Goodbye's

23 0 0
                                    


Chapter 23

3 months  passed by naging busy narin kami sa kanya kanyang buhay.

"Here." Inilapag ni Ate Riz and black forest cake na inorder niya para sakin. Ewan ko kung pang ilan na itong cake na ipinatikim niya sakin ngayong buwan but, minsan naiisip ko na sinasabotahe niya ako. Parang gusto niyang tumaba ako para di na ako magustuhan ni Laide. :3. Tinikman ko parin kahit sira na ang diet ko.

"How about it?"

"Masarap po." Ngumiti naman siya ng malawak. "Eh, kaso mas masarap parin yung gawa sa kendi." This time ako naman ang ngumiti ng malawak.

"Ay! Mas masarap kaya to!" Nag pout pa siya.

"Ih. Mas gusto ko yun, Ate." Napahinto naman siya.

"Uhm. Sige na nga suko na ko. Panalo na yung Candy Cake mo."

Nandito kami sa mall naggagala lang. Naging close na kami ni Ate Riz simula ng inasar nila ako ay lagi na siyang nasa bahay noong una akala ko ay si Laide ang pinupunta niya pero dumating yung time na pinagalitan niya pa si Levi nung nakalimutan niya akong sunduin dahil nag ka-emergency meeting sa company kaya nag decide akong mag taxi pero wala pang ilang minuto nakaramdam ako ng takot at kaba dahil panay ang tingin sakin ng driver nag patay malisya ako hanggang makita kong may ini-spray  siya kaya dali dali akong nag bayad at pinahinto ang taxi kahit malayo pa ako. Tinawag niya ako pero tumakbo ako agad papasok sa isang mall kahit nanginginig.

Umupo ako sa isang fast food at tuluyang umiyak ng biglang may tumawag sakin nakita ko si ate Riz na nakatayo sa harap ko at may nag aalalang tingin. Kwinento ko ang nangyare niyakap niya ako at sinabing tama lang ang ginawa ko mas ayos na daw yun kaysa may nangyare pang masama sakin. That night hinatid niya ako at inantay makauwi si Laide, and ayun nga sinermunan niya. Since that night lage na siyang nasa bahay kahit wala pa si Laide.

"Let's go shopping!" Napangiwi ako sa taas ng energy niya.

Nag ikot kami at ang dami niyang nabili. 6:30 na ng gabi ng mag aya siyang umuwi.

"Ate. Sa bahay ka na kumain." Sabi ko once na makapasok sa kotse si ate ang nasa driver seat.

"Sure. I won't decline that offer."

Nag drive na siya. Maya maya ay nag ring ang phone ko.

L.Ty Calling ~

Accept | Decline

In-accept ko kagad.

(Baby! Where are you?!)

"We're on our way home."

(Sinong kasama mo!?) Dinig ko ang pang hihinala niya.

"Eh? Si Ate Riz lang ang kasama ko. Stop it, okay."

(Yeah. Yeah. Just go home already! I missed you na eh.)

"Nagkita naman tayo kanina ah." Napapalabi kong sabi. Kinikilig na ako eh!

(Sige. Please take care for me.)

"Yeah. Goodbye."

(Zync …) puputulin ko na sana ang tawag.

(I hate goodbyes… please don't leave me.)

"Why would I leave you without reasons? Seriously Levi you need to release some stress, your overthinking things."

(Sorry…)

"Okay na. Mamaya na tayo mag usap huh?"

(Okay. I love you.) Bumalik na yung ngiti sa labi ko.

"Hmm. I love you, too."

Binaba ko na ang tawag. Nakita ko ang pag ngiti ni ate Riz.

"Uy! May kinikilig!" She says in a singsong.

"Ate!" Nakakainis pinag titripan niya ako.

"Zync… after tonight I know na magiging masaya ka na. Pero ofcourse it still depends upon your decision." Napakunot ako ng noo.

"I don't get you ate? What are you talking about?"

"Hmm. Secret. It's for you to know and for me to find out." Dinilaan niya lang ako nag patuloy sa pag dadrive.

Hindi pa ako nakakabawi ay bigla akong nagulat sa pag prenong bigla ni Ate Riz.

*SCREEEECHHH*

"Ate what's happening!?"

Mula sa labas ay nakita kong may humarang saming dalawang Van at may mga naglabasang mga lalaki.

"SHIT! WHAT THE FUCK!?" Madiing sabi ni ate Riz.

"A-ate w-wha's hap-pening?" Nanginginig kong tanong kay ate na mukhang gulat din sa pangyayare.

Biglang may kumatok sa bintana naming dalawa. Pinigilan ako ni ate buksan ang bintana sa tabi ko at yung bintana sa tabi niya ang binuksan niya.

"BABA!!" Sabi ng isang lalaking tumutok ng baril kay ate. "SABI NG BUMABA KAYONG DALAWA EH?!" Halos mapatalon ako sa sigaw niya. Bumaling si ate sakin.

"S-sumunod na m-muna tayo Zync huh." Tumango na lang ako, tinanggal niya ang seatbelt niya at lumabas na. Tinanggal ko nalang din ang seatbelt ko at bumaba na, may lalaking tumutok din ng mahabang baril sakin at ganun din kay ate Riz lalagpas 10 silang lahat. Tag Dalawa ang naka bantay samin at dalawa ay nakatayo. Mukhang sila ang boss. Yung iba ay nakamasid sa paligid.

"Sino sa inyo ang girlfriend ni Ty!?" Tanong ng malaking mama na nasa harap pa ng isa pang malaking lalaki. Nakakatakot silang tignan. Nagkatinginan kami ni ate Riz.

"SINO SABI!!?" Kinasa nung nagtanong ang baril na hawak niya at tinutok sakin.

"A---"

"AKO!!" Putol ni ate Riz sa sasabihin ko. Nanlaki ang mata ko. Ate Riz anong ginagawa mo!? Halos mapaiyak na ako sa sobrang takot ko.

"Ako. Kaya please pakawalan niyo na siya." Nakikita ko na nilalakasan lang ni ate ang loob niya kahit takot na siya.

"Ano ba Brando!! Dalhin niyo na yan! Kapag may nakakita pa sa inyo malalagot tayo kay boss!" Sigaw ng lalaking nasa likod. Tumango naman yung lalaking tinawag na Brando at sumenyas sa mga may hawak samin. Nagulat nalang ako ng biglang may itinakip silang panyo samin, nakita ko ang biglang pag kahimatay ni ate Riz at ilang minuto lang ay nakaramdam narin ako ng hilo at bago pa ang lahat biglang nagdilim na ang paligid ko.

Levi help us… help me.

AN:

Tatapusin ko na to HAHA! Gusto kong sumubok ng ibang tema! Kung kakayanin. HUEHUE.

(Ipakilala niyo naman kami sa bakasyon na yan XD!!)

DYE ~

Love Between Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon