Party

12 0 0
                                    

A/N:

Honestly nakakalimutan ko ang mga characters ng kwentong ito :D yeah ... enjoy reading :)

Chapter 19

Lunes na naman. On the way ulit ako sa office ni Laide para dalhan siya ng tanghalian, inutusan kasi ako ni tita para dalhin to kaso medyo na hassle kasi nag kaemergency sa school kaya kinailangan ko pang dumaan dun. Napakamot ako sa ulo, Ano ba yan sana di pa siya nakakain.

Wala na yung secretary niya sa pwesto kaya dumiretso na ko sa Office niya, di naman nakasarado kaya tumuloy na ako kaso nagulat ako ng hindi siya nag iisa, kasama niya nanaman yung babae na mukhang amerikana pero pag tinignan mo hindi naman talaga. She look at me from head to feet. What the hell is her problem? Tinaasan ko siya ng kilay.

"Reese! What are you doing here!?" He look ... stress? Anong problema nito?

"Nag padala si Tita ng tanghalian." Pero sa kasama niya ako nakatingin.

"Sorry pero kakatapos lang namin kumain." Napalipat ang tingin ko sa may pantry na glass wall. May mga balot nga dun ng isang sikat na restaurant.

"Im full. Iuwi mo na yan." Malamig niyang sabi at dumiretso sa swivel chair niya. Sumunod sa kanya si meztisa.

"Kahit na tikman mo lang. Sige ka baka magtampo sayo si Tita S--"

"ARE YOU DEAF? didn't you hear I'm full already? Throw it if you like then." Medyo napaatras ako nung sumigaw siya. Shocked. Medyo napahinto ako sandali, anong problema niya? Huminga ako ng malalim para tumigil ang nangingilid ang luha ko.

"S-sorry." Tumalikod na ako at lumabas, saktong paglabas ko tumulo na ang luha ko. Nasalubong ko pang papunta na yung secretary ni Levi sa pwesto nito.

"M-maam? Are you okay?" Sinalubong ako nito. Inabot ko sa kanya ang paper bag na may laman ng tupperwares.

"Sayo na to. Do whatever you want if you don't want to eat it too. "

Tumuloy na ako sa elevator at pinunasan ang luha ko. Bahala siya sa buhay niya. Gusto ko lang namang huwag siyang magutuman! Ang laki ng problema niya!

Nang may dumaan na taxi nag para agad ako at sumakay. Nag pa diretso ako sa school. tatambay nalang ako sa SC tutal andun lang naman si Bakla.

Kaso nung pagdating ko sa SC Room wala daw dun si Jude. Asan kaya yung baklang yun? Nag decide nalang akong dumiretso sa Freedom hall, wala masyadong tao kaya kumuha ako ng pwestong wala masyadong tao. Paidlit na ako ng may kumalabit sakin.

"Oh? Problema mo?"

"Ikaw atang may problema girl." Umupo siya harap ko.

"Bar tayo!?"

"Andie naman?! Alas dos palang."

"Ay kung hindi alas dos papayag ka? Edi mag antay tayo hanggang mag 6." Napailing nalang ako. Pumunta muna kami ng Sm at nag videoke. Kumakanta si Andie - kumakanta ba o tumutula- ng may tumawag.

"OH?"

(Ay ganda ng bungad gusto ko yan!) Sarcastic niyang sabi.

"Problema mo ba?"

(Nasan ka na? Hinanap mo daw ako sabi ni Vice Pres.)

"Sm. Bar kami mamaya ni Andie."

(Sama ako! Punta ako dyan wait lang.)

Pinatay niya na kaya tuloy ulit kami sa pagkanta. Napapansin ko ang ilang mga lalaking mula sa isang private school na malapit lang sa school namin. Glass lang kasi ang KTV bar.

Nang matapos na kami ay tsaka dumating si Jude. On mode nanaman ang pagiging lalaki niya dahil may ibang tao. Kumaen muna kami sa Mcdo dahil nag ki-crave kami sa fries. Nang matapos kami ay umikot pa kami sandali para bumili ng pang palit dahil nakauniform pa yung dalawa. Bumili nadin ako ng akin. Dress na may pagka hapit ang binili ni Andie almost one inch before the knee kaya lantad ang makinis niyang binti tinernuhan niya ito ng high heels na black habang black din ang dress.

Si Jude naman simpleng skinny jeans na kulay blue at black na T-shirt.

Ako naman short shorts na maong, black sando at pinatungan ko ng checkered na damit binitones ko muna hanggang dibdib ko.

"Yeah! We are so ready to party!" Tili ni Andie.

Alas siete na ng dumating kami ng La Real, suggestion to ni Jude. Ewan kung pano niya nalaman toh.

Yeah! Let's get this party started!

Love Between Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon