CHAPTER 8

103 7 1
                                    


Theo

Hahabulin ko na sana si Wendell kaso pinigilan ako ni Loren.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wag mo munang sabayan, hintayin mong matanggap niya lahat ng nalaman niya ngayon."

"Kailangan ko siyang habulin kasi—" pinutol ni Loren ang sasabihin ko.

"Alam mo kasalanan mo din yan. Kung sana umamin ka nalang din sa kanya na gusto mo din si Wendell nung araw na nagconfess siya sayo, I'm sure masayang masaya kayo ngayon. Ewan ko ba sayo kung bakit pinapatagal mo pa ang sitwasyon niyo. Halatang halata naman sayo na mahal mo nga talaga yang kaibigan mo na yan" litanya ni Loren.

"Akala mo ba madali para sa akin umamin ng nararamdaman ko para sa kanya? Di ko nga alam kung kailan pa nagsimula ang lahat, di ko alam na siya na pala ang tinitibok ng puso ko pinipigilan ko lang dahil sa sasabihin ng iba"

"Natatakot ka kasi na mahusgahan ng iba kapag naging kayo ni Wendell ganon ba Theo?! Sa tingin mo may magagawa ba sila kung kayo ay tunay na nagmamahalan. Love has no gender alam mo yan. Kung tinamaan ka ng love, tinamaan ka." tinignan niya ako sa mata. "Wala silang pakialam at wala silang magagawa kung maging kayo ni Wendell, itatak mo yan sa utak mo"

"Paano sila mama at papa? Kapag malaman nila na ang bunsong anak nila ay nakipagrelasyon sa kapwa niya lalaki"

Di nakasagot si Loren sa sinabi ko.

"Natatakot ako insan, di ko alam ang gagawin ko. Nagtatalo ang puso't isip ko. Gusto ng puso ko si Wendell pero ginugulo iyon ng utak ko. Napakahina ko" hinawakan ni Loren ang balikat ko.

"Edi sundin mo ang tinitibok ng puso mo Theo. Kung mas malakas ang tibok nito walang magagawa ang utak mo kundi sumunod. Kapag huminto ang puso may magagawa pa ba ang utak diba wala" tinapik niya ng dalawang beses ang balikat ko.

"Theo hanggang maaga pa at habang mahal ka pa ni Wendell, wag mo na siyang pakawalan. Baka kasi sa huli pagsisihan mo na pinakawalan mo ang taong alam mong mahal na mahal ka. Matagal ka ng gusto ni Wendell diba kaya dapat ipaglaban mo siya."

Napatango lang ako sa sinabi ni Loren.

"Maiwan na kita dyan" tumatayo ako saka tumakbo ng mabilis para habulin si Wendell. Oras na para aminin ko sa kanya kung ano talaga ang laman ng puso ko.

Panahon na para malaman niyang matagal ko na din tinatago na gusto ko siya.

Nang makarating ako sa room naabutan ko ang mga kaklase ko na naguusap. Nilibot ko ang buong silid kaso wala akong nakitang Wendell.

Napansin ko din na wala na ang bag nito sa kanyang upuan. Nagtanong din ako sa kanila kong nakita ba nila si Wendell pero wala akong nakuhang sagot.

Mabilis akong lumabas ng room ng mabangga ko ang kaklase kong si Lance.

"Theo naman tumingin ka sa dinadaanan mo masakit"

"S-Sorry hinahanap ko kasi si Wendell"

"Si Wends ba? Kanina nakita ko siyang palabas ng gate di nga ako pinansin eh saka umiiyak siya. May nangyari ba?"

"Di ko din alam" yun lang ang nasabi ko at tumakbo ng mabilis baka maabutan ko pa siya.

Sumikip ang dibdib ko ng malaman kong nasaktan ko na naman siya. Nasaktan ko nanaman ang taong mahal ko. Bakit ba lagi ko nalang kasi sinasaktan ang taong yon. Ganito ba ako magmahal o sadyang gag* lang ako.

King Of My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon