IVO'S POV
"Uso kumain Ivo." Tiningala ko si kuya tsaka ko tinignan ang pagkain na dala nya. I can smell adobo. Mukhang masarap base sa amoy, pero wala akong gana kumain. Madami ako gagawin. I have a lot of papers to read, analyze and sign. Hindi ko alam kung ano ang pinag gagawa ni ate sa mga ito nuong sya ang namahala ng kompanya. I don't want to judge how she did her job pero kasi hindi talaga forte ni ate ang mag manage ng negosyo.
"Lagay mo nalang dyan kuya. Kainin ko mamaya." Sabi ko nalang sa kanya. Pag sinabi ko na wala akong gana kumain, kukulitin nya lang ako.
"Siguraduhin mong kakainin mo yan, or else, hindi kita papayagan pumunta ng hospital." Ani kuya.
"Oo. Tapusin ko lang ireview itong pinirmahan ni ate na year end party budget." Hindi ako nag-abala syang tignan. As if naman mapipigilan nya ako na wag dalawin si Slater. Sumbong ko lang sya kay dad o kaya iyakan, papayagan nya ako.
It's been 2 weeks mula ng makalabas ako sa ospital. I rest sa bahay for a week tsaka ako muling bumalik sa opisina. Slater is fine. Muntik ko lang masakal si Cyclone nang araw na yun.Slater heart is fine that time. Hindi tumigil. Maling bantay ang nasabihan ng nurse. Hindi naman kinompirma ni Cyclone yung sinabi nung nurse kasi nataranta na din tapos lutang dahil andon din sa tapat ng OR si Stix at nagbabantay. Kung hindi ko lang sya pinsan, baka sya ang pinaglamayan.
As for Slater, he is fine. Hindi pa kami nag uusap ng maayos. I want him to have a complete rest muna bago kami mag usap. God know kung ano ang magagawa ko sa kanya. I know and I understand what happened but it doesn't mean na okay na talaga ako. Yung mga sinabi nya sa akin, hindi ko pa din tanggap yun. Feeling ko, yun ang tingin nya sa akin. Na isa akong abnormal na tao. Kahit naman na binibisita ko sya halos araw-araw at inaasikaso, hindi ko pa di sya napapatawad.
"If you are planning to starve again, that's not gonna happen." Nagulat ako ng biglang may humablot sa kamay ko ng mga papel na hawak ko. Pag tingala ko ay nakita ko si Slater. He is wearing a light blue longsleeve. Ang bango at ang gwapo nya.
"Bakit ang gwapo mo, este bakit andito ka?" Tumayo ako. Kinuha ko sa kamay nya yung papel na kinuha nya sa akin pero inilayo nya ito.
"Kasi andito yung buhay ko. Sagot ni Slater sabay kindat. Bad SLater. Kenekeleg eke!
"Tigilan mo ako Slater. Akin na yan." Lumigid ako sa aking lamesa para lang makuha ko ang papel na hawak nya. Ang sakit na ng ulo ko sa mga numero dahil lang sa year end budget na inapprove ni ate tapos sasabay pa sya. Ayaw ko sa lahat yung ginagulo ako lalo na ang binabasa ko ay may involve na numbers.
"Let me handle this. I know you hate Math." Hinuli ni Slater ang bewang ko tsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Mas hate kita." Sagot ko. I grab the paper tsaka ko sya tinalikuran. Wag nya ako lalandiin dahil hindi oobra.
Nagulat ako ng bigla nyang sinaklit ang aking bewang. He pull me toward him. "I can explain sweetie." Bulong nya sa akin tsaka nya ako hinalikan sa leeg.
"Pwede naman magpaliwanag ng hindi nang mamanyak diba?"
"Manyak na pala ang boyfriend mo?"
"Who told you na boyfriend pa kita? Diba hiwalay na tayo? You told me na isa akong abnormal at ayaw mo sa abnormal na tulad ko."
YOU ARE READING
I Love You My Mr. Genius
RomancePrimitivo Jose Sinclair story. Tael and Myth Sinclair Son Date Start: October 30, 2021