Dear Keyb 5

6 2 0
                                    

Dear Keyb,

First week ng relationship namin ni Renz ay naging masaya. Medyo slow din ako minsan kapag magkausap kami.😅

Minsan dahil sa sobrang saya ko na kausap ko siya, di ko na pala napapansin na nag "a- I love you" pala siya sakin at hindi ako nakakapag "i love you too" sa kanya, kaya minsan siguro naiinis siya sa akin.

We both love to say how much we love each other often.

Though nalaman ko na habang kami na pala ay may iba pa siyang jowa bukod sa akin.

Sabi niya ibe-break na daw niya para sa akin.

Nainis ako siyempre.

Umpisa palang pala nagchi-cheat na siya. Akala ko kasi ako lang. Pinasa niya pa sa akin yung screenshot ng pakikipag-break niya doon sa jowa niya pang isa.

Pero alam mo, dahil mahal ko siya, pinagmukha ko nalang tanga ang sarili ko.

Hindi ako nagalit. Hindi ko nalang pinansin kasi baka ganoon talaga. Baka normal lang iyon sa lugar niya na mag-jowa ng bago kahit in a relationship ka pa.

Tinanggap ko.

Ni hindi nga ako nagtampo sa kanya eh.
Inintindi ko nalang.

Mahal nga di ba?

Dear Keyb,Where stories live. Discover now