IVO'S POV
"Please take care our baby Slater. Keep him safe ha. But don't worry too much, may mga ipapasunod ako sa inyo na tauhan namin to make sure na safe na safe kayo." Wika ni daddy kay Slater habang ako naman ay nakatingin sa kanila.
"I will po dad. I'll update you from time to time." Sagot ni Slater. Sarap pakinggan na dad din ang tawag ni Slater sa daddy ko. Para na kaming mag-asawa.
"Good." Tsaka ako binalingan ni dad. "Be safe baby ha. Wag ka lalayo sa paningin ni Slater at ng mga tauhan natin. Also don't take any message or calls from the company lalo na kay sa buset ng Dipungal na yun. I'll handle him."
"Noted po daddy." Sagot ko tsaka ako yumakap.
"Sige na. Bumiyahe na kayo." Ani daddy. "Slater, si Ivo ha."
"Noted dad."
Nagpaalam lang ako kay daddy at mommy bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Slater did the same bago rin sya pumasok sa loob ng sasakyan.
"Tara na po." Sabi ko kay tito Felix. Sya ang maghahatid sa amin sa airport. Nang umusad na ang sasakyan ay yumakap ako kay Slater at inihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib.
We are going to Thailand para magbakasyon. Plan ito ni Slater and dad allowed it. Masyado na daw kasi akong stress sa trabaho ayon sa jowa ko. Paano naman ako hindi maistress, hindi pa din talaga nagpapatinag si Mr. Dipungal sa gusto nya mangyari. Nanggigil na nga ako. Hindi ko na nga tinatanggap ang appointment request nya maging ang mga meeting request nya. Dad even banned him in coming to our company. Alam ko ay tatanggalin na din nya ito as part of board director. Kung paano, hindi ko alam. That is why dad will take over the position of mine for three days para maayos nya ang tungkol sa gurang na yun.
"Excited?" Mahinang tanong ni jowa ko. His hand is on my shoulder at marahan itong minamasahe.
"Oo. First travel natin 'to together eh." Masayang sagot ko.
"I'll make it more memorable." Aniya sabay halik sa labi ko. Hihirit sana ako ng isa pa kaso tumikhim na si tito Felix.
"Wag PDA. Baka imbes sa airport kayo, sa bahay ko ang bagsak nyo." Ani tito Felix.
"Luh tito, miss agad si tita Megan." Pabirong sagot ko.
"Hahahaha, syempre."
Natawa kami ni jowa ko sa sagot ni tito Felix. Well, tito Felix is part team naunawain ayon kay tito Jeff. Kasama nya daw sa team na yun si tito Alex, Cyber, Aldrich at Archie. Hindi ko alam kung bakit ganun pero hindi na ako nagtatanong pa. Usapang tanders kasi yun, bawal makialam ang katulad ko na baby sabi ni mommy.
Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa airport. Private plane namin ang gagamitin kaya doon mismo kami binaba ni tito. Someone help us with our luggage at pinasok iyon sa eroplano. Tito Felix remind Slater to take good care of me bago sya tuluyang umalis.
"Sleep ka muna sweetie." Utos sa akin ni Slater ng nasa himpapawid na kami.
"Kiss muna po yung matagal." Malambing sa sagot ko.
"Yun lang pala." Then he kiss me on lips. Tulad ng request ko matagal iyon. Sarap nya talaga humalik. Kung pwede lang wag na itigil gagawin ko. Nakaka adik eh. Pwede ba yun whole day kami halikan lang? Ang sarap-sarap kasi ng lips nya, parang cotton candy, malambot tapos matamis. Hehehe.
YOU ARE READING
I Love You My Mr. Genius
RomancePrimitivo Jose Sinclair story. Tael and Myth Sinclair Son Date Start: October 30, 2021