"Ha?" -tanong ko dito.
Hindi ko maintindihan, anong sinasabi nito.
"sus!" anito.
"Coleen, ano ba kasi yun?" nag sisimula na akong mairiti. Hindi pa kasi deretsohin nalang ako.
"Sino iniisip mo kanina? Nakatunga-nga ka. Kaya ka nga tinaasan ng kilay ni Mrs. Bautista e." paliwanag nito.
Sino agad? Di ba pwedeng Ano muna? Tong bruha talaga na to. Kainis.
"wala." -ako
"Cindy may hindi ka pa sinasabi sakin." anito at tinaas-taasan pa ko ng kilay.
Oo nga pala hindi ko pa sinasabi sakanya yung tungkol kay Carl at dun sa malanding Atasha na yun. Pero dibale na. Okay lang. Makakapag hintay pa naman to e.
Hindi nako sumagot para matapos na ang usapan. Nauna na itong umuwi dahil sinundo na sya ng boyfriend nya. Around 5 pm na ng naisipan kong umuwi. Nasa hallway nako ng
*Dug*
Lagpak na naman ako. Ano ba naman tong araw na to. Napakamalas ko. May naapakan naman pala akong balat ng saging. Nang tinangka kong tumayo, natumba ulit ako. Namanhid bigla yung paa ko.
Di ko maramdaman ang mga buto ko. Simula tuhod hanggang paa. Naiiyak nako dahil hindi ako makatayo. Nagsimula ng umambon. Wala pa naman bubong itong hallway na to.
Hoooh! Basang-basa nako.
kailangan ko ng makauwi. Isa pang try. Tatayo ulit ako.
kaya ko to! Fighting!
At ng sinubukan ko bigo ako, pero bago pa ako tuluyang bumagsak ulit sa sahig may kamay akong naramdaman na umalalay sa katawan ko from my back.
Nilingon ko ito. At sa gulat ko lang, napanganga ako. Si Max. Sinalo nya ako.
"Mag ingat ka kasi. Masyado kang careless." sabi nito sa seryosong boses. At ang expression ng mukha nya seryoso din.
"Namanhid kasi yung paa ko. So I can't stand." sabi ko sa mababang tono. Mukhang Badtrip e.
At mas lalo pa kong nagulat ng walang sabi sabing binuhat nya ako at dinala sa parking lot. At ipinasok sa kotse nya.
"Bakit ka naman nag paulan dun?" sabi nya habang tinatanggal yung jacket nya at sinuot sakin.
"hindi nga kasi ako makatayo." mahinahon kong sagot.
"Alin dito?" tingin nya sa paa ko.
"left." sagot ko.
Hinilot nya ito. Hanggang sa mawala ang pagka manhid.
Nung una parang ayoko pa kasi nakakahiya. Pero pumayag na rin naman ako para makauwi na ko.
BINABASA MO ANG
Promise of a Lifetime.
RomanceHamirap kapag hindi ikaw ang first Love. Lalo na kung kayo, pero alam mong hindi pa sya fully moved-on sa taong minahal nya bago ka nya mahalin. Mahirap makipagsabayan sa taong alam mong may puwang pa sa puso ng taong mahal mo. Eto ba ang makakasira...