Dear Keyb,
Nung mag umpisa ang 24 hours Jowa Challenge ay maaga akong gumising para mag chat sa kanya.
_________________________________________
August 28, 2019 6:11 amTo: Renz
Good morning jowa ko!
_________________________________________
Lakas ng energy ko niyan Keyb. 😂
Lalo na nung nag reply siya sa akin agad.
_________________________________________
Good morning love. Akin ka na ngayon. Hahah. Kumain ka ah. Btw, support kita sa cheer dance niyo. Galingan mo, proud ako sayo.❤️
_________________________________________
Taray 'noh. Challenge pa lang iyan pero ramdam ko talaga na jowa ko siya.
Ewan ko kung dahil lang ba ito sa excitement na ka M.U mo yung crush mo. Hindi ko na nga inalala na mag-ingat at baka masaktan lang ako kasi ramdam ko na gusto niya talaga ako. Never pa naman kasi ako nakatagpo ng taong sobra makipaglandian tapos paasa lang naman.
Kasi nga di ba NBSB ako. No jowa since birth talaga Keyb.😂
August 17 nung una kaming nagkita, August 18 nung unang beses kaming nagka-chat at August 28 naman kami nagkaroon ng 24 hours Jowa Challenge.
So bale, 10 days lang confirmed ko na agad na gustong-gusto ko talaga siya.
Pero minsan nga, isang araw palang alam ko na agad na bet ko siya. Ito pa kayang 10 days na kaming magka-chat?
At oo Keyb, sa chat lang talaga.
Malayo siya eh. Kung tama ang pagkakaalala ko ay, isang bus at dalawang jeep daw ang pagitan namin. Di ko sure kung ilang oras.
Pero malayo talaga.
Pero kahit ganoon, ramdam ko yung care niya. Sinasabi niya rin sa akin na huwag daw akong magpapatuyo ng pawis. Kumain din daw ako't huwag magpapagutom.
Ang sarap palang magka-jowa. Ang sarap matulog na may jowa, kaso kinabukasan, wala na, kasi nga 24 hours lang naman eh.
Sabi ko pa nga sa kanya na baka gusto pa niya na i-extend yung challenge. Pero ayaw na daw niya. Siyempre, na-hurt ako sa sinabi niya. Ako kasi gusto ko pang maranasan yung care niya na kahit papaano ay may label kami. Pero Keyb!!! Bawing-bawi ang reply niya.
_________________________________________
Gusto ko maghiwalay na tayo bukas
Tapos liligawan kita, para official._________________________________________
Hindi nga talaga ako makapaniwala eh. Sinigurado ko pa nga kung talaga bang liligawan niya ako. Then, oo daw. Tapos gora na. Baka bawiin pa eh. Sayang naman.
Minsan na nga lang akong i- crush back,
magiinarte pa ba ako?Winner yung araw na yon. Sobra niya talaga akong napapasaya. Nakakalimutan ko iyong mga problema sa bahay namin. Siya yung nagpapagaan ng araw ko. Siya yung pinanggagalingan ng energy ko sa araw-araw.
Siya yung nagpaparamdam sa akin na kahit ako yung nag-aalaga sa mga kapatid ko, may tao pa din na mag-aalaga't mag-aalala para sa akin.
Siya iyon.
Si Renz.Balak ko pa nga sanang patagalin yung panliligaw niya pero, alam mo yung feeling na ayaw mong maramdaman niya yung lungkot?
Sobrang thankful kasi ako na kahit malayo siya, pinaparamdam niya sa akin na parang ang lapit lang niya. Dahil yung puso ko, alam na siya ang gusto ko.
Siya yung mahal ko.
Kaya nga kapag nalulungkot siya, kahit sa chat lang pilit ko siyang pinapasaya.
Give and take lang.
Kapag mahal mo, mahal mo talaga.❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/290445749-288-k249636.jpg)
YOU ARE READING
Dear Keyb,
RomanceThis is plainly Jeya's thoughts about her ex. There are lots of untold truths hidden in her past relationship. Through her personal blog, she poured her heart in writing about her pasts with "her". Jeya and her blog will uncover her true feelings a...