CHAPTER 12

213 15 0
                                    

Nasa Grimwor Island na kami. Dala ko ang maleta ko. Hindi ko maasahan para do'n si Draco. Masyadong mataas ang pride niya. Hindi naman kasi siya gentleman.

Hinihintay pa namin ni Draco sila Yael. Nasa dalampasigan na kami. At ang nasa harapan namin ay ang gubat.

"Hey! Saan ka natulog kagabi, Addi?! Wala doon sa kwarto ang gamit mo!" Bungad ni Yael sa amin.

"She's with me last night." Malamig na sabi ni Draco kaya natahimik si Yael.

"This is exciting."sabi ni Klaudine.

"Yeah it is," Biglang sumulpot si Karis kasama ang iba. "Hi!"

"Hey, handa naman siguro kayo sa pagsubok ano? This is exciting." Sabi ni Cadius.

"We are born ready." Sabi ni Faughn.

"We'll see." Sabi ni Raverie.

"Good morning, students!" Nagecho ang boses ni Prof Jo. "Before we proceed, kindly put your baggages on the van. Make sure you put your names and team number, okay?"

Kaya naman ay agad naming ginawa ang sinabi ng prof. Nilagay namin sa van ang aming mga maleta. Kinuha namin ang mga back packs na may lamang pagkain, tubig, flashlight, at kung ano pang importanteng gamit.

Nang matapos na lahat ng estudyante, nagannounce ulit si Prof.

"Listen, students. In this challenge, for you to find your cabin where your things are located, you must find the way patungo sa mga cabin niyo. At dadaan kayong lahat sa gubat. The challenge starts here. You may go with your team, Goodluck!"

"Let's go." Tinahak na namin ang daan papasok sa gubat.

Nagtatayugan ang mga puno. Ang ibang puno ay minsan ko ng makita sa ibang lugar na pinagbabakasyunan ko. Malalaki at matatayog. Nakakatakot kapag sumapit ang dilim.

Dahil team kami nila Karis, Thaddeus, Raverie, Dmithri, at Cadius ay kasama namin sila. Nagbabangayan sila Cadius at Raverie habang na si Karis at Dmithri naman ay masinsinang nag-uusap. Sila Yael, Klaudine at Kibson lang din ang nag-uusap sa aming grupo habang kaming apat ay tahimik.

Anong klase kayang trip ito? Kagaya ba ito sa mga napapanood kong may mga challenge na gagawin? Matira matibay kumbaga? Hindi ko maiwasan ang maexcite. Ngayon palang ako nakasama sa ganitong klaseng survival camping. At ang mas maganda, 5 days. Bukas magsisimula ang aming unang araw ayon sa nakasulat sa gabay panuntunan na nasa kamay ni Rook.

Nauna kaming maglakad ni Faughn. Nasa likuran namin ang iba. Inilibot ko pa ang aking paningin. Masyadong matatayog ang puno, baka ay maligaw kami. Kaya naman ay huminto ako kaya natigilan sila.

"What's wrong, Addison?" Takang tanong ni Karis.

"Bakit huminto? Ugh, gusto ko ng pumunta sa cabin!" Maarteng sabi ni Raverie.

"Shut your filthy mouth, kiddo." Sabi ni Faughn.

"Respect, Srigarda." Sabi ni Cadius na may mapanuyang ngisi sa labi.

"We need to mark every tree na malalampasan natin. Maari tayong maligaw dahil sa pare-parehong nagtatayugang puno." Usal ko.

"Aw, are you scared you might lose your way?" Nang-aasar na sabi ni Cadius.

"Oh come on, Cadius! Tama na sabi!" Si Karis na nagsisimula ng mainis.

"Chill, Karis. Wala akong ginagawang masama." Aniya at itinaas ang kanyang kamay, tanda ng pagsuko.

"I second the motion," sabi ni Dmithri. "Baka ay iligaw tayo ng nagtatayugang puno na ito. Minsan na akong maligaw sa kagubatan na nasa aming probinsya. Inabot ako ng gabi doon bago ako mahanap ng aking abuela."

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon