Chapter 21"Hmm. M-mint, teka lang."
"Why?" Bulong niya sa tenga ko.
"Huwag kasi parang sira naman eh."
"Masarap naman ah?"
"Yeah. Wag lang kasi sa may batok."
Nandito kami sa bahay nila kasama ang barkada kaso nasa kusina kami samantalang sila Andie ay nanunuod sa may sala. Nag kaayaan kasi silang tumambay muna, nung pumunta akong kusina sumunod siya at nakita niya akong hinihilot ang sentido ay nag prisinta siyang siya nalang ang humilot kaso di nagtagal ay bumaba ito sa bandang batok ko kaya napa ungol ako. Medyo malakas kasi kiliti ko dun. Kaya ng di ko na kinaya ay napatawa ako ng malakas.
"HAHA-HA-A M-int! Lalong sumasakit ulo ko sayo! Itigil mo na yan."
"Okay-okay hindi na." Tinuloy niya lang ang pag hilo ng biglang mag ring ang cellphone ko.
L.Ty
Nagdalawang isip pa ako but, still sinagot ko parin.
"Hello?" Naramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Mint papunta sa mga balikat ko. Na angat ko ang mga balikat dahil sa gulat. Dinungaw ko siya at ngumisi lang siya, inipon niya ang hibla ng buhok ko at inilagay sa kaliwang balikat at tinuloy ang pagmamasahe.
(Where are you?)
"Why are you asking?"
(You are supposed to be here at this hour.) Mariin niyang sabi.
"Tumatambay lang kami kila -- AHAHA MINT!"
Bigla kasing hinipan ang bandang batok ko sabay takbo.
(WHAT THE FUCK DID YOU SAY!?)
"Nandito kami kila Mint, pakisabi nalang kila Tita."
(WHAT!? REESE! GO HOME NOW OR ---)
Di ko na pinatapos at pinatay ko nalang.
Hinabol ko si Mint at ng mapansin ako ay tumakbo, pinag tatawanan nalang kami ni Andie, Dao, Jude, at Tony. Habang umiiling lang naman si Mic. Napagod din naman ako kaya umupo nalang ako sa sofa. Sumunod naman si Mint at umakbay sakin, hinampas ko siya sa tiyan at napangiwi lang pero di naman niya tinanggal ang pagkaka akbay niya sakin.
"Zync paabot naman ng chips oh. Thanks baby girl." Utos sakin ni Mint na katabi ko sa kanan.
"You didn't even gave me a choice." Umirap ako pero sinunod ko parin siya. Nginitian niya ako malawak.
Ilang minuto lang akong nanuod ng nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap ng mga mata ko. Pinikit ko nalang at naramdaman ko na inilagay ni Mint ang ulo ko sa balikat niya.
"SIR! SIR! di po kayo pwede pumasok basta basta!"
"WHERE IS REESE!?"
"Teka lang nga Levi! Huwag kang mag iskandalo--"
"SHUT UP ANDIE!! WHAT THE -- WHAT DID YOU DO TO HER!?"
"Natutulog lang siya huwag ngang OA!"
"I'll take her, BITAW!"
"WHAT? WHO DO YOU---"
"STOP IT GUYS! Mint ibibigay mo na si Zync."
Medyo naalimpungatan ako ng makarinig ng sigawan pero sa sobrang antok ko di ko magawang dumilat, nawala ang ingay at naramdaman ko nalang pag-angat ko. Hmm, ang bango naman sinubsob ko pa ang sarili ko sa amoy at tuluyang nakatulog.
I can live here for a lifetime.
--
I woke up early morning feeling better ... I check the time and it was 6:12, hmm nagugutom ako kaya naisipan kong bumaba na pagkatapos kong i-messy bun ang buhok ko.
Kaso nung pag baba ko narinig ko nanaman ang pamilyar na tawanan, seriously bakit ang aga pumunta nito sa bahay. Kaya di ko napigilang sumimangot habang bumababa.
"Woah. Seems like there's someone woke up in the wrong side of bed." Ngisi sakin ni Tita, lalo tuloy akong nainis.
"Kumaen na po kayo?"
"Yup. Pinag luto kami ni Rizel ng pancakes." Pag mamalaki pa ni Tito, speaking of him di na kami nakapag usap ng maayos. But, by the looks of it mukhang nakapag decide na siya and that is ... to stay.
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Levi. Napabuntong hininga ako ng may maalala --
"Paano po ako nakauwi?"
"Sinundo ka ni Levi."
"Eh sino po nag bihis sakin?"
"Si Levi --"
"PO!?"
"-- ipinag bilin ka sakin." Sabay tawa ni tita Sol. Nag pa alam ako sa kanila at dumiretso na ng kusina.
"So tita, okay na po kayo sa blue and white?" Naririnig ko pa ang usapan nila. Ano ba yun? Bat palaging nandito yung Rizel na yun? Nakita ko kagad ang Pancake na niluto ni Rizel, nakakainis mang aminin but, it looks delicious. Pero di ko talaga pwede kainin to.
Nag hanap ako ng makakain pero wala na. Ano ba yan mukhang kailangan kong mag paluto, pero nasan ba yung mga katulong? Bumalik ako sa sala -
"Tita nasan sila Nana Ling?" Napahinto naman sila sa pag uusap.
"Nag grocery bakit?"
Napa nguso naman ako.
"Wala po akong makaen."
Kumunot ang noo nila at parang may naalala.
"Ay oo nga pala, allergic ka sa itlog we forgot sorry." Halata ang pag aalala niya.
"Hmm. Do you want me to cook for you?" Singit ni Rizel - okay ate na dahil nadala ako sa lambing ng boses niya.
"Ay wag nalang po ate, sa school nalang ako kakaen." Nakita kong kuminang ang mata niya sa di maipaliwanag na emosyong nakita ko sa mata niya dahil sa sinabi ko.
"No!" Sabay sabay kamining napatingin kay Levi. Bumaling siya kay ate Rizel.
"Continue what you are talking. I'll just cook for her."
Tumuloy na siya sa kusina kaya sumunod na ako.
"Hindi pa nga asdfeqqfe--" wala akong naintindihan sa sinabi nila, pero narinig ko ang tawanan nila.
Pagpasok ko sa kusina likod ni Levi ang sumalubong sakin. He's just wearing a Sweat pants and black sando na lalong nag paputi sa kanya, kitang kita ko din ang pag flex ng muscles niya. I dont know kung ano ang niluluto niya. But one thing is for sure, mukhang masarap nga ang almusal ko HIHI :D (wink.)
A/N
Dugtungan: I woke up feeling...?
Eeeendyooy :)
BINABASA MO ANG
Love Between Lies (Completed)
RomanceKailan ba ang tamang oras para magmahal? paki sabi nga sa kanya para alam niya kung kailan siya dapat dumating sa buhay ko.