Needed
Nasaan ako?
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang kulay itim na kisame na siyang pinagtataka ko. Hindi ko ito kwarto.
Mabilis akong tumayo at sinuri ang buong kwarto kung nasaan ako ngayon.
Nanlumo tuloy ako nang maalala ang nangyari, hayop na Patrick 'yon. Kung akala niya'y basta-basta ko na lang siyang patatawarin sa ginawa niya, nagkakamali siya.
Hindi ko palalampasin ang nangyari, kahit pa mawala sila sa museum ko.
"You're awake." Napaigtad ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko... At... What the fuck! Mabilis akong tumalikod nang makitang wala siyang damit pang itaas at may towel na nakabalot sa kanyang pang-ibaba.
Mukhang kagagaling niya lang maligo.
"A-Ano ba... L-lalabas na ako!" Mabilis akong tumakbo papalabas at hindi na siya hinintay na sumagot.
Bakit nga ba ako nakatulog sa sasakyan niya!? At anong oras na ba? Napatingin ako sa relo, madaling araw na.
Sigurado akong nag-aalala na sila Inang sa akin dahil hindi ko sila tinext o sinabihang hindi ako makakauwi.
Asan na ba 'yung cellphone ko? Hindi ko mahanap sa bulsa ko at 'yung bag ko rin!
Mukhang naiwan ko sa opisina ang mga gamit ko. Buntonghininga na lang ang pinakawalan ko at saglit na nag lakad-lakad, kahit hindi ko alam kung saan ang daan.
Mukhang nandito ulit ako sa bahay niya. Nasa'n kaya sila Emery? Hindi ko ata sila napansin? Malamang natutulog... Madaling araw pa lang.
Halos mainis ako dahil pabalik-balik lang ako sa pwesto ko, bakit naman kasi subrang laki ng bahay niya? Kanina pa ako paikot-ikot rito pero hindi ko mahanap ang hagdan pababa.
"Pear." Napalingon ako nang marinig ang malalim niyan boses, nakasandal lang siya sa pader habang nakatingin sa akin.
Mukhang tapos na rin siya mag bihis, napayuko tuloy ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Pero teka... Hindi to akin ah!? Napatingin ako sa damit na suot ko.
Binihisan niya ba ako!? Nakasuot lang ako nang panlalaking damit, na malamang ay sa kanya, masyado pang malaki sa akin maging ang short ko ay panlalaki rin.
"I-Ikaw ba ang nag bihis sa akin?" Diretsong tanong ko dahilan para umiwas siya ng tingin.
What the? Binihisan niya ako??
"Don't worry... It's Yaya Jess, you're sweating, kanina. I have no choice but to change your clothes." Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kung ano na.
"Thankyou again Hale, but I guess I have no reason to stay here... I need to go home, can I barrow your phone? Tatawag lang ako sa 'min." Nakayuko pa rin ako habang nagsasalita.
"I'm gonna take you home." Mariin niyang sabi.
"Hindi na... Magpapakuha na lang ako sa driver ko, subrang naabala na kita, ayoko nang dagdagan pa 'yon." Tipid akong ngumiti habang siya'y seryoso lang nakatingin sa akin.
"You have a kids..." Napahinto ako. "It's surprising..." Biglang lumakas ang kabog ng puso ko.
Bakit nga ba nawala sa isipan ko ang nangyari noong nakaraan!?
"A-Ah, kailangan ko nang umalis... sigurado akong hinahanap na ako sa amin, kung ayaw mong ipahiram 'yung cellphone mo, ayos lang." Mabilis ko siyang nilampasan, kahit hindi ko alam kung saan dito ang daan pababa.
![](https://img.wattpad.com/cover/290226708-288-k916489.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)
RomanceIt's his mission that he needed to accomplish. But destiny was playful. He fell in love. And he's taking the risk. He will protect her. But sometimes, protecting someone, means; hurting them too. *** My Hot Professor Is My Lover. Book cover by: Tra...