Muling bumaling ako ng tingin kay Kuya Trevor."Pasok po kayo" saka mas nilakihan ang bukas ng pinto. Kumuha ako ng monobloc at binigay sa kanya iyon.
"Thank you Wends" tumango lang ako sa kanya.
Bigla naman lumabas si Theo ng walang paalam at sinara ng malakas ang pinto kaya kumalabog iyon.
"Ano nanaman kaya ang nakain ng lalaking yon" pagtataka ko.
"Don't mind my little brother. Alam ko naman na ayaw akong nakikita non." ani Kuya Trevor. Mas matanda lang siya ng dalawang taon sa amin ni Theo.
At matagal ko na din alam na hindi sila magkasundong magkapatid. Gusto ko nga sanang itanong kung bakit pero ayoko naman na manghimasok sa problema nilang dalawa magkapatid.
"Kuya Trevor baka po may toyo lang ngayon yan. Intindihin nalang po natin" ngumiti siya.
"Wag mo na nga akong kinu-kuya at itawag mo nalang din sa akin yung tinatawag nila kapag nasa university tayo"
"Pwede ba? Yun nalang din ang itawag ko sayo"
"Oo naman, walang kaso sa akin"
"Okay Teban" pangatlong beses ko palang kasi siyang nakakausap ng personal. Di kasi ako masyadong close sa kanya. Di ko din siya nakakasalubong sa university.
"Teban" yun ang tawag sa kanya ng buong campus. Siya lang naman kasi ang team captain ng basketball team ng East Wing University. At iyon ang tawag ng mga fans niya sa kanya.
Napaka famous din kasi ng lalaking ito. Ang daming nakakakilala sa kanya.
Lahat na ata kasi ng katangian ng ideal boyfriend ay nasa kanya na.
Magaling sa sports bukod sa basketball, matalino, masipag, napaka friendly at madaling lapitan. At higit sa lahat saksakan din ng gwapo. Masarap din ang katawan niya, i mean maganda ang build nito. Batak na batak ang katawan niya.
Kaya kapag palapit na siya sa campus marami ng nagaabang sa kanya. Head turner din siya. Kasi nga diba gwapo.
Number one lagi siya sa university sa lahat ng bagay at pangalawa lang lagi si Theo. Pero kahit na ganon number one pa din siya sa puso ko kahit na anong mangyari.
"Paano yan umalis si Theo? Hihintayin mo ba siya na makabalik"
"Di naman siya ang pinunta ko dito. Actually ikaw Wends, kaya ngayon ako nandito"
"B-Bakit po?" pagtataka ko.
"Kakamustahin lang kita kung ayos na ba ang lagay mo. Nabalitaan ko kasi na naaksidente ka" inabot niya sa akin yung paper bag na hawak "Para sayo"
"S-Salamat. Nagabala pa kayo" kinuha ko naman ito at tiningnan ang laman. May laman iyong mga prutas.
"Maayos na ba yang nasemento mong braso. Masakit pa ba"
"Medyo po. Kaso ilang buwan pa ang hihintayin para maalis ito"
"Good to hear that. Okay aalis na din ako kinamusta lang talaga kita. Make sure na kakainin mo lahat yang binigay ko sayo"
"Copy Sir!" nakangiti kong sagot.
"I'll see you next time" hinawakan niya ang buhok ko at ginulo iyon.
"Ingat po kayo sa daan" tumango lang siya at lumabas ng dorm.
Nilapag ko lahat ng prutas sa lamesa at may kasama pa palang ulam sa ilalim. May sticky note din.
"Eat well and stay safe always -Trevor"
"Buti pa yung panganay maaalalahanin samantalang yung bunso di na ako ginaganito" sabi ko.
BINABASA MO ANG
King Of My Heart
RastgeleNang umamin si Wendell sa kanyang bestfriend na si Theo. Biglang nagbago ang lahat sa kanilang dalawa at muntik ng masira ang kanilang pagkakaibigan dahil nalaman ni Theo na di pala straight ang kanyang kaibigan. At may gusto sa kanya 'to. Masisira...