Encounter
"Thank you for joining us tonight." Tahimik lang ako habang nakatingin kay Patrick at Hale na nagpapaalam sa isa't-isa.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mg narinig ko kanina at 'yon ang bumabagabag sa akin ngayon.
Totoo nga bang hindi sila kinasal?
Pero bakit may wedding ring si Emery?
Anong nangyari? Nakita ko mismo sa dalawang mata ko na nag-propose siya kay Emery.
At 'yung mga binitawan niyang salita. Did he mean it? He will chase me?
Maraming nangyari noon, hindi magiging madali sa akin ang lahat. Isa pa kailangan kong protektahan ang sarili ko, kailangan kong protektahan ang puso ko. Kasi ayoko nang maulit ang nangyari.
Love destroyed me ones. And that is enough.
I don't need him. But those words coming from him, saying that he will pursue me, I feel afraid.
"Let's go Pear." Tumango lang ako at nagsimulang maglakad papalabas.
Saglit ko pang tinapunan ng tingin si Hale na nakatingin rin sa akin.
"What happened? Natagalan ka ata kanina?" Tanong nito at pinagbuksan ako.
"Ah, tumawag kasi si Inang..." Pagsisinungaling ko.
Mabuti na lang at kombensido siya. Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay.
"I want to see them, nakauwi na pala sila." Alam kong tinutukoy niya si Ai at Nad. "I'm curious Jamila Pear, nasa'n ang tunay nilang ama?" Diretso lang ang tingin nito sa kalsada habang nagmamaneho.
"Kailangan mo ba talagang i-tanong 'yon? Ayokong pinag-uusapan ang ama nila." Mariin kong sabi dahilan para tumahimik siya.
"I have the right, I'm your boyfriend." Parang nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi niya.
Hanggang kailan niya paniniwalaan ang pantasya niyang 'yan?
I heard from Francine na nakita niya si Patrick, the other night. May kahalikan raw babae sa isang bar, and now ako nanaman ang kinukulit niya?
Ayoko sa lahat ay mga manloloko. Kung titignan mo si Patrick ay masasabi mong mabuti siyang lalaki, napakagalang naman kasi ng awra niya, kaya hindi ko rin inakalang babaero siya.
"Stop it Patrick, you're not my boyfriend." Diniinan ko pa ang salitang boyfriend.
Sana naman maintindihan niyang hindi niya ako pag-aari.
"Soon to be, bakit ba kasi tinataboy mo ako Pear? I'm serious about our relationship. Should we have a 2 weeks vacation? 'Yung tayong dalawa lang, baka sa paraang 'yon makita mong, gusto mo rin talaga ako." Napairap ako sa kawalan.
I don't want to fight with him anymore, wala namang mangyayari dahil ilalaban niya ang gusto niya.
"Dito na lang ako, sa susunod mo na lang sila dalawin. Mukhang tulog na sila ngayon." Tinanggal ko ang set belt at kinuha ang bag kong nasa likuran.
"Hey! Pear! I'm going to call you! Answer it, babe!" Pinakalma ko na lang ang sarili ko at nagmadaling maglakad papasok sa loob ng bahay.
Alam kong gising pa ngayon sila Ai at Nad, alas otso pa lang nang gabi. Ayoko lang talagang makita si Patrick na ha-hihgblood ako. Dumadagdag siya sa mga iniisip ko!
"Mommy!" Sinalubong ko sila ng yakap. "Mommy, bakit wala ka po sa work mo?" Lumuhod ako para magkapantay ko silang dalawa.
"Sorry babies, may emergency kasi si Mommy. Don't worry, mamasyal naman tayo sa saturday, okay?" Alam kong sabik na sabik na rin silang gumala.
BINABASA MO ANG
My Hot Professor Is My Lover (COMPLETED)
RomanceIt's his mission that he needed to accomplish. But destiny was playful. He fell in love. And he's taking the risk. He will protect her. But sometimes, protecting someone, means; hurting them too. *** My Hot Professor Is My Lover. Book cover by: Tra...
