Dear Keyb,
2 years na rin since nagbreak kami ng ex ko. Kahit na ganoon, walang araw na hindi ko siya naiisip. Ang sarap lang kasing balikan yung mga panahong masaya pa kami. Yung may nagsasabi sa akin ng "I love you", yung gusto akong yakapin.
Nakakatuwa nga na nagtagpo lang kami sa isang simpleng araw, walang celebration, di masyadong makulay ang paligid. We just met plainly, sa bahay ng kaibigan ko. Mas nakakatawa nga na since birth lalaki talaga ang bet ko, pero nung araw na 'yon, para bang na-amaze ako sa kanya. We're both girls, iyon ang ikinagulat ko. Abuh naman, all years of my existence, lalaki lang ang nakakabulabog sa ovaries ko. Pero si Renz, iba siya.
She got my attention because of her ankle boots. Ang astig niyang pumorma. Ang cool tignan pero I found it cute also.
Her hair tied in a ponytail, and just wearing a plain white shirt.Nang magtama nga ang paningin namin, ang tagal ko pang nag-isip kung ngingitian ko ba siya or magkunwaring di ko siya tinignan. Hindi ko nalang siya pinansin pero nung magkatinginan ulit kami I didn't hesitate na ngitian siya kasi baka sign na nga iyon para ngitian ko siya. Pero akalain mo yon, snob ang lola niyo! Abuh, isnabera. Ma-attitude pala.
Tsk.
Paano ba yan? Mukhang di kami meant to be na maging friends hah?
Kaya naman, hinayaan ko nalang.
Nagtagal din kami ng mga kaibigan ko na magkakasama, at minsan nakakapag-usap kami ni Renz. Naaalala ko pa nga nung nasagi ng daliri niya yung elesi ng electric fan. Dun talaga ako natawa sa kanya dahil nagalit pa siya sa electric fan na 'yon.
That was August 17, 2019.
Nung isama ng jowa ng prenny ko si Renz sa bahay nila. Simpleng araw lang.
Pero di ko alam na yun pala yung simula ng magiging first relationship ko, at sa babae pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/290445749-288-k249636.jpg)
YOU ARE READING
Dear Keyb,
RomanceThis is plainly Jeya's thoughts about her ex. There are lots of untold truths hidden in her past relationship. Through her personal blog, she poured her heart in writing about her pasts with "her". Jeya and her blog will uncover her true feelings a...