Dear Keyb,
Iba yung saya nung nagka-chat na kami. Parang ganoon din kami noong umpisa.
Bago maging kami.Ganoon pa rin naman siya, approachable then ako, ayon taga-banat AHAHAHAHA.
Sinabi ko na na-miss ko siya. Totoo naman eh. Not as a couple, pero nung time na crush ko pa siya.
Yung time na friends lang kami at walang commitment.Actually...
Nagpaalam ako sa kaibigan ko kung pwede ko kayang i-chat si Renz (pero ka-chat ko na si Renz bago ako nagpaalam😆), ang sabi niya huwag na daw. Ang kaso nga, magka-chat na kami.
Yung tinutukoy kong kaibigan ay yung friend ko na nagpauwi sa kanila ng jowa niya tapos sumama si Renz.
Late ko ng naisip magtanong sa kaniya. Feeling ko tuloy hindi tama. Itago na lang natin ang kaibigan ko sa pangalang "Ligaya".
Masayahin siya eh. Masarap din kasama.
Isa siya sa pinakanagalit noon kay Renz nung magkahiwalay kami.
Napaka-trustworthy ng tropa kong iyan.
Kahit minsan may secrets pa rin kami sa isa't isa, dama namin kapag may pinagdadaanan kami.Tulad ng secret ko sa kaniya na nakikipag-chat ako sa ex ko. Nakokonsensya nga ako eh.
Nung maghiwalay kami ni Renz matatawa ka na lang sa mga payo niya.
Galit na galit talaga siya noon. AHAHAHAHASi Ligaya yung pinakanasandalan ko noon sa panahon na broken ako. Classmate ko siya at seatmate ko pa kaya nga kapag napapaiyak na lang ako sa desk namin,
nandiyan siya agad para i-comfort ako.
Pinaglaban niya talaga na wala akong mali.Dahil din kay Ligaya kahit gusto kong umiyak noon, natatawa na lang ako. Isa pa, sa sobrang sakit at galit na din siguro, kapag umiiyak ako, wala na talagang luha ang tumutulo.
Sinasabi ko nga noon sa mga kaibigan ko na baka wala na akong tubig sa katawan kakaiyak ng ilang linggo.
Pero na-gets ko naman na baka dahil pagod na rin yung mga organs ko sa kadramahan ko.
Madalas din noon akong sumpungin ng hika at pananakit ng dibdib, pero nandiyan sila Ligaya para sumoporta sa akin kapag kailangan ko ng tulong.
"Friends are the best people in this world."
Di bale ng wala kang jowa basta may kaibigan kang maaasahan at mapagkakatiwalaan.
Yung kaibigang hindi ka kayang ipagpalit sa kahit ano, at sa kahit kanino.
Yung kaibigang kahit ayaw sa kaniya ng nanay mo ay wala siyang pake at "tita" pa din ang tawag sa nanay mo.
Yung kaibigang kahit may dumating mang ibang kaibigan, kaibigan pa din ang turing sa inyo, maging zombie man kayo.
Sobra kong na-appreciate ang mga kaibigan ko. Lalo na si Ligaya sa part na ito.
Sana lang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon ay malampasan niya.
Huwag sana siyang kainin ng depression. Alam ko namang hindi mangyayari iyon dahil nandito kami ng mga kaibigan niya.To Ligaya, salamat sa iyo. Sorry kung sinuway ko ang payo mo na huwag na siyang kausapin. Sana maintindihan mo na alam ko naman ang ginagawa ko. Alam kong iniiwas mo lang ako sa taong nanakit sa akin noon. Maniwala ka sana na kahit ganoong tao ang tingin mo/natin kay Renz, alam ko na ang limitations ko. Hindi ko naman na hahayaang masaktan ulit ako. Lalo pa at malayo kayong mga kaibigan ko. Kapag umiyak ako, walang aalo sa akin. Believe me na hindi ko intensyon ang makipagbalikan. Gusto ko lang na maging magkaibigan kami at i-let go itong bitterness sa loob ko kaya ayoko ng maging open sa mga possible relationships.
Bata pa tayo at marami pang dadating pero mali na hayaan ko ang sarili ko na isipin na huwag nang magmahal ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/290445749-288-k249636.jpg)
YOU ARE READING
Dear Keyb,
RomanceThis is plainly Jeya's thoughts about her ex. There are lots of untold truths hidden in her past relationship. Through her personal blog, she poured her heart in writing about her pasts with "her". Jeya and her blog will uncover her true feelings a...