Dear Keyb,
To be honest, feel na feel ko talaga ang status namin.
Pero ayon nga, nalulungkot daw ang pinakamamahal kong suitor (yuieeeee).
Wala talaga sa isip ko na jowain siya in a short period of time ng panliligaw niya. Kaso di ko kayang tiisin na nalulungkot siya knowing na, siya ang nagpapasaya sa akin everyday. Ayaw kong maging unfair. I want to give her happiness kaya nga wala yata sa oras ang pagsagot ko sa kanya.
Pero walang halong regret iyon hah. Kaso lang napakasandali lang nung panahon ng "getting to know each other" stage.
Iyon nga din ang ikinagulat ng mga kaibigan ko. Ang bilis lang kasi. Pero masaya naman sila kasi finally!,
Nagka-jowa rin ang late bloomer nilang kaibigan.😂
Napaka supportive nila sa amin. Yung iba ko namang kaibigan, naging protective din. Laugh trip nga nung nag chat pa yung kaibigan ko kay Renz eh.
Hindi ko alam kung anong exact na pinag-usapan nila pero kilala ko ang kaibigan ko. Sigurado akong may halong pagbabanta iyon.
_________________________________________
September 4, 2019Renz changed your nickname to Shimiring💕
_________________________________________
Love is in the air Keyb!!!!
First jowa.
First love.
Lahat ng saya naranasan ko sa relasyon namin.
Siyempre lahat ng pagtatampo niya sinuyo ko din.
Matampuhin siya eh. Konting bagay, pagtatampuhan.
Pero madalas nagtatampo siya kapag hindi ko siya agad na-replyan. Naiintindihan ko naman.
Hindi din naman kami nag v-vc kapag na sa bahay ako dahil, hindi alam ng mga magulang ko na nag-jowa ako. Lalo pa at babae siya.
Nahihiya nga ako sa kanya eh. Kasi kapag magka-call kami naririnig ng nanay niya at kapatid niya na ako ang kausap. At jowa niya ako.
Pero ako, minsan na nga lang kami magka-usap, palihim pa. Idagdag pa na isang beses pa lang kami nagkikita. Nung August 17 pa.
Kasalanan ko din naman kapag nagtatampo siya dahil madalas ilang araw din kaming hindi magka-chat. Dahil minsan busy talaga ako sa school or minsan may nararamdaman ako.
Alam kong napapagod din siya sa ganoong set up, kaya pag nagtatampo siya, tinatanggap kong ako ang mali. Ginagawa ko ang lahat ng panunuyo.
Lahat ng ka-cornihan hinahalukay ko.
Mapatawad niya lang yung mga oras na kulang ko sa kanya.That's when I decided na mag-diary habang in a relationship kami.
Para kapag wala akong time na maka-chat siya, maisusulat ko kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya.
May time din na nagka-allergy ako sa sobrang pagkain ng almonds at ilang araw akong nagka-asthma. Ilang araw din siyang nag-cha-chat sa akin at ni hindi ko nasi-seen ang messages niya.
Dahil nga nagkasakit ako.Ang tagal kong sinuyo si Renz. Hindi ko nalang sinabi iyon sa kanya dahil ayaw kong isipin niya na nagdadahilan lang ako. Sa totoo lang, pumapasok ako sa school ng may hika. Pero itinutuon ko yung sarili ko sa activities.
Inaamin ko na sinadya ko talaga na hindi siya kausapin non, dahil ayokong mag-daing sa kanya. Ayaw kong alalahanin niya pa ako.
Dahil nga mahal ko siya.
YOU ARE READING
Dear Keyb,
عاطفيةThis is plainly Jeya's thoughts about her ex. There are lots of untold truths hidden in her past relationship. Through her personal blog, she poured her heart in writing about her pasts with "her". Jeya and her blog will uncover her true feelings a...