Chapter 26

39.3K 1K 55
                                    

Escape

Mabilis akong naglakad papalabas at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Halatang natigilan siya dahil sa sinabi ko, pero hindi ito ang oras para ipaliwanag ko sa kanya ang lahat, nanganganib ang buhay ng anak namin kaya kailangan kong kumilos nang mabilis.

Pinakalma ko ang sarili ko at muling tinapunan ng tingin si Hale na ngayon ay hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.

Nagbaba ako ng tingin hanggang sa tuluyan na akong makarating sa malaking hagdan.

"Patrick! Nandito na ako!" Sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa taas.

"Pear..." Mabilis na nagtagpo ang mata naming dalawa dahilan para tumigil ako sa pag-hakbang.

Lumingon pa siya sa likuran ko at para bang sinisiguradong ako lang ang nandito.

"Jamila Pear..." Wala akong nagawa nang yakapin niya ako bigla, tanging pagkuyom lang ng kamao ko, dahil ramdam ko ang matalim na bagay na tinutok niya sa tagiliran ko.

"P-Patrick...Nasaan ang mga anak ko?" May halong takot kong tanong.

Humiwalay siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

"As I promised Pear. Papakawalan ko sila kung sasama ka sakin..." Hindi ako sumagot at sumunod lang sa kanya.

Marami kaming kwartong dinaanan, hanggang sa nakarating kami sa dulo. Sabik na sabik agad akong buksan ang pinto at makita ang mga anak ko.

Gusto ko silang yakapin at iparamdam sa kanila na hindi na nila kailangang matakot.

"Open it Pear..." Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"MMMM!!"

Mabilis akong tumakbo sa pwesto nila at niyakap silang dalawa.

May takip ang bibig nila kaya hindi nila magawang magsalita. Namumula ang mata ni Nadia habang si Aidan ay paiyak pa lang.

Akmang tatanggalin ko ang tali nila nang biglang hilain ni Patrick ang braso ko.

"Patrick ano ba! Pakawalan mo sila! Nasasaktan ang mga bata!" Nanlulumo akong makita ang mahigpit na tali sa kamay at paa nila, napatingin rin ako sa gilid at doon ay nakita ko si Yaya Merci na walang malay.

"Too fast Pear... Kumain na muna tayo," Inagaw ko sa kanya ang braso ko at lumapit ulit sa kanila. "Jamila Pear! Sundin mo na lang ang sinasabi ko!"

Napalunok ako nang marinig ang pag-kalabit niya ng baril at alam kong nakatutok iyon sa akin.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Wala akong magawa kundi ang tumayo at harapin siya.

"S-Susunod na ako..." Nakahinga ako nang maluwag dahil binaba niya ang baril, ang kanina ring galit niyang mukha ay napalitan ng paglalambing.

He's crazy... I swear! Kung wala siyang baril ngayon ay lalabanan ko talaga siya! Pero natatakot akong punteryahin niya ang mga bata.

"Good girl... let's go, I prepared a dinner for us." Muli kong nilingon ang dalawa, halata rin ang pag-aalala sa mga mukha nila.

Malalim akong ngumiti na para bang pinaparating ko sa kanila na, okay lang ako.

Lumabas kami sa kwartong 'yun at naglakad pababa.

Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang paligid, baka-sakaling nandito pa si Hale, at baka mahuli siya ni Patrick, pagnag-kataon ay mas lalo lang manganganib ang buhay namin.

Hinayaan ko siyang lagyan ng pagkain ang plato ko, is he obsessed with me? Paanong umabot kami sa sitwasyong 'to?

Akala ko noon isa lang siyang babaero, pero mali pala dahil demonyo siya! Demonyo ang nasa harapan ko... Nanggigigil ako sa mga oras na 'to, I want to punch him, dinamay niya pa ang mga anak kong walang ka alam-alam.

My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon