." nakangiti kong sabi. At binigyan sya ng malapad na ngiti na pang asar. Bahala sya maasar. At tuluyan nakong umalis.

"You jerk!!" sigaw nito sa matinis na boses. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko. Bahala sya. I have no time now para inisin sya late nako. Humanda sya sakin mamaya.

Cindy's POV

"haharang-harang? Sino kaya samin. Ang kapal. Hayyy!" bulong ko sa sarili ko. Bwisit yun ah. Ako pa sinisi. Wag lang syang magpapakita sakin mamaya. Babasagin ko mukha nya.

--------------------------------------------

"Miss Lee, can you show your presentation to us?" nakangiting sabi ni Mrs. Bautista.

"Miss Lee?" ulit nito.

"huy! Cindsss." Hampas ni Coleen sa balikat ko.

"Ano ba yun? Makahampas ka naman." tanong ko.

"Kanina ka pa tinatawag ni Mrs. Bautista. Nakabusangot na yung muka oh." Tingin nito sa gawi ni Mrs. Bautista. Tiningnan ko din ito at tinaasan ako ng kilay.

Tinignan ko ang kaibigan ko ng Questioning look.

"presentation mo daw." bulong nito.

Tumango lang ako. Kinuha ko na ang netbook ko at pinatong sa table ni Mrs. Bautista at pinakita ko na ang presentation ko. After nun nag pa dismiss na rin ang Deen namen.

@caf.

"ano bang problema mo Cinds? Bakit wala ka sa sarili mo kanina? At ngumingiti ka mag isa, tapos bigla kang bubusangot. Anong palabas yun?" tanong ni Coleen sabay upo sa harap ko.

Promise of a Lifetime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon