Make A Wish

10 0 0
                                    

A/N: sorry po kung matagal ako mag update. Nag kasakit po kasi ako e. Pasensya na sa pag hihintay. :)

--------------------------------------------

Cindy's POV

Hinihintay ko si Max dito sa parking. Kakatapos lang kasi ng practice nila ng basketball at nag paalam na mag re-restroom lang daw. Dumerecho nalang ako dito.

"Cindy!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Pamilyar talaga. At kilala ko kung kanino yun boses. Alam kong kay Carl yun. At ayoko syang kausapin. Kaya hindi ko sya nilingon.

"Cindy Lee!" ulit nito. Halatang galit ang boses. Anong problema ng lalaking yon? Makasigaw kala mo kung sino.

Hindi ko pa rin sya nilingon. Nagbingi-bingihan ako. Bahala sya sa buhay nya. Ayokong makipag usap sakanya.

Nakasandal lang ako sa sasakyan ni Max nang maramdaman kong parang may lumapit. Alam kong si Carl yun. Naamoy ko pa rin yung scent nya. Hindi pa rin yun nabago. Ang husky pa rin ng dating.

"Ano bang problema mo?" galit nitong tanong. At yung titig nya parang malulusaw nako o parang mas gusto ko pang ilubog ako ng lupang kinatatayuan ko kesa patayin ako sa titig ng lalaking to.

"Huh! Problema? Sino ba talaga ang may problema sating dalawa?" sarkastiko kong sagot. Ano? Pagkatapos nyang makipaglandian. Pagkatapos nyang pagsawaan ng ilang linggo si Atasha babalik sya. Ilang linggo walang kumonikasyon sa amin. Babalik sya na parang walang nangyari. Ano yun? Hindi ako nakikipag gaguhan sakanya.

"What do you mean?" nagtatakang tanong nito.

"Oh! Anong nangyari? Bakit mo naman kinalimutan si Atasha? Kawawa naman kaming mga babae sayo. Kakalimutan mo nalang kung kelan mo gusto. Nung una ako, kinalimutan mo, iniwanan mo ng walang rason, wala nga manlang pag uusap e. Tapos ngayon si Atasha? Anong klase kang tao?" hindi pa rin nawala ang pagkasarkastiko ng boses ko. Ayokong umiyak. Nag move on nako. Ayoko na. Kinalimutan ko na sya tulad ng ginawa nyang paglimot sa akin noon. Ayoko nang ibalik pa yung kakaibang sakit na naramdaman ko dati.

Okay na ko. Kontento nako sa kung anong meron ako ngayon. Na meron akong Max na handang dumamay sa akin. Kaibigan na laging nandyan. Kontento na rin ako sa kung ano mang meron samin ni Max, pagkakaibigan na magulo pero masaya.

"Nag iba ka na." kalamado pero malamig na boses ni Carl. Wala nang emosyon na ipinapakita ang mukha nito. Nakatingin lang ito sa akin.

"Talagang nagbago nako. Hindi na ako yung babaeng pinag laruan mo lang dati. Hindi na ako yung tahimik na babaeng kahit minsan hindi nagreklamo kahit sobrang nasasaktan nako sayo." may diin kong sabi.

Sya ang dahilan kung bakit ako nagbago. Sya! Kaya wag nyang sabihin na nag iba na ako. Dahil kung hindi dahil sakanya hindi ako magbabago.

"Oh Max, nandyan ka na pala. Tara na!"

Sabi ko,matapos ko syang maaninag na papalapit na. Tinawag ko na kasi baka di lumapit dahil nakikita kaming nag uusap ni Carl.

Sus! Bakit naman ngayon lang ang lalaking to. Kanina pa dapat to dumating e. Ayoko nang makita tong Carl na to e.

Pumulupot nako sakanya ng muling magsalita si Carl.

"Hindi mo na kaylangan pang gamitin si Max para lang pagselosin ako Cinds." mayabang na sabi nito nang nakangiti pa.

Ngiting nang aasar.

"Do you think Im doing this to make you jealous?" sarkastiko kong tanong sakanya. Ipapahiya lang kita ng konti sa sarili mo. Masyado kang feeler e.

Promise of a Lifetime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon