"Sabihin mo sa akin kuya na nagbibiro ka lang. Diba hilig mo akong asarin." sabi ko kay Kuya Trevor.
Napabuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Di ako nagbibiro Theo. Nung una nga di rin ako naniwala sa sinabi ni Sharmaine sa akin kaya ako na ang pumunta don para alamin ang katotohanan" seryoso niyang sabi at umiwas siya sakin ng tingin. "Pinagpalit ka na sa iba ni Wendell. Sumama na siya don sa sinasabi nilang Liam"
Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa nalaman.
Bakit nagawa akong ipagpalit ni Wendell sa iba? Akala ko ba ako ang mahal niya.
"Tanggapin mo nalang ang katotohanan Theo na sumama na siya sa iba. At tayo talaga ang para sa isa't-isa" ani Sharmaine.
Napailing nalang ako at tumakbo papasok ng bahay saka dumiretso sa loob ng aking kwarto.
Nang makapasok ibinalibag ko lahat ng gamit na mahawakan ko. Tuloy tuloy ang daloy ng luha sa aking pisngi. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko.
Muling pumasok sa isip ko yung video. Malabong ma-edit ang video na yon dahil mukha talaga ni Wendell ang nandon. Kabisado ko ang bawat parte ng katawan at kilos niya at siguradong siya nga iyon. Di ako pwedeng magkamali kahit na itanggi ko pa.
Sinuntok ko ng tatlong beses ang pader. Ayokong maniwala na siya yon pero mukhang totoo nga yung nasa video.
Napaupo ako sa sahig.
Naalala ko yung sinabi sakin dati na once you fall in love kakayanin mo lahat- lahat. Yung sakit, selos, sama ng loob and the truth na kahit masakit na. Still dapat mahal na mahal mo pa rin siya. Because true love never surrender it always finds a way to understand the pain.
"Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead" lumingon ako sa nagsalita. Si Genisis.
Pinunasan ko ang luha at tumayo.
"I can't control myself from overthinking. Ano bang dapat kung gawin? Dito na ba matatapos ang sa amin ni Wendell?"
"Ikaw lang ang makakasagot ng tanong mong iyan. Ngayon ka pa ba susuko kung kailan abot kamay mo na ulit siya" ngumiti si Genisis "Akala ko matapang at matatag ang Theo na nakilala ko pero sa nakikita ko ngayon parang ibang iba ka."
Tinitigan ko si Genisis dahil sa sinabi niya.
"I have a question. Ano bang feelings mo sa isang tao kapag nainlove ka"
"Ako? Once I have feelings for someone hindi na ako na-aatract sa iba" mabilis kong sagot.
"Eh yon naman pala, wag ka ng magmukmok dyan. Subukan mong tawagan ang baby boy mo. At itanong mo kung totoo yung sinasabi nila tungkol sa kanya." lumapit siya sa akin. "Kay Wendell ka dapat maniwala at magtiwala hindi sa sasabihin ng iba"
"Ano pang hinihintay mo tawagan mo na siya" dagdag pa ni Genisis.
Kukunin ko na sana ang phone ko ng pumasok sa loob ng kwarto si Sharmaine.
"Don't trust too much, don't love too much and don't hope too much. Because that too much can hurt you so much."
"You keep away from my boyfriend. Brinibrain wash mo siya" baling niya kay Genisis.
BINABASA MO ANG
King Of My Heart
RandomNang umamin si Wendell sa kanyang bestfriend na si Theo. Biglang nagbago ang lahat sa kanilang dalawa at muntik ng masira ang kanilang pagkakaibigan dahil nalaman ni Theo na di pala straight ang kanyang kaibigan. At may gusto sa kanya 'to. Masisira...