Chapter 20

2.4K 153 2
                                    

IVO'S POV



Morning sickness is really hell. Nagising nalang ako na nasusuka, pero wala naman ako mailabas kundi laway. Kung hindi ako binuhat ni Slater pabalik sa kama ko, malamang sa banyo ako matutulog ulit dahil sobrang hinang-hina ako. At dahil doon nakatulog ako ulit. I woke up around 11am. No vomitting pero yung bibig ko gusto kumain ng kung ano na hindi ko alam, tapos tinatamad ako bumaba. I ended up calling tita Nikka again for some blue pumpkin food. Sad to say, wala ng blue pumpkin sila tita, kaya nagtiis ako sa normal na almusal namin sa bahay na pinadala ko sa kwarto ko. Ayaw ko talagang bumaba o lumabas. Gusto ko sa kwarto lang ako, nakahiga. Basta nakadikit ang kahit na anong parte ng katawan ko sa kama.









As for Slater, umalis ito kasama si Iyah. May pupuntahan daw sila at baka mamayang gabi pa sila makauwi. Hindi na ako nagtanong kung saan sila pupunta ng magpaalam si Slater sa akin kanina. Antok na antok na talaga kasi ako.









Around 4pm when I decided to step out my room. Syempre naligo muna ako at nagpalit ng pambahay ko. Simpleng cotton shorts at white sando lang ang pinili ko na suotin. Abala ang mga tao sa bahay, yun ang agad ko na napansin paka baba ko. Halos lahat na ata ng katulong namin sa bahay, nakasalubong ko na. Pansin ko din na bagong palit ang kurtina namin sa sala. Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng makakain. Gutom na ako o must I say, gutom na kami ng baby ko.







"Sir Ivo, may kailangan po kayo?" Tanong sa akin ni nay Celia, ang mayordoma ng bahay. May katandaan na ito pero malakas pa din ang pangangatawan.



"Pagkain po, nay." Sagot ko sabay nguso.





"Anong gusto mo? Madami kami inihahandang pagkain baka gusto mo mamili." Tinuro nya sa akin ang mahabang lamesa na nasa kanyang likuran. Yung lamesa na pinapasok lang sa kusina pag may handaan dahil kailangan ng mahaba at malaking lagayan ng mga sangkap. Hindi kasi uso dito ang catering, ayaw ni mommy. Mas makakatipid daw kung sila nay Celia nag magluluto kesa ipaluto namin o magpa catering kami tapos mas madami pa daw.







"Anong meron? Darating ba sila tatay lo at nanay la?" Lumapit ako sa lamesa. Madami pang nakalatag na gulay at karne sa lamesa pero madami na din nakaluto. Mostly pag ganito, either may handaan kami for birthdays anniversary nila mommy o kaya daraing sila tatay lo, mommy's parents. O kaya ay bibisita si tita Aira at tita April.









"Oo. Tsaka may iba pa daw na darating. Tsaka si sir Slater nag nagpaluto ng lahat ng yan para mamaya."









Si Slater? Anong meron? Nagkibit-balikat nalang ako at namili ng pagkain. Bahala sya sa kung ano ang meron, basta ako, gutom.







Pinili ko yung lengua, pork asado tsaka yung hipon na hindi ko alam kung ano ang tawag sa luto na yun. Syempre madami akong kinuha. Gutom na gutom talaga ako. Tawa lang si nay Celia . Tapos nanghingi din ako ng salad kasi ang ganda ng kulay nya, parang ang sarap kainin. I requested na dalhin sa likod yung pagkain. Gusto ko doon kasi mahangin pag ganitong oras, tsaka nahihilo ako sa kanila. Ang dami kasi nila sa kusina at tingin ko lahat sila umiikot dahil lahat sila may ginagawa. Kung sa dining room ako kakain, for sure hindi ako mag eenjoy kasi ang makikita ko yung kusina namin.







"Gusto mo ba ng blue lemonade sir Ivo?" Tanong ni nay Celia pakahatid nya sa akin ng pagkain sa may tabi ng pool sa likod ng bahay. Personal talaga akong inaasikaso ni nay Celia since two weeks ago. Sya una nakapansin na ang lakas ko daw kumain. Sa tingin ko ay una palang alam na nya na buntis ako kaya todo asikaso sya sa akin pagdating sa pagkain. Sabagay, isang dosena anak nya, malamang isang tingin nya palang sa akin alam na nya agad na buntis ako.





I Love You My Mr. GeniusWhere stories live. Discover now