Chapter 4 - Thinkings :3

26 1 0
                                    

Hindi na makayanan pa ni Elle ang pinag uusapan ng mga magulang, masyado na siyang nasasaktan. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng mga ito. Kaya naman hindi na niya napigilan ang hindi magpakita sa mga ito, alam niya masama ang pakikinig sa usapan ng ibamay usapan, pero iba ang sitwasyong ito, kalayaan at buhay niya ang nakataya. Itinulak niya ang pinto at dirediretsong pumasok, na siyang ikinagulat ni Ellen at Leon, pilit niyang itinatago ang galit na gustong kumawala sa buong pagkatao niya.

"Your suppossed to tell me what Mom?" kalmado niyang tanung.

"Oh, Baby where talking about your birthday?" Ellen said with a trembling voice.

"What?" naninigkit na tanong ni Elle sa kanyang mga magulang.

"Oh Honey, your Father wants to surprise you." pagsisinungaling ni Ellen sa pag aakalang hindi narinig ng anak ang kaninang pinag uusapan nila.

Samantalang kalmadong nakamasid lamang si Leon sa nag uusap na Anak at asawa.

"Come on, I'd heard it, stop lying my Dear Mother." tila nang uuyam na sabi ni Elle sa kanyang Ina.

Nagulat naman si Ellen sa inasta ng anak. Hindi ito nakapagsalita.

"You and Gab are going to Marry." pahayag ni Leon na para bang napakadali lamang gawin ang kanyang sinabi.

"Honey...." Pigil ni Ellen sa asawa.

"Tutal naman ay narinig mo na, ngayon ay alam mu na, na si Gabriel at ikaw ay magpapakasal." kalmado pa ring sabi ni Leon.

"Why? Why do you have to do this Daddy?" sabi ni Elle sa mababang tinig, pigil ang luhang nagbabadya ng kumawala sa kanyang mga mata.

"Dahil ito ang tama, ito ang nararapat Ellise." ibinaba na ni Leon ang hawak na Ipad at tumayo.

"Tama? Paano ninyo nasasabing tama yan Daddy? Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung gusto ko?" inis sa sabi ni Elle sa ama.

"Kilalang kilala mo na si Gabriel, kaya hindi ka na mahihirapan sa kanya, at isa pa pumayag na siya sa kasunduang iyon. Kaya dapat nga ay mas matuwa ka dahil si Gabriel ang nakatakda mong mapangasawa."  maatowridad na pahayag ni Leon.

"Matuwa? How could I? Gabby is my bestfriend and almost a brother to me, I couldn't even imagine myself loving him romantically. It's my life, you don't have the right to tell me whom Im going to marry." naiinis niyang pahayag, bakit ba ganito ang kanyang Ama, buong buhay niya ay hindi niya inakalang magagawa nito ang ipagkakasundo siya, oo't hindi nga kagaya sa iba na hindi nila kilala ang ipinagkakasundo sa kanila, pero bakit siya. Bestfriend niya pa!

 "I have all the right Iha. Ito ang nakabubuti sayo Ellise, at wala ka ng magagawa kundi sundin ang gusto ko." Matigas na pahayag ni Leon.

Paulit ulit na nag eecho sa pandinig niya ang sinabi ng ama. Pakiramdam ni Elle ay sinasakal siya nito, lalong tumitindi ang galit na nadarama niya. Para siyang walang isip kung ituring nito, wala ba itong tiwala sa kanya? Mahal ba siya nito o ang sarili lamang nito ang iniisip. parang hindi niya na kilala ang ama dahil sa mga tinuran nito. Unti unting tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigil. Hindi na niya kayang marinig pa ang sasabihin nito.

"I HATE YOU! I HATE YOU DADDY!" sigaw niya dito, kasabay ng pagtakbo palabas ng silid ng kanyang mga magulang.

Dirediretso siya sa kanyang kwarto at inilock niya ang pinto, naiwang nakatulala ang kanyang inang si Ellen at iiling iling naman ang kanyang Ama.

A SECOND CHANCE! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon