Contest
Hindi ko alam kung seryoso ba siya o binibiro niya lang ako? Pero nadatnan ko pa rin ang sarili kong naghihintay.
Ilang minuto na rin ang nakalipas nang putulin niya ang linya, kaya nagdadalawang isip ako kung maghihintay ba ako o bumalik na lang sa loob ng kwarto?
Kanina pa ako palakad-lakad rito sa labas. May kalayuan pa naman ang venue. Pupunta ba talaga siya?
"Pear!" Mabilis akong napalingon nang marinig ang pangalan ko. "Dinner? Sabay tayo." Si Vince lang pala, inaamin kong medyo nadismaya ako.
Akala ko kasi siya na.
"A-Ah hindi pa ako nagugutom." Pagdadahilan ko pero mas lalo lang siyang lumapit sa direksyon ko.
Habang ako ay pasimpleng tumitingin sa paligid, nagbabaka-sakaling nandito siya at makita ko.
"I heard the food here was good. I know you're hungry so let's go." Dahan-dahan akong tumango at sumunod sa kanya.
Marami siyang sinasabi sa akin pero wala ako sa sarili ko, pinapakiramdaman ko lang ang paligid ko.
"May problema ba? Hindi ka ata mapakali?"
"W-Wala naman---" naputol ang sasabihin ko ng mag vibrate bigla ang cellphone ko.
FROM: BYFRND KNG IGOP
Having fun?
Mabilis kong pinalibot ang tingin ko. Nandito ba talaga siya?
FROM: BYFRND KNG IGOP
Find me Jamila Pear...
Shit! Mukgang nandito nga siya! Nakaramdam ako nqng saya at mabilis naglakad papalabas, binigyan ko na lang ng 'goodbye' look si Vince na halatang naguguluhan rin.
May karamihan ang taong nandito kaya nahihirapan akong mahanap siya.
TO: BYFRND KNG IGOP
Nasa'n ka?
Maya-maya pa ay may malakas na pwersa ang humila sa akin. Sisigaw na sana ako nang takpan niya ang bibig ko.
"It's me..."Mahina kong sinapak ang braso niya dahil sa gulat, halos habol-habol ko pa ang hininga ko.
"Huwag kang mang-gulat!" Tumawa siya nang mahina at humiwalay sa akin.
"Are you close with him?" Tanong niya alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Si Vince? Hindi naman... nag kataon lang talagang sinali kaming pareho sa contest na 'to..." Hinawakan niya ang kamay ko at nilaro iyon.
"Did you eat?" Umiling ako bilang sagot. "But I saw you in the food court." Nakita nga kami.
"Ah, hindi naman ako kumain... Kakarating ko lang din doon." Nakatitig lang ako sa kanya.
"Let's eat together." Hindi pa ako nakakasagot nang magsimula na siyang maglakad kaya no choice ako kundi ang sumunod, hawak-hawak niya rin kasi ang kamay ko at kahit gusto kong kunin ay mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko, malapit na kami sa parking lot.
Sana lang talaga hindi nila ako hanapin, bawal pa naman kaming lumabas lalo na ngayong gabi.
"Fast food? Where do you want?" Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob.
"Kahit saan ayos lang sakin..." Ngumiti siya sa akin bago nagsimulang mag maneho.
![](https://img.wattpad.com/cover/290226708-288-k916489.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)
RomanceIt's his mission that he needed to accomplish. But destiny was playful. He fell in love. And he's taking the risk. He will protect her. But sometimes, protecting someone, means; hurting them too. *** My Hot Professor Is My Lover. Book cover by: Tra...