CHAPTER 12

73 4 1
                                    

Wendell

Kanina pa ako paulit ulit na tumatawag kay Theo kaso di ko na matawagan. Nagaalala na ako sa kanya, baka ano ng ginawa sa kanya ng papa niya.

Gusto kong pumunta sa kanila pero baka makadagdag lang ako lalo sa galit ng kanyang mga magulang. Ayoko naman na palalain pa ang sitwasyon. Parang mababaliw na ako kapag wala akong ginawa. Di ko din naman alam kung anong gagawin ko at kung anong uunahin.

Naluha nalang ako at napaupo sa kama. Dinaan ko nalang ang sakit na nararamdaman ko sa pagiyak saka ko mahigpit na niyakap ang dalawang tuhod.

Kahit na pakiramdam kong wala ng pag-asa. Kahit na parang tinakasan na ako ng lahat ng saya sa buhay ko. At kahit na pilit na akong ibinabaon sa lupa ng mga masasamang pangyayari sa buhay ko kahit na humihinga pa ako. Hindi ibig sabihin na ang ending ko ay isang malungkot na trahedya. Kailangan kong lumaban hindi lang para sa mga taong nagmamahal sa akin kundi lalo na para sa sarili mo.

Tiningnan ko ang phone. 12 missed calls na ang nagawa ko pero walang Theo ang sumasagot. Napailing nalang ako.

Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit napakadaming nagkakandarapa na ma inlove kung wala naman kasiguraduhan ang kahahantungan ng inyong pagmamahalan. Ilan nga ba sa mga umibig ang natulog na may ngiti sa labi? Ilan ba sa mga umibig ang natulog na may luha sa kanilang mga mata?

Ilang beses ka bang dapat masaktan bago ka maging masaya?

Nakakapagod. Oo, pero kapag nagmamahal ka kahit kailan ay hindi ka madaling susuko kahit na napapagod ka pa.

Nahinto ako sa pagiisip ng may kumatok sa pinto. And guess what? Isa lang ang taong pumasok sa isip ko. Baka si Theo nato. Pero nang buksan ko ang pinto bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Trevor at may kasama siyang dalawang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Pwede ba kaming pumasok Wendell? Kukunin lang namin ang mga gamit ng kapatid ko" di pa ako nakakasagot kaso mabilis silang pumasok sa loob at kinuha lahat ng gamit ni Theo.

"Kuya Trevor bakit po? Hindi na po ba dito babalik sa dorm yung kapatid mo" nangingilid na ang luha ko. Umiling lang siya at di makatingin sa akin ng deritso. Anong sagot yon?

"Nasaan ho ba si Theo. Kuya nasaan ba yung kapatid mo kailangan ko siyang makausap" naiiyak na talaga ako.

Tiningnan ako ni Kuya Trevor. Nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako.

"Sorry bunso kung hindi ko kayo napagtakpan ng kapatid ko. Wala na akong magagawa, hindi ko kaya si papa. Mahirap siyang pakiusapan."

"Baka po may magawa ako" nagkalas kaming dalawa.

"Dinala na ni papa si Theo sa farm namin don sa probinsya. At ang pagkakarinig ko sa usapan nila hindi siya makakabalik dito sa manila kung hindi siya titino at magbabago"

"Kuya baka pwede mong sabihin kung saan yan at susundan ko siya don"

"Hindi na. Masyadong malayo yon. at isa pa. Isa lang ang pakiusap ko sayo bilang nakakatandang kapatid ng boyfriend mo" tinitigan niya ako sa mata. "Mukhang malabo ng maibalik ang dati sa inyo ni Theo." bumuntong hininga siya. "Wendell, kailangan mong magpakatatag at magpatuloy sa buhay kung hindi man makabalik na dito ang kapatid ko"

King Of My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon