Chapter 9

2.9K 176 47
                                    

SLATER POV




Maaga ako nagising kinabukasan. Unang araw ko bilang sekretarya ni Ivo kaya naman kailangan maaga ako makapasok. Hinalikan ko muna sa pisngi ang natutulog kong anak bago ako nagtungo sa kusina para ihanda ang kanyang pagkain. I personally cook and prepared her food from breakfast, lunch and dinner. Ipapainit ko nalang sa kinuha ko na tagabantay nya. Medyo maselan kasi si Iyah pagdating sa pagkain. Pag alam nyang hindi ako ang nagluto o si mommy, hindi nya kakainin, unless sa labas kami kakain. Hindi naman sya mapili, sadyang ayaw nya lang kumain pag hindi ako ang nagluto.




I decide to cook a beef brocolli for her lunch at fried chicken for her dinner. Sa breakfast naman ny ay scramble egg at longganisa which is her favorite. Nagtimpla na din ako ng kape ko at ininom iyon habang nagluluto. Buti nalang madaming burners yung gas range ko kya kayang magluto ng sabay-sabay.






Habang nag-aantay ako sa aking mga niluluto ay naalala ko yung nangyari kahapon. My princess finally speak. I finally heard her voice. It so cute. Lalo tuloy ako nangigigil sa kanya. But I'm still wondering kung bakit si Ivo lang ang kinakausap nya. Though okay lang naman sa akin kasi mukhang gusto ni Iyah si Ivo, nakakapagtaka lang na kinausap nya ito. Kahapon lang sila nagkita and I know my daughter is aloof when it comes to stranger. Si Lex nga lang ang nilapitan nya agad eh tapos si Ivo.






Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Is reason important? As long as nakakapagsalit ang anak ko, bahala na yang rason na yan. Sana lang dumating ang araw na ako din ay kausapin ng anak ko.






Inubos ko ang aking kape tsaka ako muling lumapit sa kalan para baliktarin yung chicken na piniprito ko at haluin yung beef brocolli. Nagulat ako ng biglang may humila ng laylayan ng damit ko. Pag lingon ko, I saw Iyah carrying the stuff toy na binili na regalo ni Lex at umiiyak. May dala din ito na papel na may nakasulat na Mama.






Pinahinaan ko lang ang apoy ng niluluto ko tsaka ko agad binuhat si Iyah at nilayo sa kalan. Inuupo ko sa sa lamesa at pinunasan ang luha.




"Diba nagpaalam sayo si mama mo kagabi na uuwi sya kasi pinapauwi sya ng mommy nya?"Mabilis na tumango si Iyah. Yumakap sya sa akin at tahimik na humikbi sa aking balikat. "Tahan na. Mama Ivo is allowed to visit you anytime pag hindi sya busy."






Iyah pulled ayaw from my hug ang start writing again on the paper. Sa edad ni Iyah, she can write, partida hindi ko pa sya pinapasok sa eskwelahan. Si mommy lang ang nagtuturo sa kanya o kaya minsan ay ako. She also love watching videos on youtube on how to write. Sa tingin ko ay fast learner si Iyah at kung ipapasok ko sya sa paaralan, baka ma accelarate sya agad.After writing, hinarap nya sa akin ang papel.


I want mama to stay with us.




"Hindi pwede yun baby eh. Una busy si mama Ivo mo, pangalawa, hindi papayag si kuya Lex nya at pangatlo hindi ko sya asawa para dito sya tumira sa atin." Inayos ko ang magulo nyang buhok.Nagsulat ulit sya sa papel tapos ay hinirap iyon sa akin. 




Marry him. Marry Mama and bring him home.






Natawa nalang ako. "Hindi ko pa nga nililigawan nak eh,kasal agad."




Iningusan lang ako ni Iyah. Sa tingin ko naintindihan nya ang sinabi ko. 






"Ganito nalang. I'll asked mama Ivo kung pwede kita isama sa trabaho ko. Pag pumayag sya, sasama kita. Okay ba yun?"






Mabilis pa sa alas-kwartro na tumango si Iyah. Napailing nalang ako. Gustong-gusto nya talaga si Ivo. Ligawan ko na ba?








I Love You My Mr. GeniusWhere stories live. Discover now