Natulala ako sa sinabi ni lolodad. Ibig sabihin totoo talaga ang lahat ng sinabi sa akin ni JK. Lahat ng mga salitang binitawan niya ay pawang katotohanan.
Tuloy tuloy na dumaloy ang luha sa aking pisngi. Napaupo nalang ako sa upuan at napayuko.
"All this time itinago niyo po sa akin ang impormasyon na bahagi ng buhay ko" tumabi sa akin si lolamom at hinaplos ang likod ko. "Para akong isang libro na pinilasan ng pahina kaya hindi na maituloy sa susunod pang kabanata."
"Bakit niyo po itinago sa akin na buhay pa pala ang tatay ko. At may kapatid pala ako. Kakambal ko pa" sinuntok ko ang aking hita.
Tumingin ako kay lolodad. "Sabihin niyo nga po sa akin lahat ng nalalaman niyo bago pa ako magalit sa inyo" pinunasan ko ang luha.
Tumayo si lolodad at tumabi sa inuupuan ko.
"Nang makilala ko ang tatay mo. Hardinero ako at katulong naman ang lola mo nung pumasok kami sa hacienda nila. Kasama namin sa mansion ang anak ko, isa din siyang katulong kasama ang lola mo sa mga gawaing bahay. Ilang taon ang lumipas habang nasa mansion hindi namin napansin na may relasyon na pala ang nanay Wendy mo at ang tatay mo. Si Señorito Rodell." hinawakan ako ni lolodad sa balikat. "Hanggang sa nagbunga ang relasyon ng dalawa. Tandang tanda ko non ang pagpapalayas sa amin sa mansion dahil isa raw kahihiyan sa kanilang angkan. Ang ginawa ng tatay mo na pumatol sa isang hamak lang na katulong. Binigyan nila kami ng malaking halaga na pera para lang manahimik na nabuntis ng señorito ang nanay mo." paliwanag ni lolodad.
"Ibig sabihin po hindi totoo yung sinabi niyo sa akin dati na inabandona niya kami at nagpakalayo layo. Tapos nabalitaan niyo nalang na lumubog ang sinasakyan niyang barko" umiling si lolodad sa sinabi ko.
"Sinabi namin sayo iyon para sa kaligtasan mo, ikaw nalang kasi ang natitirang alaala sa amin ng nanay mo. Gusto ka din kunin ni Senyora Felicita pagkatapos nilang kuhanin si JK sa amin ang iyong kakambal. Pagkalibing na pagkalibing ng nanay mo." naluha ako sa sinabi ni lolamom.
Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap. At para na akong mababaliw sa lahat ng nalaman ko. Sumasakit ang ulo ko.
Napahahulgol nalang ako. Wala akong masabi sa nangyayari ngayon.
Ngayon para akong isang libro na unti unting ibinabalik ang mga pahinang matagal ng nawala sakin. Muling inayos at binubuo sa dati nitong anyo.
"Wendell, apo. Wag na wag kang sasama sa kanila, dahil ayaw ka namin mahiwalay sa amin ng lola mo"
"Kung aayain po nila ako na doon tumira sa kanila, isasama ko po kayo. Pero kapag ayaw nila kayo isama hindi din po ako sasama" diin ko.
Ngumiti ang dalawang matanda sa sinabi ko. Mahal na mahal ko sila kaya hinding hindi ko sila iiwan.
"Bakit po pala kinuha nila si JK sa inyo? Bakit hindi niyo po naipaglaban para magkasama kaming dalawa ngayon" tanong ko.
"Wala kaming laban sa pamilya nila. Kung lalaban man, para kaming bumangga sa isang matigas at mataas na pader. Kaya lahat ginawa namin para mailayo ka sa kanila sa matagal na panahon pero nakita ka pa din nila ngayon" litanya ni lolamom.
"Kung sana yung apelyido ko nalang ang ginamit sa pangalan ninyo. Sana kasama natin ang kambal mo. Pinilit kasi ng nanay mo yang apelyidong dala dala mo ngayon" napabuntong hininga si lolodad.
"Bakit ayaw niyo po sa Buenaventura?" hinawakan ni lolodad ang kamay ko.
"Mahabang kwento apo, siguro itanong mo nalang sa tatay mo ang mga gusto mong malaman tungkol sa pamilya niya. Kapag nagkaharap kayo" tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
King Of My Heart
DiversosNang umamin si Wendell sa kanyang bestfriend na si Theo. Biglang nagbago ang lahat sa kanilang dalawa at muntik ng masira ang kanilang pagkakaibigan dahil nalaman ni Theo na di pala straight ang kanyang kaibigan. At may gusto sa kanya 'to. Masisira...