Akala!

2 0 0
                                    

Max POV

"Hi Cindy!" bati ko kay Cindy ng makita ko sya sa hallway. May kasama syang babae. And if im not mistaken si Coleen yun. Magkakilala sila? Siguro..

Lumingon naman ito at ngumiti bago nagsalita.

"uyy Max ikaw pala."

"pwede ka ba tonight?" sabi ko sakanya habang lumalapit, aayain ko sana sya mag dinner sa bahay, birthday kasi ni Sam.

"tonight? As in ngayon na?" tanong nito ng nakakunot ang noo.

"yep! Sa bahay lang, birthday kasi ni Sam yung kapatid ko." paliwanag ko.

"mmmh. Nakakahiya naman. Birthday yun ng kapatid mo e, for sure nandon family at relatives mo." tugon nito na para bang nahihiya pa.

"Nakakahiya? Anong nakakahiya dun? Pwede mo naman isama yang si Coleen e. Nandon din naman yung barkada ko." paliwanag ko ulit.

"kilala mo si Coleen?" tanong nito na nakakunot ang noo.

"classmate ko." maikli kong sagot at nag side glance ako kay Coleen.

Tumango-tango naman si Cindy.

"So pano, I will pick you up nalang later. Col, sama ka samen ha. Punta ka na sakanila." at nag lakad nako patalikod.

"Max wait....!" sigaw ni Cindy pero di ko na sya nilingon pa.

"Nasa inyo nako around 7 pm. See you!" tugon ko ng nakatalikod at patuloy na naglakad palayo.

Cindy's POV

"hayyyyyyy..!" buntong hininga ko. Agad naman akong nilingon ni Coleen.

"Di kana pwede umatras. Di man lang tayo binigyan ng chance magsalita. Mokong talaga yung Max na yun." patuloy na sabi ni Coleen.

"Hayaan mo na. Tara na samen." aya ko.

"Wala na kong damit sa inyo." anito na nag pout pa.

"Uwi muna ko." dugtong nito.

"Bilisan mo ha. Dapat 5 nasa amin kana." sabi ko at naglakad na. Sumunod naman ito.

Naghiwalay na kami pagdating sa parking lot dahil may sarili naman kaming sasakyan. 4:30 pa lang naman e.

Ay! Susunduin nga pala kami ni Max, so di na kailangan magdala ni Coleen ng car. Text ko nalang nga.

To: Colette! :)

Girl, no need to bring your car. Remember, Max will pick us up. See you! :*

~message sent

~message received

From: Colette! :)

Ohryt! :)

Dumeretso nako ng kwarto pag uwi ko. Nag punta na rin ako ng bath room para makapag shower. Feeling ko ang baho ko na, pero mabango pa rin naman ako.

After 30 to 40 minutes siguro dumating na si Coleen ng bahay. Nasa kwarto ako ng dumating sya dahil hindi naman iba kela mommy si Coleen dumeretso na sya ng kwarto ko. Nakita kong may dala syang paper bag at di pa rin nagpapalit ng damit. Ako naman naka robe pa dahil kakatapos ko pa lang mag shower. Di naman ito bago samen ni Coleen dahil minsan dito sya natutulog or naliligo pag natripan, at sa pakiramdam ko dito ito maliligo ngayon.

"anong dala mo?" tanong ko dito, umupo ako sa kama ko at ngumuso sa dala nyang paper bag.

"semi-formal fitted dress." sagot nito at na upo sa kama ko.

"dress?" sagot ko ng nagtataka.

Bakit naman kasi dress e, party ng bata yun. Ito talagang bestfriend ko.

Promise of a Lifetime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon