Wendell"Hello, Wendell"
Sariwa pa din sa alaala ko ang boses ni Theo nang una kaming nagkita. Di ko inasahan sa araw na yon pala makikilala ko ang lalaking magbabago sa tahimik kong mundo. At gugulo ng buong sistema ko.
Nasa isip ko pa din ang mukha niya na ngiting ngiti sa akin ng makausap ko siya. Akala ko nga di niya ako papansinin pero nang araw din na yon nagsimula na pala ang kwento ng storya namin.
Di ko din maipaliliwanag ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, yun naman pala umiibig na ako sa kanya.
Kaso ngayong gabi sa gitna ng malakas na ulan ay kailangan ko ng putulin ang taling nagkokonekta sa aming dalawa. Napagod na siguro ako na mahalin ang taong kahit na ibenta ko pa ang kaluluwa ko ay hindi niya ako kayang mahalin ng buo. Sawa na ako sa araw araw na sakit na unti unting pumapatay sa akin.
Kaya kailangan ko ng isalba ang sarili ko sa dagat ng kalungkutan at pagmamahal dahil malapit na akong malunod dito.
Does Theo think that I'm the kinda boy who needs to be saved? I don't think so.
"I won't fight for love if you won't meet me halfway" my brain says.
Oras na para magpaalam sa kanya at kalimutan siya. Kaso parang may pumipigil sa akin na gawin ang desisyon nato.
"Goodbye, Theo" saying goodbye is death by a thousand cuts, flashbacks waking me up.
Tumalikod ako sa kanya dahil ayaw kong makita ang magiging reaksyon niya. Tuloy tuloy naman ang daloy ng luha sa aking pisngi kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
Lalakad na sana ako palayo ng may mga kamay na yumakap sa aking katawan. Ramdam ko ang init niya sa likod ko kahalo ng lamig na kanina ko pa tinitiis.
"I love you" bulong niya sa tenga ko at tumama pa ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Napakagat ako sa labi at huminto ang luha.
Totoo ba ang narinig ko o nagiilusyon lang ako. Galing ba talaga kay Theo yon?
Nanlaki ang mata ko ng iharap niya ako sa kanya. Namumula ang mata ni Theo na pinipigilan ang maluha kaso tumulo iyon.
"Wag kang umalis Wendell, di ko yata kakayanin kapag mawala ka sakin. Hindi ko na hahayaan na saktan ulit ang taong matagal ko na din mahal. Nahihiya lang naman ako umamin sayo. Kasi napakatorpe kong tao" ngumiti siya at napanganga naman ako.
"Oo, totoo itong mga sinasabi ko sayo mula sa puso ko. Walang halong biro o prank man lang. Totoong mahal na mahal din kita Wendell" hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
Di ako makapaniwala sa sinabi niya na parang isang panaginip lang ang nangyayari ngayon. Kaya kung panaginip man ito sana di na ako magising pa.
"T-totoo ba talaga yan? H-hindi ka ba talaga nagbibiro. Ang hirap na kasing maniwala sayo" nauutal kong sabi. Mabilis ang tibok ng puso at nanginginig ako.
Mas lumakas ang buhos ng ulan. Basang basa na talaga kami ngayon.
"Hindi nga ako nagbibiro sayo. Simula ngayon lahat ng sasabihin ko ay galing sa puso ko. At hindi ko din hahayaan na pakawalan pa kita dahil sa akin ka lang" diin ni Theo habang titig na titig sa mata ko.
BINABASA MO ANG
King Of My Heart
RandomNang umamin si Wendell sa kanyang bestfriend na si Theo. Biglang nagbago ang lahat sa kanilang dalawa at muntik ng masira ang kanilang pagkakaibigan dahil nalaman ni Theo na di pala straight ang kanyang kaibigan. At may gusto sa kanya 'to. Masisira...