Chapter 6

43K 1.2K 50
                                    

Pain

"There are National Painting Contest. I want you to participate Ms. Cromwel," nandito ako ngayon sa Dean's office dahil pintawag 'raw ako ni Dean.

Nakakagulat rin dahil hindi ko naman 'to inaasahan. Isa pa wala ako sa mood dahil sa mga nangyari at nasilayan ko.

Basang-basa ako nang umuwi kahapon, subrang lakas kasi ng ulan tapos wala pa akong dalang payong. Badtrip pa dahil nabasa 'yung mga pinamili ko.

"Ms. Cromwel? Are you with us?" Nabalik ako sa wesyo nang magsalita ulit si Dean.

"A-Ahh ano po ulit 'yung sinasabi niyo?" Alin-langan kong tanong nang biglang bumukas ang pinto at niluwa ro'n si Vince, 'yung transferee.

"The two of you will participate in the Painting Contest." Gulat tuloy akong napatingin sa kanya dahil hindi ko alam na nagpa-paint rin pala siya.

Ngumiti pa siya sa 'kin nang tuluyan siyang makapasok sa loob pero hindi ko na lang pinansin.

"Kailan po ang contest Dean?" Kahit sa totoo lang ay ayaw kong sumali, pero nakakahiya naman kung tatanggi ako.

At sigurado akong kaya nila ako kinuha ay dahil may potensyal ako, ayoko ring sayangin ang pagkakataon.

"By the end of the month, it will take 3 days because there are 3 rounds if ever that you will pass the first round then you're be able to move forward in second round and so on," tumango-tango ako bilang sagot. "As far as I know, you're in the same class with Mr. Mowerm. So I expected that you knew each other already?"

"Yes Dean, She's the one who bring me here in your office on my first day." Si Vince ang sumagot, ngumiti na lang ako ng tipid.

"That's good to hear. So I guess we're done, prepare yourselves It's not an ordinary contest. And also Mr. Mowerm I trusted your works. I hope this contest will enlighten both of you, and I also hope this contest will motivate the both of you to express your thoughts about painting." Pareho kaming tumango at ngumiti.

Lumabas na rin ako kaagad pagkatapos magsalita ni Dean kanina pa ako nangangalay dahil kanina pa ako nakatayo.

"Canteen?" Hindi ko siya nilingon at tango lang ang sinagot.

Iwan ko ba pero iba talaga pakiramdam ko sa tuwing malapit siya sa 'kin, parang may kakaiba sa kanya na hindi ko masabi kung ano.

Sa totoo lang masyado siyang misteryos.

"Nag pa-paint ka pala?" Tanong ko, out of nowhere.

"Yeah, I love to paint, I did paint you by the way," bahagyang umawang ang bibig ko.

"T-Talaga?"

"Yes. Ipapakita ko sa 'yo mamaya, is that okay?"

"Oo naman!" He really maybe a good painter, huh? Tsaka pininta niya talaga ako? Bakit naman?

But I don't think so. Hindi na importante kung bakit niya ako pininta, basta gusto ko lang makita.

"Pear!" Mabilis naming nakita si Kiro sa loob ng canteen dahil kinaway-kaway niya ang kanyang kamay.

Medyo naiilang ako dahil parang naagaw namin ang pansin ng ibang mga estudyante.

"Uy! Hi Vince! Join ka sa 'min" Sinamaan ko ng tingin si Kiro pero mukhang  ayaw niya akong pansinin.

Close na ba 'tong dalawa?

Ang bilis naman ata? Sa bagay mabilis rin naman kumilos si Kiro, baka sa mga susunod na araw ay malaman ko na lang na nilalandi niya na 'yang si Vince.

My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon