Chapter 28
I don't know kung paano pa ako nakatulog kanina but, I actually did. Maaga din akong nagising kaya nung wala na akong magawa sa kwarto kaya I decided na bumaba na. Naabutan ko pang kumakaen na si Mom.
"Goodmorning ija, come join me here." She pats the chair on her side umupo naman ako.
Itinihaya ko yung reserved plate na nandoon at pinunasan. Tinignan ko yung mga pagkain and something caught my eye iyon lang yung pagkaing di ko pa nakakain.
"Jax, hindi pwede sayo yan." Kinuha niya yung plato ko at pinalitan.
"Bakit di pwede?"
"Too much consumption of egg."
"May ganun ba?" Kunot-noo kong tanong.
"Yeah. Just eat."
Tinuloy ko nalang ang pagkain pero this time tinapay with cheese nalang.
--
Almost a month na ang nakalipas and konti nalang talaga matatapos na ang sem.
"Jax! Kaen na tayo."
"Wait." Inayos ko na ang gamit ko at sumunod na sa kanya. Tumuloy nalang kami sa cafeteria dahil tinatamad na kaming lumabas.
"Cass, ikaw ng umorder huh. Tinatamad akong tumayo."
"Ang tamad mo talaga." Pero sumunod parin naman siya, ay naku.
Buong araw kami lang ang magkasama ni Cass like lagi namang nangyayari.
"Ano wala pa ba yung driver niyo."
"Tinatawagan ko pa wait lang." Ng madial ko na si Manong ay tinanong ko kagad kung nasaan na siya.
"Badtrip! Nasiraan daw siya on the way here."
"Paano na?" Tanong ni Cass hindi rin naman ako pwede sumabay sa kanya dahil mas mapapalayo siya.
"Mag-tataxi nalang ako. Tignan mo muna ako at tatawid lang ako."
"Oh sige." Kailangan ko pa kasing tumawid dahil sa kabila pa ang way ko.
Nakatawid naman ako ng maayos kaya kinawayan ko na si Cass. Nag-abang na ako ng taxi hawak ko ang cellphone ko dahil tinitext ako ni ate at kinakamusta sa sobrang tutok ko sa ginagawa ay di ko napansin ang isang silver na kotseng tinutumbok ang pwesto ko.
* SCREEEEEEEECH *
Out of reflex na ata ay napatakbo ako pero di masyadong maganda ang bagsak ko dahil concrete ang lugar na ito.
"Aray ..." Halos mapapikit ako ng makitang dumudugo ang siko ko, pati nadin yung kanang tuhod ko ay may gasgas at medyo dumudugo na rin.
"OH MY!! LOOK WHAT YOU DID!"
"IT'S NOT ME! KUNG HINDI MO INAGAW YUNG MANIBELA EDI SANA HINDI TAYO MABABANGGA!"
"Ewan ko sayo Dim!! Miss halika at pumunta tayong hospital, kaya mo bang tumayo?" Lumapit sakin ang isang babae, nung lingunin ko ito ay nanlaki ang mga mata niya at bahagyang bumuka ang mga bibig.
BINABASA MO ANG
Love Between Lies (Completed)
RomanceKailan ba ang tamang oras para magmahal? paki sabi nga sa kanya para alam niya kung kailan siya dapat dumating sa buhay ko.