SPECIAL CHAPTER!Napangiwi ako ng mabasa ang huling pahina ng istorya.
"So, why do you think we should accept this project? The story is dull and plain boring. Wala pang kwenta ang batuhan ng mga linya! Gusto mo bang masira ang career ng alaga ko, Tristan?"
"I never wanted to bring Levi down, Carissa. It's just out of curiosity why would the author of the story made the 'oh so highly hunk actor paired up with a new girl in showbiz industry' umabot ito ng million views, so tell me aren't you curious kung ano bang nakita ng writer and readers sa kanilang dalawa?"
"The story is cliche. If you want me to do it then make Rizel the lead actress." Napakagat labi ako sa mga sinasabi nila, I know at aminado akong wala pa talaga akong napapatunayan pero sana naman dinahan dahan nila ang pagsasalita. Medyo nagtaka din ako sa author ng kwentong ito dahil kilala niya ang mga taong nakapaligid sakin.
"We can't do that, Levi. Expected na ng mga fans mo na si Zync ang magiging partner mo, we can't just disappoint them." Napahilot sa sentido si kuya Tristan siya yung magiging director sana ng kwento if ever ma approve.
"Then it's a no. Let's go Ms. Lee." Tumayo na ito at tuloy tuloy na lumabas ng conference room, simula ng script reading hindi niya pa ako tinitignan how come na inayawan niya kagad ako. Bumuntong hininga ako at naramdaman ko na may humawak ng kamay ko. Si Mr. Matteo pala, current manager ko.
"Okay lang Zync, you don't need that kind of an actor. Hahanap nalang tayo ng bagong project, kahit ano nalang muna basta matino."
"Bakit hindi niyo pa tinatanggap yung project with Mint?" Takang tanong ni Kuya Tristan.
"Masyadong madaming intimate moments, wala akong tiwala sa Mint nayon masyadong malagkit tumitig kay Zync." Sagot nalang ni kuya Matteo.
Yung totoo ayaw ko talaga makasama yung taong yun sa iisang lugar dahil parang pakiramdam ko may mangyayaring di maganda sakin. Napakislot ako ng biglang mag ring yung phone ko.
"Excuse lang po." Tumango lang sila at pinagpatuloy ang pag-uusap.
"Hello?"
(ATE!! Si Mommy nagwawala sa isang resto dito sa Cubao! Punta ka dito dali ayaw kasing papigil eh!)
Tinanong ko kung saan sila pagkatapos nag paalam ako kila Kuya at sinabing nagka-emergency lang sa bahay. Tumuloy na ako sa resto na sinabi ni Rynz.
Naabutan ko ngang medyo may kumpulan at madaming usi sa lugar may mga nagpipicture pa kahit pinipigil na sila ng mga staffs and crews. Nakita ko nga si Mommy na may sinisigawang babae.
"ANO !? MASAYA KA NA BANG MALANDI KA NGAYON!? PINILI KA NG PUN****** LALAKING YUN KAYSA SA TUNAY NA PAMILYA NIYA!? YOU ARE A TOTAL HOMEWRECKER BI***! GO TO HELL AND NEVER COME BACK!" Pinagsasampal pa niya yung babae whenever she get near her.
"MOM!! STOP IT! Nakakahiya ang pinag gagawa mo!" Sabay sabay silang lumingon sakin. Lumapit ako dun sa babae.
"Miss, umalis ka na please." Ng iangat niya ang mukha niya ay nagulat ako. Rizel?!
Umiiyak siya at tumakbo na paalis.
BINABASA MO ANG
Love Between Lies (Completed)
RomanceKailan ba ang tamang oras para magmahal? paki sabi nga sa kanya para alam niya kung kailan siya dapat dumating sa buhay ko.