Dear Keyb 2

7 2 0
                                    

Dear Keyb,

Hindi ko pala nasabi sa iyo na nung nagkita kami ni Renz noon ay di ko alam ang buo niyang pangalan kaya naman grabe ang scroll ko sa friends list ng jowa ng prenny ko. 😂

As in Renz lang talaga ang alam kong name niya dahil nahiya naman akong itanong sa kanya kung ano ang pangalan niya sa FB.

Scroll ...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...









Scroll...


Scroll...

At pak! Nakita ko rin yung profile niya. Nasa swimming pool pa nga siya eh. Naka smile. Ang cute niya. Sobra.

Renz Marge Galves.

Agad akong nag friend request sa kanya.

🤞

Hinihiling ko na sana ay i-accept niya ako. Gusto ko lang naman makipag-friends.

Char, gusto ko talagang makipaglandian sa kanya. Nase-sense mo pala 'yon 'noh, kung yung isang tao ay "ain't straight" din.

Mabilis lang din naman niya akong in-accept sa FB. Kinabukasan ay nag chat siya sa akin.

_________________________________________
August 18, 2019 3:54

Hi! Uuwi na kami. Thank you sa kahapon, pakisabi dun sa dalawa na thank you ulit, bye.

_________________________________________

Oo Keyb! Kinilig ako ng bongga sa ganyang ka simpleng chat niya.

Alam ko kasi na kahit bawal ay pinagbigyan ako ni Lord na maka-chat siya.

Sobrang saya ko nung i-chat niya ako. Isipin mo 'yon, nagpaalam siya sa akin.  Kaya naman, di ko na sinayang yung oras at sinabi ko sa prenny ko na bet ko si Renz.

You know...

Nagpapahiwatig ng help para maging close kami ni Renz. Saka naman para di ako mahiya sa jowa niya na magtanong ng ilang bagay tungkol kay Renz.

By the way, noon nga pala na i-chat ako ni Renz ay kilig na kilig akong agad nag reply sa kanya.

_________________________________________

Hi Renz! Nami miss na kita agad kahit di tayo close AHAHAHAHAHA

_________________________________________

Nag reply din naman siya na yung place lang daw ang na-miss niya. Actually alam kong biro 'yon dahil after non, ay nagpasalamat ulit siya.

Ang dami naming pinag-usapan sa chat. Nagbibiruan, nagkakatuwaan saka siyempre, ako naman, kahit first time kong makipaglandian ay kinakapalan ko nalang yung mukha ko sa mga banat ko sa kanya.

Nagpaliwanag din siya doon sa incident na nginitian ko siya pero di niya ako pinansin. Ang sabi niya nga, hindi daw niya napansin. Medyo "ouch" ' noh. Sabagay di naman kasi ako kagandahan para tignan niya gaya nung kung paano ko siya tignan noon.😂

Ang saya lang ng conversation namin. Natapos nga lang iyon kasi kailangan kong mag charge. Yung cellphone kasi na ginagamit ko eh sa kapatid ko pa at meji pabulok na nga.

But who cares? As long as nakakapag usap kami ng crush ko.

And then, dahil natuto na nga akong kapalan ang mukha ko eh, nakasali din ako sa GC ng mga tropa niya. Actually siya naman ang nagsali sa akin doon nung medyo nagkakamabutihan na kami.

Yung jowa ng prenny ko ang nag-suggest na ituloy nalang namin yung landian sa isang challenge.

As in 24 hours Jowa Challenge.

Tumatanggi pa ako nung una pero nagpapapilit lang ako. Char.

Tumatanggi talaga ako kasi ayaw kong ma-fall ng sobra sa kanya. Wala naman kasi akong alam sa love background niya.

Kung nakailang ex na ba siya? Kung anong nangyari sa recent relationship niya kaya single na siya ulit?

Tapos, ayon na nga.

Napilit ako. Tapos di na ako nag-inarte 'noh.

Dahil sa totoo lang, nung panahong iyon, jowang jowa na rin naman talaga ako.

Eh kasi naman, sa aming magkakaibigan, ako lang ang walang jowa. Saka kaka-diverginize lang ng kainosentihan ko. Virgin talaga Keyb.

As in virgin talaga! Ni hindi ko alam kung ano yung salitang mast****te. Hindi ko alam kung paano ginagawa ng dalawang babae ang pleasure. Wala din ako noong alam na mga pûrn sites.
Di ko din alam na nag-e-exist ang hënta¡.

Oh di ba? Late bloomer nga daw kasi ako.

So... back to the story...

Hindi pa nga nag-uumpisa ang challenge namin ni Renz ay sobrang kinikilig na ako.

Paano ba naman kasi, wala pa nga kami eh may endearment na siya agad sa akin.

Tinatanong mo ba kung ano??

😂

"Love"

Yuieeee. Wala pa nga, love niya na ako.












Dear Keyb,Where stories live. Discover now