Chapter 8

2.8K 183 36
                                    

IVO POV


Inayos ko ang kumot ni Iyah. Sinigurado ko munang tulog na tulog na muna sya bago ako marahang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. As much as I want to sleep and stay with her, hindi pwede. Pinapauwi kami ni mommy at magkakaroon daw kami ng family lock meeting.





 Kung para saan, hindi ko alam. Nakausap ko naman na si Iyah. Kahit si mommy ay kinausap sya. Buti naman at pumayag to pero nag request na patulugin ko sya. Feel na feel ko talaga yung pagiging ina sa kanya, lalo na at hindi sya humihiwalay sa akin. Ako nagpakain sa kanya at nagpaligo pati nagbihis.







"Tulog na?"









"Ay gwapo!" Agad kong naitakip ang kamay ko sa aking bibig at lumingon sa aking likuran.







"Tsk!" Pinitik nya ang aking noo. "Magugulatin ka pa din pala."







"Who will not surprise? You're like a multo na bigla nalang nag tatalk sa back ko." Inis na sabi ko.







"Sorry na. Tulog na ba si Iyah?" Muling tanong nya sa akin.





"Oo, sleep na sya. Pwede ka nang tumabi sa kanya."







"Eh ikaw ang gusto kong katabi eh."







"Huh?" Enebe, deddy weleng genyenen.





"Wala. Sabi ko salamat sa pagpapatulog at pag-aasikaso sa anak ko."







"Ah. Ayos lang, cute naman sya eh, chikadora nga lang." Narinig ko kaya. Hay naku love ko, pwede naman maging honest. Willing naman akong tabihan ka din.







"Basta salamat. Kung gusto mo sya dalawin, open ang bahay ko para sayo."







"Eh paano kung ikaw ang gusto kong dalawin? Open din ba ang bahay mo para sa akin?"







"Ehem. Ivo, mommy is waiting."







Sinamaan ko ng tingin si kuya. Panira ng moment, nakakainis!







"Hindi naman ako need ng DNA test, kundi ikaw. Bakit pati ako kailangan umuwi?" Inis na tanong ko.







"Kasi kasalanan mo. Baliw ka kasi."







"Eh di wow." Inis akong lumapit kay kuya. Nasa may pintuan na sya. "Panira ka." Inis na bulong ko sa kanya.







"Ganti ko yan sa kaabnormalan mo." Tsaka niya ako binelatan.









Inirapan ko sya tsaka ako humarap kay Slater. "Binigay ko kay Ishi yung number ko. Pag hinanap nya ako pwede nya ako tawagan anytime."







"Sige. Salamat."







"Alis na kami. Kailangan pa ma DNA si kuya."







"Hahaha sige ingat."







I wave my hand to him tsaka ako tuluyang lumabas ng condo nya. Nagpaalam din si kuya sa kanya bago kami tuluyang umalis.







Tahimik lang ako sa biyahe. Naiinis kasi ako. Hindi naman ako kasi yung may kailangan ng DNA test kundi si kuya pero damay ako sa pag-uwi. Si mommy naman kasi, pwede naman bukas nalang yung DNA test na gusto nya, gusto talaga ngayon pa. Tapos pati ako pinauwi. Parang kasalanan ko pa kung natuklasan kong hindi ko talaga kakambal si kuya. Sila itong magulang tapos hindi nila alam.







Pakarating namin sa mansyon ay nagulat ako sa dami ng tao. Lolo tatay at lolo papa is also there. Andito din ang tita na kambal ng tadhana pati ang mga anak at asawa nila. Kahit sila tito Felix at tito Jeff ay naadito. Si tita Nikka lang ang wala dahil nasa other side of the world sila ni tito Archie. Honeymoon daw. May mga doktor din sa loob.







"Akala ko ba DNA testing ang ganap? Bakit parang reunion ata?" Takang tanong ko. Nagmano muna ako sa mga tanders bago ako lumapit kay mommy na namumula ang mata. "Naka drugs ka ba mommy?" Takang tanong ko.







"Hindi ah. Hindi ako adik. Sa daddy mo lang ako adik at sa da...adagadsfjalkdsjfadjfds" Biglang tinakpan ni daddy ang bibig ni mommy.







"Too much information baby." Wika ni daddy.









Napailing nalang ako. Wala nga sinasabi mommy na information tapos TMI? Hay naku lang."Sino po sa dalawa ang kailangan ng DNA test?" Tanong nung doktor.







"Sya po." Sagot ko sabay turo kay kuya.







"Dad? Do I have to do this? Seriously?" Tanong ni kuya.







"Oo nak. Baka talagang ikaw ang nawawalang anak nung Auring na sinasabi ni Ivo. Pero kahit anuman ang maging resulta, mananatili kang anak ko." Umiiyak na wika ni mommy.







"Dad?"







"Go, Alexis. Sa ikakapantag ng mommy mo." Ani daddy.







"Kasalanan mo ito Primitivo Jose." Inis na sabi sa akin ni kuya.







"Bakit naging kasalanan ko ba? Buti nga matutulungan kita na malaman ang tunay mong pagkatao."







"Tama si baby Ivo, Lex. Tsaka, hindi naman magbabago ang pagmamahal ko sayo eh. Kahit hindi kita kadugo, mananatiling anak ang turing ko sayo." Sabi ni mommy.







"Whatever! Just make it fast. May gagawin pa ako." Inis na lumapit si kuya sa doktor. Madali lang naman ang nangyari. May pinahid lang cotton buds yung doktor sa dila ni kuya tapos kinuhaan din sya ng isang pirasong buhok. Nilagay nila ito sa maliit na tube. Tapos sabi nila mag-antay nalang daw kami ng resulta.







"Wag ka mag-alala kuya. Tulad ng sabi ni mommy, nothing will change. You will still be my kuya."







"Shut up Ivo! Matulog ka na papasok ka bukas." Galit pa din si kuya.







"No need to tell me that kuya. First day bukas ni Slater kaya papasok talaga ako.""Yeah and I will be the one who will brief him."







"Luh. Brief him? Bakit? Hindi ba marunong magsuot ng brief si Slater?"









"Briefing Ivo. Slater need to have a briefing of what he has to do as your secretary at ako ang gagawa noon sa halip na ikaw."







"Ah ok. Akala ko kasi hindi sya marunong mag brief eh. Ako nalang magtuturo."









"Ewan ko sayo."







Napangiti nalang ako. Nagpaalam na ako sa mga bisita namin at nagtungo na ako sa kwarto ko. Excited ako para bukas. First day na ni Slater as my secretary. Simula bukas, ay araw-araw ko na sya makikita. I'm so excited.



Naligo lang ako saglit tapos ay pinatuyo ko ang aking buhok tsaka ako humiga sa aking kama. Ipicked my phone na nasa ibaba ng kama kop ang check my emails. Syempre madami akong emails galing, pero isang email ang nakakuha ng aking atensyon. An email from Slater.





FRM: Slater Morgan            slater.morgan25@gmail.comTO: Ivo Sinclair        sinclair.Ivo@gmail.comMESSAGE: Thank you for taking good care of my daughter also for the gifts and cake. Thank you because my daughter able to speak kahit na ikaw lang ang kinakausap nya. Hope yoo arrive home sound and safe. See you tomorrow, boss.







Lumapad ang aking ngiti. I press the star to starred his message. Masaya akong umayos na higa. Hindi ko sya nireply kunwari pabebe ako. Pero kinikilig ako. And yes, see you tomorrow my daddy.

I Love You My Mr. GeniusWhere stories live. Discover now