Cindy's POV
Nandito na kami ni Max sakanila. Ewan ko ba kung bakit kailangan namen mag dinner.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon. Ini-interview na nga ako dito.
Bakit daw ngayon na lang ulit ako dumalaw? Excuse me!!!! Anak kaya nila yung ngayon na lang ulit nagparamdam.
Kung pwede ko lang sabihin na wala na po kasi yang time para sakin e. Hayyyy! Ka-Badvibes naman.
Bakit kasi sumama pa ko dito e.
Sabagay na miss ko naman sya kaya lang BV talaga e.
"Ate why don't you eat?" mahinang tanong sa akin ni Sam. Ang nakababatang kapatid ni Max.
Oo nga. Ngayon ko lang napansin ang sarili ko na nilalaro nalang ang pagkain sa plato ko.
"Ay pasensya na." nahihiya kong sagot dito.
"Hindi ba masarap ang food hija?" tanong ng mommy nya.
Siguro napansin na wala akong gana.
Nakakahiya naman to. Lahat sila nakatingin sakin.
"No Tita. Actually masarap po itong lahat. May iniisip lang po ako." nahihiya pero nangungumbinsi ang boses ko.
Tumango naman sila. Pero si Max nakatingin parin sakin. Na parang hindi na satisfied sa sagot ko.
Nang matapos namen ang pagkain, tutulong sana ako sa pag liligpit pero hindi nako pinatulong ng mommy ni Max.
Dinala ako ni Max sa garden nila.
"Ano bang problema mo?" malumanay na tanong nito.
"Wala. Bakit?" malamig kong sagot.
Nakaupo kami ngayon sa upuan na nakatapat sa pool.
Magkaharap kami pero hindi ko sya tinitignan. Nakatingin lang ako sa pool sa harapan ko pero alam kong nakatingin sya sakin.
"Wala?
Eh bakit ganyan ka?" muling tanong nito. At parang nagbabago na ang mood.
"Anong bakit ganyan? Ganito talaga ko." masungit kong sagot.
"Hindi ka ganyan. Kilala kita Cindy." muli ay bumalik ito sa pagiging kalmado.
"Hindi mo ko kilala Max. Saglit pa nga lang tayo nagkakasama. Sandali palang nagiging tayo. At mas madalas bolo mo ang kasama mo." sa tinig kong ito parang nagliwanag ang mukha nya. Parang nakuha nya agad kung anong ibig sabihin ko.
"Bakit mo ba kasi ako sinundo samen?" mataray ko pa ring tinig.
"I want to have time with you. I want to spend this night with you." maamo nitong sagot.
Tumahimik lang ako.
"Okay. Ihahatid na kita kung busy ka at walang time tonight. Magpaalam na lang tayo kela mom." malungkot na sabi nito.
Ako pa talaga ang walang time?
Grabeeee!
"FINE!" madiin kong sabi at naglakad na papasok.
Sinundan nya lang ako.
"Mom, Dad. Ihahatid ko na po si Cindy. May mga di po kasi sya natapos na gawain sa bahay nila." paalam nya sa mga ito.
Aba! At nag imbento pa. Pero okay na rin para hindi na magtanong.
"Ate Cindy are you leaving?" maamong tanong ni Sam ng makitang palabas na ako ng pinto.
Lumapit ito sa akin.
"Yes baby! It's getting late na e. And I have something important to do." maamong sagot ko dito. At hinalikan ko na sa noo ang bata.
--------------------------------------------
Medyo kanina pa ako nakauwi. Nakapag usap na rin kami ni Mommy at Daddy about sa break up namen ni Carl. Naintindihan na nila. At na explain ko na rin ang samin ni Max. Masyado silang nadadalian. Masyado daw kaming mabilis. Para kay Mom okay lang pero si Dad ayaw na nya ng Pilipino. Gusto nya ay yung kababata ko sa Korea. Si Park Hyeo Jung. Sya ang bestfriend ko sa Korea. 10 yrs na din kaming di nagkikita.
Partners ni Dad ang parents ni Hyeo Jung sa company. So very close talaga ang pamilya namen.
Pero para sa amin ni Hyeo Jung bestfriends lang talaga kami. Syempre naman bata pa kami ng mga panahong yun.
--------------------------------------------
Max POV
Hindi manlang kami nakapag usap ng maayos. Hindi ko manlang nasabi sakanya na aalis nako bukas. Baka lalong magalit yun. Napaka sungit naman kasi ng babaeng yun ngayong araw. Ang mood swings ang bilis mag palit.
Tatawagan ko na lang sya.
Kailangan ko ng matulog. Masyadong maaga ang flight namen bukas.
Teka! Remind ko si Luis baka makalimutan ang gagawin nya.
Dialling Luis..
Tsssk. Tagal naman sumagot.
(Cannot be reach)
Dialling Luis..
Ano ba Luis?! Pick Up!
Pick up!!
"ano ba Luis?! Ang bagal mo sumagot." bungad ko dito nang sagutin ang phone nya.
"Ano ba kasi yun? May ginagawa ako e." galit na sagot nito.
"I just want to remind you. Yung gagawin mo ha. Ayusin mo!! Wag ka papahalata. Di ka nya kilala. Baka akalain nun stalker ka." dere-deretso kong pagpapaalala dito.
"Oo na. Classmate ko naman sya. So, I can manage. Basta wag mo lang akong tatawagan ng tatawagan. Naiirita ako e." Iritableng sagot nila.
"Alright!" sagot ko.
At tuluyan ng binaba ang telepono.
Matutulog na rin ako. Maaga ang flight bukas.
Sana manalo kami sa last championship game namin na to.
Kung alam lang ni Cindy edi sana may kasama ako sa pagdadasal. Kaso mukang di sya interesado.
--------------------------------------------
a/n: Sorry kung ngayon na lang ulit nakapag UD. Ngayon lang kasi nagkaron ng time e. And next week pala baka matagalan ang UD ko kasi it's our final exam na, so i need to review my notes. But I'll promise you guys na mahaba ang next UD ko. Sorry for the long wait. Sana satisfied kayo. :))) Thankyou sa mga nagbabasa.
Read, Comments, Favorite, and be a Fan. :))
BINABASA MO ANG
Promise of a Lifetime.
RomansaHamirap kapag hindi ikaw ang first Love. Lalo na kung kayo, pero alam mong hindi pa sya fully moved-on sa taong minahal nya bago ka nya mahalin. Mahirap makipagsabayan sa taong alam mong may puwang pa sa puso ng taong mahal mo. Eto ba ang makakasira...