Chapter 20
Pumasok na kami sa loob ng Bar, It's not my first time to be in a places like this but, di ko parin magawang masanay sa mga usok, ingay, alcoholic drinks and some making outs ng mga tao dito.
"Doon tayo." Sabay turo ni Jude sa sofang nakapwesto sa bandang dulo. Wow! looks like it's not his very familiar here. May ilan ding bumati sa kanya at pinapakilala kami pero wala namang akong masyadong maalala sa mga pinakilala niya.
"WOAHH! SHOT! SHOT! SHOT!" I heard some groups chanting. Napatingin naman kami sa pinagmulan nun, may mga nakapaligid na mga tao dun.
"Dare of 13 hell shots. What drinks would you prefer?"
"Pwede bang juice?" Nagulat ako ng nilingon ako ng dalawa. Ang sama naman makatingin.
"Ako na ngang bahala." Ilang minuto lang naman bumalik na siya, inamoy ko yung inabot niya sakin wala naman akong naamoy na medyo matapang pero nung ininom ko na ito ay medyo napa atras ako. Shit. gumuguhit!
"Yeah. Right. Girl. Bottoms up pa." Sabay tawanan pa ng dalawa.
Parang bigla akong nahilo. Eh?
30 MINUTES LATER
"W-wey- umi--ikot! Jude!! T-ulongsh." Err-- di ako yun, itong babae kasing to simula ng makainom ng binigay ni Jude, ayon di na tumigil. Ako naman dahan dahan lang sa pagsimsim.
"Jude! Pigilan mo nga yang kaibigan mo!"Sigaw ko kay Jude at bahagyang napatayo ng nakita kong may lumapit na lalaki kay Andie na abala sa pag sasayaw -- kung sayaw ngang matuturing yun.
Lumingon ako kay Jude at busy naman ito sa cellphone niya. Anong ginagawa nito? Umupo nalang ako at Hinawakan ang baso na may lamang alak at inubos iyon. Madami ng nag aya saking sumayaw pero inayawan ko lahat, ewan kung ano ba pumipigil sakin.
Pinanood ko nalang si Andie na iba naman ang kasama ngayon. Seriously they are doing some dirty dancing but, hanga talaga ako sa lakas ng loob nito ni Andie - parang wala lang sa kanya.
Di ko na namalayan na marami nakong naiinom until makaramdam na ako ng hilo.
Hinanap ng mga mata ko si Jude pero bigla itong nawala, ako nalang tuloy ang nasa sofa.
"WOAHH." Narinig ko ang mga tilian at sigawan ng mga tao kaya naagaw nito ang atensyon ko. There she is, wala bang kasawa sawa itong si Andie - pero atleast ngayon si Jude na ang kasayaw niya. Iinumin ko na sana ang alak na isinalin ko sa baso ng mabulunan ako sa nakita- there he is walking gracefully habang hinahawi ang mga tao sa paligid, sobrang nakakatakot ang mata niya parang handa itong pumatay ano mang oras. Tatayo na sana ako pero may humigit sa braso ko.
"What the f---" di ko na tinuloy ang sasabihing mura ng makit ko kung sino ang humatak. Its no other than Laide himself. Wearing his most deadly stare - he dragged me out the bar.
"Get in." Di na ako nag salita at tumuloy nalang.
Walang umiimik samin pero dinig hanggang makarating sa bahay bumaba na agad ako.
"What the hell did you do?!? Why did you dragged Andie there?! Dinadamay mo siya sa kaartehan mo. " Nag panting ang tenga ko sa sinabi niya. I turned and face him.
"What did you say?"
"You let her dance her ass out with unknown guys!? Is that a friend to you Reese!?!" Napataas ang kilay ko sa taas ng tono niya.
"You don't know what are you saying! Im not the one who --"
"Are you really desperate to be with other guys huh!? Bakit!? Because Im old enough to be with your like? Reese naman! Kung nagalit ka kanina hindi kana dapat nang damay ng mga taong labas satin. Don't be so childish. " napahilamos ako sa mukha ko, masakit na kahit anong sabihin ko hindi siya maniniwala. Ano ba talagang problema niya? Kanina pa siya.
"You've done too much stupidity this day. You know what can I only say? WHATEVER LEVI. WHATEVER."
Tumalikod na ako after I said that. Hindi ko na din napigilang hindi umiyak, ramdam ko ang hilo pero hindi ito ang priority ko ngayon. Sobrang gusto ko nalang matulog kung pwede lang huwag ng gumising.
Uminom muna ako ng tubig. Ayaw talagang tumigil ng luha ko kaya I didn't bother to wash it away.
Pumasok ako ng kwarto, feeling down. Ito na ba yung mga nababasa ko sa kwento? Manlalamig ang guy and then mag hihiwalay na in the end kasi may iba na si guy.
"AHH" Napasabunot ako sa buhok ko.
"NEVER AKONG MAG HAHABOL ULIT SAYO! LEAVE ME AND NEVER COME BACK" Binato ko ang unan sa dingding. Nakaka praning! Basta bahala siya hindi na ako maghahabol this time.
Dala marahil ng alak ay nakatulog din ako. I woke up feeling empty. He never bother to come here to explain his self. Siguro nga sign na ito na may mangyayare pang mas malala.
Bumaba na ako pag katapos mag ayos. Nakarinig ako ng tawanan sa sala kaya nilingon ko ito. Wow!? naman ang aga pumunta ng kabet na to. Kinakausap niya si Levi pero parang lutang naman ang huli. Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa Tita't-Tito kong nag bubulungan at bungisngisan sa sofa.
"Alis na po ako." Napa hinto naman silang dalawa para lumingon sakin.
"Ang aga pa ah? Kumaen ka na ba? Magpahatid ka na kay Levi."
Ramdam ko ang tingin ni Levi at bruhilda sakin pero di ko sila tinapunan ng tingin.
"Huwag na Tita. May bisita pa siya, baka po makaistorbo." Malamig kong sabi.
"Kahit na kami na muna ang makipag usap kay Rizel." Yun pala pangalan ng bruhang to.
"Okay lang talaga tita isa pa nandyan na po si Mint sa labas sabay na kaming mag breakfast." Natahimik silang apat at nag tinginan saglit. Tumango na si Tito. Umalis na ako nasa labas na nga si Mint. Umalis na kami - kumain at pumasok na.
Medyo may hang over pero pinainom naman ako ni Mint ng gamot.
"Are you okay?" He asked ng mag pa break ang prof namin sa Marketing.
"Hmm." Ungol ko habang tumatango. Naka yuko ako habang hinihilot ang sentido ko.
For the first time aayawan ko na ata ang alak.
---
A/N
Sabaw talaga ako ngayon. Sabi kasi nila 7.50 nalang Ariel pag bili ko 8.00 Sadla! Wala talagang forever </3
PS: Bigyan niyo ko ng forever please !
-S.S.Dyey ♡
BINABASA MO ANG
Love Between Lies (Completed)
RomantizmKailan ba ang tamang oras para magmahal? paki sabi nga sa kanya para alam niya kung kailan siya dapat dumating sa buhay ko.