Dear Keyb,
Tanong ko lang hah?
Masama ba na kapag ka ang isang katulad ko ay makipag-usap pa sa ex?
Kasi gusto ko talaga siyang kamustahin kaso baka mali.
Isa pa, hindi ko alam kung paano ko sisimulan na i-chat siya ulit. Lalo na at ang pinaka huling chat ko pa sa convo namin ay yung halos isumpa ko siya noong nakipag-break ako sa kaniya.
Ang lame naman kasi kung mag uumpisa ako sa,
"Musta ex?"
"Renz!!! Miss na kita🥺"
"Hello"
"How are you love?"
"Hey, anong ganap?"
"Hoy!, Balita?"See. None of the above ang sa tingin ko papasa sa pag-chat ko sa kaniya.
Saka paano kung i-ignore niya lang ako, well, di ko naman malalaman kung di ko susubukan.
Isa pa, baka ma-misinterpret niya yung pangangamusta ko at isipin na nakikipagbalikan ako or nagpaparamdam ng pakikipaglandian.Oo nga, mahal ko pa siya, pero gaya ng sinabi ko, wala naman na talaga akong balak makipagbalikan.
Siguro nga hindi ko na siya dapat kausapin kahit pa ang gusto ko lang naman ay mangamusta kasi nga, may nararamdaman pa ako.
Haaay....
🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘🔘
Ano sa tingin niyo? Puwede pa kayang i-chat ni Jeya ang ex niya?
Comment kayo hah.
Saka vote na rin pleaseeeeeee
Thank you for reading!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/290445749-288-k249636.jpg)
YOU ARE READING
Dear Keyb,
RomanceThis is plainly Jeya's thoughts about her ex. There are lots of untold truths hidden in her past relationship. Through her personal blog, she poured her heart in writing about her pasts with "her". Jeya and her blog will uncover her true feelings a...