Dear Keyb 7

9 2 0
                                    

Dear Keyb,

Simula nung mag break kami, wala na talaga kaming communication. Kaya nagtaka nga rin ako ng minsan kong balikan yung convo namin, kung bakit may 'unsent message' siya noong February 2020.

Minsan naiisip kong i-try na mag-chat sa kanya.
Pero huwag na lang.

Wala naman akong mapapala.

Kilala ko si Renz.

Di naman iyon napapakali ng walang kalandian.😂

Marami na rin sigurong nagbago. Gusto ko sanang mangamusta minsan pero huwag na nga lang.😂
Kulit ko.

There was a time na nag back read ako sa convo namin at aksidente kong na-like yung isa sa mga reply niya. Nagmadali talaga akong i-remove yon sabay log out.

Natawa na lang ako bigla sa sarili ko at napatanong.
May pakialam pa kaya siya sa akin?

Naalala niya pa rin kaya ako?

May alam pa rin ba siya tungkol sa akin?

Naalala niya pa kaya yung special nickname na binigay niya sa akin.

Naalala niya pa kaya na pareho naming favorite yung kantang "Truth Untold" ng BTS?

Naalala niya kaya ako tuwing dadaan yung date kung kailan ko siya sinagot?

Keyb...

Alam mo ba, sa tuwing kinakanta ko yung "Truth Untold", naiiyak ako kasi parang iyon talaga yung nangyari sa amin.

Nang magkahiwalay kami, inilayo ko yung sarili ko sa mga bagay na pareho naming gusto.

Ultimo adobo ayoko ng kainin noon. O di kaya pag mag a-adobo si mama, pinapalagyan ko ng saging. Kasi ayaw ni Renz 'non.

Binalot ko lahat ng bagay na nag-papaalala sa akin nung kami pa. Kahit yung diary.

Binigay ko iyon sa jowa ng prenny ko para ipaabot sa kanya. Pero hindi naman daw naiabot kay Renz.

Mabuti na rin siguro iyon. Baka antique na iyon kapag naibigay sa kanya.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-











Dear Keyb,Where stories live. Discover now