Chapter 12

37.5K 988 220
                                    

Scandal

Trigger Warning.

Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko, napahawak pa ako sa ulo ko dahil nakakaramdam ako ng grabing hilo mula doon.

Dahan-dahan akong umupo at napahilamos sa sarili kong mukha gamit ang dalawa kong kamay.

Anong nangyari?

Pinalibot ko ang tingin ko, hindi ito ang kwarto ko, kung ganoon ay nasaan ako?

Akmang tatayo ako nang makaramdam ako ng kakaiba, agad kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin at halos mapasigaw ako dahil sa gulat.

W-Wala akong saplot na suot. Maliban sa aking panty at bra.

H-hindi... Nagsimula na akong kabahan, unti-unti ng nanginginig ang kamay ko at pilit na hinahanap ang suot ko.

Tagumpay naman akong makita ito sa may gilid, sigurado akong walang nangyari... Nakasanayan ko ng mag hubad pag natutulog kaya siguro wala akong damit ngayon.

Pero bakit wala akong maalala? Sino ang nagdala sa akin dito? Hindi naman marami ang nainom ko halos tatlong shot lang 'yun pero bakit tinamaan agad ako ng alak?

Mabilis ko na lang pinulot ang damit kong nasa gilid, mahigpit ko iyung hinawakan.

We received the result yesterday, at tagumpay akong nakapasok sa 3rd round.

Kaya naman bukas ay babalik ulit ako sa venue, rest day ngayon kaya balak kong pumunta sa eskwelahan para dalawin si Hale, pero bago 'yun ay dadaan muna siguro ako sa bahay.

"Inang?" Pag tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa loob, pansin ko rin ang isang subri na nasa gilid kaya agad ko itong tinignan.

MARGARRETE CROMWEL BU--

"Pear!" Mabilis akong napalingon nang marinig ang boses niya, parang nagmamadali siya at balisa.

Nabaling din ang tingin niya sa subring hawak ko.

"Andito kana pala, kamusta ang contest?" Kinuha niya ang subri sa 'kin kaya hinayaan ko na lang siya.

"Pasok po Inang, nakapasok po ako sa 3rd round!" Galak kong sigaw, napangiti naman si Inang at tinapik ang braso ko.

"Proud ako sayo, alam kong makakaya mo yan..." Niyakap ko siya nang mahigpit at agad ring humiwalay.

"Punta po kayo bukas Inang, last round na po bukas kaya pwede na pong pumunta ang parents..."

"Oo Pear pupunta ako, may pupuntahan ka pa ba ngayon?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Oo Inang, puntahan ko lang po si Hale..." Kanina pa rin ako sabik na sabik na makita siya.

Hindi rin kasi ako nakatanggap ng text or call galing sa kanya siguro busy siya kaya ako na lang ang mag a-adjust at pupuntahan siya.

"Ganoon ba, sige mag-iingat ka." Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay lumabas na rin ako ng bahay, at sumakay ng bus papuntang E.C

* * *

Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa loob ng campus ay ramdam na ramdam ko na ang iilang mata na nakatingin sa akin--- mariing nakatingin sa akin.

Lahat sila ay parang nandidiri at parang kinakahiya ako.

Kaya dumaloy ang pagtataka sa buong sistema ko.

May nagawa ba akong mali para tignan nila ako nang gan'yan? Hindi ko na lang sila pinansin at mabilis na naglakad papasok.

'Slut.'

My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon