"huuuuh!"... humugot muna sya ng mahabang hininga bago nagsalita.
"Dapat ikakasal ako. Pagka graduate namen after 1 year ikakasal sana kami.."
Namumuo na yung mga luha sa gilid ng mata nya.
Alam ko mahirap para sakanya na ikwento ang mga sensitibong bagay na iyon sa taong hindi manlang nya kilala..
pero nag aalala ako para sakanya. So, i have to know!
No, I need to know!
"pero bak..."
pinutol nya ko. Hindi nya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"bakit hindi na?" tanong nito.
At naglabas sya ng mapait na ngiti. Na hindi naman umabot sa kanyang mga mata.
Tumango-tango lang ako.
"Ayokong magpakasal sa lalaking manloloko. Naloko na nya ko, kaya bakit pa ulit ako magpapaloko. Oo, mahal ko nga sya, pero hindi ko kayang tiisin na habang binubuhos ko ang buong pagmamahal ko sakanya ako naman nagmumukhang tanga."
Mahabang paliwanag nito.
"Niloko nya ko!! Ayoko nang magpaloko pa ulit. Masakit!!"
At ayun! Bumuhos na nga ang mga luhang iniipon nya.
Hindi ko alam ang mga nangyari pero isa lang ang sigurado ko, Sobra syang nasaktan.
Hinayaan ko lang syang umiyak. As of now, yun pa lang ang kaya kong gawin para sakanya ang iparamdam na nandito lang ako.
Dahil hindi ko pa sya kayang bigyan ng advice, wala pa kong alam sa mga pangyayari.
Cindy's POV
Hindi ko na kaya. Ayokong itali ang sarili ko sa isang taong alam kong hindi na ko mahal.
Hindi ko nga alam kung minahal ba talaga nya ako e.
"iiyak mo lang lahat. Para kahit papaano mabawasan ang sakit."
Tinig ng isang lalaki na kasalukuyan kong kausap.
Ewan ko ba kung bakit ko to sinasabi lahat sakanya, pero sa ganitong paraan alam kong lumuluwag ang dibdib ko.
"Bakit ganyan kayong mga lalaki? Hindi kayo makuntento sa pagmamahal ng isang babae? Bakit kailangan nyo pa ng isa pa?"
Alam ko naman na hindi lahat ng lalaki manloloko, pero sa ngayon eto yung nararamdaman ko. Nasaktan ako. Wala na kong tiwala sa mga lalaki. Ayoko na.
"Hindi naman lahat ng lalaki manloloko."
malumanay nyang sagot.
Pakiramdam ko gusto nyang ipagtanggol ang pagkalalaki nya pero parang mas pinili nya na magpakumbaba dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"Sorry!"
Tugon ko, habang pinapahid ang mga luhang patuloy sa pag agos sa aking pisngi.
"I understand!"
Tugon nito at tsaka humugot ng isang panyo mula sa kanyang bulsa.
"Punasan mo na yang luha mo, di bagay sayo umiiyak."
Nagulat ako sa paghawak nya sa aking kamay at tsaka iniabot ang kanyang panyo.
Ngiti na lang ang naiganti ko. Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ko ang aking mga luha.
Nagiging malagkit narin kasi ang mukha ko.
Ilan pang sandali, nagprisinta na syang ihatid ako pauwi sa bahay.
Nung una ayoko, nakakahiya naman kasi. Pero dahil makulit sya pumayag na rin naman ako.
Tahimik lang kami sa pagkakaupo namen sa kotse nya. Napapansin ko lang na sumusulyap sya ng tingin sa akin mula sa salamin sa harap. Ibinigay ko ang ID ko para makita nya ang address ko. Tumango lang sya at ngumiti.
Nang makarating kami sa labas ng bahay namen, bababa na sana ako ng muli nyang kapitan ang kamay ko. Nagulat ako kaya binawi ko ang kamay ko.
"pasensya na." tinig nito. Siguro napansin nito ang pagka gulat ko. Tumango lang ako.
Bago pa ako maka baba ng kotse nya ay naka baba na sya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thankyou sa time." Nakangiti nitong sabi.
"No! Ako dapat ang magsabi sayo nyan.Thankyou sa time mo. Sa pag intindi mo. Thankyou... Sayo!"
"It's my pleasure Cindy Rin Lee."
Ha? Ano daw? Pano nya ko nakilala? Do he stalk me?
"Do you stalk me?" gulat na lumabas sa bibig ko.
Nakakagulat naman kasi talaga. This was our first meeting so how can he know my name?
"What? Are you crazy? Ngayon nga lang kita nakita e." Inis na tanong nito.
"Nagtatanong lang masyado kang hot." biro ko dito.

BINABASA MO ANG
Promise of a Lifetime.
RomanceHamirap kapag hindi ikaw ang first Love. Lalo na kung kayo, pero alam mong hindi pa sya fully moved-on sa taong minahal nya bago ka nya mahalin. Mahirap makipagsabayan sa taong alam mong may puwang pa sa puso ng taong mahal mo. Eto ba ang makakasira...