Chapter 4

48.2K 1.1K 131
                                    

Together

"I-Inang cr po muna ako..." paalam ko sa kanya. Pero ang totoo ay pupuntahan ko talaga si sir. Nakakapagtaka kasing nandito siya, at paano niya nalaman na nandito ako?

"Sige, ako na munang bahala rito," Tumango ako at tinanggal ang apron na suot ko bago maglakad papalapit sa pwesto ni sir.

Halos lahat ng tindera rito sa palengke ay napapatingin sa direksyon niya, naka-sandal siya sa kotse niya, may suot pang color black na shades. As usual with he's expensive suit.

"S-Sir? Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Agad namang sumilay ang ngiti sa labi niya at akmang hahawakan ako nang bigla akong umatras.

"Why?" Napailing ako at tinignan ang pwesto ni Inang, busy ito sa pagtitinda pero baka mabaling ang tingin niya dito sa pwesto namin!

Hinila ko ang kamay ni sir at sinenyasan siyang pumasok sa loob ng kotse niya.

"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob. Tinanggal niya na rin ang suot niyang shades, aninag ko tuloy ang tsokolate niyang mata. Ilang minuto akong tumitig sa kanya.

"Can we go out?" Malambing niyang tanong, I could feel the butterflies trickling on my stomach. Kahit sa simpleng bagay ay nakakaramdam ako nang ganoon.

Pero ano raw? Go out? Ulit? Adik na adik ata talaga 'tong si sir sa akin.

"Ulit? Hindi ka ba busy? 'Di ba naghahanda kayo para sa nalalapit na exam?" Mabilis siyang umiling.

"I have a bussiness next week, I'll be gone in the whole week." Medyo nakaramdam ako nang lungkot, 1 week ko siyang hindi makikita! "That's why, I want to go out with you." Tumango na lang ako, pero naisip ko rin si inang tutulong pa pala ako sa kanya. "Ipagpaalam ba kita?" Napatigil ako sa sinabi niya, ano raw? Ipagpaalam? Kay inang? Aba, malakas rin loob nito ah.

Akmang magsasalita ako nang tumunog bigla ang cellphone ko.

Si Inang!

"Inang?" Sinenyasan ko si sir na huwag magsalita, at mukhang naintindihan naman niya 'yun, dahil tinikom niya ang bibig niya at sumandal sa upuan niya habang ang isang kamay ay nakapatong sa hita ko.

"'Wag ka na bumalik rito Pear, ubos na ang paninda natin, dumiretso ka na pang pauwi," nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Eh ang dami pa n'on kanina, halos apat na balde pa 'yung nandoon, tapos biglang ubos na?

"Paano nangyari 'yun Inang? Ang dami po n'o kanina ah." Tanong ko.

"Sinwerte ata ngayong araw Pear, ang mahalaga ay naubos ang paninda natin. Kaya huwag ka na bumalik rito, ako na mag-aayos ng mga gamit." Nakaramdam tuloy ako nang saya.

"Inang, magpapaalam po sana ako..." Saglit kong tinapunan ng tingin si sir na ngayo'y nakatingin rin sa akin.

Hindi kaya? Siya ang bumili ng mga isdang paninda namin!? Sino pa ba ang pwedeng gumawa n'on? Hanep!

"Gawin mo ang gusto mo, basta palagi mong tatandaan 'yung sinabi ko. Dapat nakauwi ka na bago mag-alas diyes." Napangiti ako.

"Sige po Inang, thank you!" Binaba ko na ang cellphone at humarap kay sir na ngayon ay nakangiting tumingin sa akin. "Ito ba ang ibig mong sabihin na ipag-papaalam mo ako? Ikaw talaga!" Kinurot ko pa ang braso niya.

"I already planned it out, don't worry those fish is in a good hands," kumunot ang noo ko.

"Saan mo nga pala 'yung gagamitin lahat? Ang dami n'on!"

My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon