Vacation
"Hindi po ba kayo galit sa akin Inang?" Tanong ko habang bitbit ang bag na dadalhin ko.
Tatlong damit tsaka short at pantalon lang ang dala ko, dalawang araw lang naman kaming aalis.
Hindi ko rin maiwasang mag tanong kay Inang nakakapagtaka kasi ang kinikilos niya.
"Bakit naman ako magagalit, Pear? Sa katunayan ay masaya ako, at isa pa nasa tamang edad ka na pagbabawalan pa ba kita?" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Napaka swerte ko talaga sa Inang ko.
"Salamat Inang sa suporta mo..."
"Mag da-dramahan pa ba tayo? O siya sige na hinihintay ka na ng nobyo mo... mag-iingat kayo Pear." Tumango lang ako at kumaway bago naglakad papalabas.
Sinalubong naman ako ni Hale at kinuha ang bag na dala ko.
"Let's go?" Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
Inaamin kong na e-excite ako dahil ito ang unang beses na sasama ako sa kanya, hindi lang isang araw kundi dalawa pa!
Ini-imagine ko na tuloy kung ano ang gagawin namin, ang sabi niya kasi sa 'kin ay pupunta kami sa isang resort na pag-aari nila.
Hindi na rin ako nagulat nang malaman na may resort sila, kilalang-kilala kaya ang pamilya niya sa buong lugar, ika nga nila, 'isa sa pinaka mayamang pamilya ang mga Juaquir dahil sa maraming kompanya na pagmamay-ari nila.
Minsan rin ay hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko, walang-wala kasi ako kumpara sa kanya.
"I'll turn on the music?" Nabaling ang tingin ko sa kanya at tumango, masyado rin kasing tahimik at hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang pagsasalita ko.
And there goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless nowBungad na bungad agad ang kantang 'You are the reason' ni Calum Scott.
Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko, pero pinili kong kumalma at ilipat ang tingin sa labas ng bintana.
I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see"That you are the reason." Nagulat pa ako nang sinasabayan niya ang kanta.
Kaya hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya at saktong nakatingin rin siya sa akin habang nakangiti. Ayan nanaman ang ngiting 'yan! Natutunaw puso ko.
"You're the woman I want to spend my life with."
Bigla ring bumalik sa akin ang sinabi niya kanina, ni hindi ako makasagot ng sabihin niya 'yun.
Para kasing lumutang ang puso ko sa bawat binibitawan niyang salita at para bang hinihiling ko na sana tumigil ang oras at mas makasama ko siya nang mas matagal.
Nakakakaba, ang sabi nila pag subrang saya mo ngayon, baka bukas o sa makalawa ay sakit ang kapalit.
"And if I could turn back the clock
I'd make sure the light defeated the dark
I'd spend every hour, of every day
Keeping you safe."Para akong nakatingin sa isang anghel na ngayon ay kumakanta, maganda ang boses niya at masarap pakinggan.
Pino at mararamdaman mo ang emosyon, pati pala pag-kanta ay kaya niya rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/290226708-288-k916489.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)
RomantikIt's his mission that he needed to accomplish. But destiny was playful. He fell in love. And he's taking the risk. He will protect her. But sometimes, protecting someone, means; hurting them too. *** My Hot Professor Is My Lover. Book cover by: Tra...