Chapter 13

38.8K 1K 166
                                    

Hurts

TATLONG ARAW na simula nang mangyari ang trahedyang hindi ko inaasahan, nasa kwarto lang ako at hindi magawang lumabas.

Alam kong nag-aalala sa akin si Inang, pero pilit kong sinasabi na ayos lang ako. Wala akong nakuhang text o tawag galing kay Hale, at pag ako naman ang tumatawag ay hindi niya sinasagot.

Naiintindihan ko siya kung galit siya dahil sa mga nakita at narinig niya, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw niyang makinig sa akin?

"Pear..." Hindi ako lumingon pero alam kong boses iyon ni Kiro, tahimik lang akong naka-upo sa labas ng bahay namin.

"Huhusgahan mo rin ba ako? Please lang 'wag muna ngayon... hayaan mo muna akong mag pahinga." Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin Pear? Na katulad ako nila? Alam mong hindi ako naniniwala basta-basta nalang." Mas lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi niya.

Akala ko ipagtatabuyan niya rin ako eh.

"Hindi ko magagawa 'yun Kiro... wala akong alam sa nangyari pero hindi ko magagawa' yun." Hinayaan ko siyang lumapit sa akin at yakapin ako, ito ang kailangan ko.

Kailangan ko nang mapagsasabihan, kailangan ko nang masasandalan, kailangan ko ng taong makikinig sa akin, kailangan ko nang kakampi... at sa lahat ng taong nasa paligid ko si Hale ang inaasahan kong gagawa n'on, pero wala siya...

Hindi niya ako pinakinggan at ayaw niya akong paniwalaan.

"Hush... Ilabas mo lang lahat ng sakit, nandito lang ako Pear. Talikuran ka man ng lahat, pero nandito ako, hindi kita kailan man tatalikuran," mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa damit niya at nilabas ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.

Aalamin ko ang katotohanan, alam kong may mali... Wala akong maalala ni isang pangyayari nang gabing 'yon, at hindi rin ako uminom nang marami kaya imposibleng mawala ako sa sarili ko.

Depende nalang kung may nag set-up sa akin.

"Kiro..."Humiwalay ako sa kanya at mabilis na pinunasan ang luha ko.

Hindi ito oras para umiyak, hindi ito oras para mag luksa, kailangan kong kumilos. Ayokong mag sayang ng oras, at kung sakali mang tama ang hinala ko ay sila naman ang malalagot sa akin.

There is always room for resting, but this isn't the time. Kailangan kong linisin ang pangalan ko, hindi para sa kanila, kundi para sa sarili ko.

"Bakit? Ayos ka pa ba? Pumasok na tayo--"

"Number ni Vince... ibigay mo sa akin ang number niya." Naguguluhan siyang tumingin sa akin pero hindi na siya nagtanong at nilabas ang cellphone niya.

"Anong gagawin mo?" Hindi ako sumagot at mabilis na tinawagan ang number niya.

Makailang call pa ako pero hindi niya sinasagot.

"May problema ba?" Tinawagan ko ulit ang number niya at sa pagkakataong 'to ay sinagot niya na ang tawag ko.

"Vince."

"Pear?" May halong pagtatanong ang boses niya. "I heard--"

"Alam ko, k-kaya tinawagan kita... Matutulongan mo ba ako?" Siya na lang ang naiisip kong makakatulong sa akin, nandoon siya nang gabing 'yun kaya inaasahan kong may alam siya. "Pwede bang mag kita tayo..."

* * *

"I'm drunk too..." Napasinghap ako, nandito kami ngayon sa isang restaurant. "Your friends? 'Yong mga kasama mo nang gabing 'yon? Hindi mo ba sila tinanong?" Napalingon ako sa kanya, pakiramdam ko'y biglang sumakit ang ulo ko, kaya napadaing ako.

My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon