Pagkatapos nilang magpakilala napaayos ako ng upo kasi palapit sa inuupuan ko si JK. Ang kapal talaga ng mukha ng gwapong 'to."Can I sit beside you" nakangiting sabi niya pero nilagay ko lang ang bag ko don para sa kabilang upuan siya maupo. Kaso inalis niya at pinilit talagang tumabi sa akin.
"Sana gawing herbal medicine ang makahiya, para may lunas din sa mga taong makakapal ang mukha" sabi ko ng makaupo siya sa tabi ko.
"Galit ka pa din ba sa akin dahil naaksidente kita? Akala ko ba magkaibigan na tayo" aniya kaso ang mata nasa harapan. Di ako sumagot sa kanya nakatingin lang din ako sa nagtuturo sa harap.
"Binigyan kita ng calling card ko diba? Bakit di mo man lang binalak na tawagan ako. Naghihintay kaya ako sayo" nanatiling tikom ang bibig ko. "Mabait naman ako sayo, kaya dapat mabait ka din sa akin"
"Sometimes I want to treat people how they treat me, but I can't because that's not my character" hindi siya nakasagot sa sinabi ko. "Once you feel you're avoided by someone, never disturb them again"
"Ang sungit mo naman ata sa akin? Hindi ganyang Wendell ang nakilala ko dun sa hospital" ani JK.
"Bakit ka nga pala lumipat dito sa university na pinapasukan ko? Dito ka pa talaga sa section namin napunta. Sinusundan mo ba ako?" mahina kong tanong tama lang para marinig niya.
"Oo matagal na" kaya napatingin ako sa kanya "Syempre biro lang" nagpeace sign pa siya. "Family matter" dagdag niya.
"Eh bakit ka nga napunta dito? Saka kita mo naman na maraming bakanteng upuan sa harap dito ka pa talaga tumabi sa akin"
"Gusto kong tumabi sayo, wala kang magagawa" natatawa niyang sabi.
Sinusubukan ko naman na mainis sa kanya kaso di ko maintindihan kung bakit hindi ko kaya. May kung ano sa lalaki nato na di ko maipaliwanag kahit noong una palang kaming nagkita.
"Bakit di ka tumabi don kay Sharmaine? Pareho lang naman kayong bago dito. Hindi mo ba jowa yon?"
"Sinong nagsabi na jowa ko siya. Hindi ah, di ko nga siya kilala. Ikaw lang at si Theo ang kilala ko dito"
"Ayy sorry naman. Akala ko jowa mo" natawa ako ng mahina "Sa gwapo mong yan wala kang jowa?"
"Sign of maturity? Yung hindi kana na aattract sa iba kasi kontento ka ng walang jowa, ganon?"
"Takot ka lang siguro sa commitment"
"I'm not scared of commitment. I'm scare of giving my all and ending up with nothing again"
"Again? So nagkajowa ka na?" tumango lang si JK. Habang tinititigan ko ang mukha niya habang patagal ng patagal parang may naaalala ako sa kanya. Di ko lang alam kung saan ko nakita.
"Wag mo kong tignan ng ganyan dun ka sa harap tumingin. Baka mapansin tayo ni ma'am" natatawa niyang sabi kaya ganon nga ang ginawa ko.
"Class dismiss!" pagkasabi ng prof namin agad na naglabasan ang mga kaklase kong uwing uwi na.
Inayos ko na din ang gamit at nilagay sa likod ang bag.
"Sabay ka na sa akin" ani JK.
"May kasabay na akong umuwi si Theo" sagot ko pero may tinuro siya. "Iyon ba mukhang may kasama ng iba eh" pagtataka ni JK.
Sumingkit ang mata ko ng makita na nakapulupot sa braso ni Theo yung bago din naming kaklase na si Sharmaine. Kapit na kapit ito na parang di na mahihiwalay kay Theo.
Nakita kong lumabas na sila ng room. Napairap nalang ako at binalik ang tingin kay JK. "Sige sasabay nalang ako sayo."
"Ayos! Tara na Kuya Wendell" napakamot siya ng ulo. "Pasensya na magalang lang talaga" natatawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
King Of My Heart
AléatoireNang umamin si Wendell sa kanyang bestfriend na si Theo. Biglang nagbago ang lahat sa kanilang dalawa at muntik ng masira ang kanilang pagkakaibigan dahil nalaman ni Theo na di pala straight ang kanyang kaibigan. At may gusto sa kanya 'to. Masisira...