Dear Keyb 6

7 2 0
                                    

Dear Keyb,

Just so you know, fan ako ng kpop groups lalo na ng BTS, Blackpink, Twice, Mamamoo at saka napakarami pa.

Ganon din si Renz. Nakakatuwa nga na parehas kami ng interests. Fan din siya ng BTS, Blackpink at Twice. Kaya nga minsan biniro ko siya na sana sayawan naman niya ako ng "I need U" ng BTS kapag nagkita kami ulit. Oo naman daw, basta kaming dalawa lang dahil nahihiya raw siya. Ang cute niya talaga.

Sabi pa nga niya malimit daw talaga siyang sumayaw ng mga songs ng BTS specially yung, "Spring Day", "BST", "Fake Love", "I need U", at "Boy w/ Luv".

Dancerist jowa ko 'noh?😂

Pareho din naming favorite ang adobo pero ayaw ni Renz ng adobong may saging.😂

Saka siyempre milk tea din. Pareho naming gusto 'yon.

Sabi ko nga sa kanya ililibre ko siya ng milk tea kapag nagkita kami ulit.

Tapos babayaran daw niya yung mga inuutang niyang kiss sakin sa chat.

Nagkita ulit kami. Kasama yung jowa ng prenny ko. Pumunta sila sa amin. Nakilala siya ng mga kapatid ko. Nakakalungkot lang kasi yung bunsonkong kapatid ang na-attach sa kanya. Madalas, hanggang ngayon, inaasar pa rin ako nila mama kay Renz.

At oo, nalaman ng mama ko. Inamin ko kay mama dahil mahal ko na talaga si Renz. Honestly, ayaw ni mama dahil nga pareho kaming babae. Akalain ba ng nanay ko na yung bunso namin ang boyish gumalaw pero ako pala yung magjo-jowa ng gurl?

Pero pumayag na din si mama. Ang hindi lang nakakaalam ay ang papa ko. Nagpapaalam palang kasi ako na medyo nagkakagusto ako sa babae ay sinabihan na agad ako na huwag daw akong papatol sa babae din.

So ayon, waley na. Di ko na pinakilala si Renz sa kanya.

At hanggang ngayon, kapag naaalala siya ng kapatid kong bunso, tinatanong sa akin kung pupunta ba siya ulit dito.

Pinangakuan kasi siya ni Renz na tuturuang mag basketball.

Pero hindi na nga nangyari.

Di na kami nagkita ulit pagkatapos non.

Marami kasing nangyari eh. Lalo na nung nalaman ko na nag a-RP pala siya.

Siyempre alam ko agad na madami siyang kalandian sa RP account niya, pero Keyb, nanahimik nalang ako.

Sinabi kong okay lang. Nowadays di ba, kapag in a relationship kayo dapat alam nyo yung FB ng isa't isa?

Oo siya, nabubuksan niya yung account ko, pero ako nung minsang hiningi ko sa kanya, hindi siya pumayag.

Suspicious.

Pero nerespeto ko nalang yung privacy niya.

At balik tayo sa kung bakit nanahimik na lang ako kahit alam kong may RP account siya...

Hindi na ako nagalit or nagtampo kasi aminado ako eh, na kasalanan ko din king bakit naghahanap siya ng iba.

Oras nga.

Oras yung hindi ko kayang ibigay pero kung pagmamahal lang, hindi ako nagkulang.

Kaya nga pinabayaan ko na lang, as long as sinasabi niya parin sa akin na ako lang yung mahal niya. Umiiyak ako pero hindi ko magawang magalit sa kanya eh.

Ako kasi yung dahilan. Kahit na alam kong di 'yon sapat na dahilan para mag entertain siya ng iba, hinayaan ko na lang. Kasi nga paulit ulit ko siyang hindi mabigyan ng time. Paulit ulit na sorry.

Nangyari na nga din sa amin yung hindi kami magkatagpo ng oras sa pagg-cha chat. Pulos "I love you" at "I love you too" lang ang tanging chat namin sa buong araw. Kapag online ako, di naman siya online. Kapag online siya, ako naman ang hindi.

Dear Keyb,Where stories live. Discover now