Chapter 6

14 1 0
                                    

WILSON’S POV:

Nasa van kami ngayon at ako naman ang pinag drive nila tapos lahat sila eh nasa likod. Sabi nila tabi daw kami ni Autumn para mas masaya. Tuwa naman ako. Haha! >////

Teka, asan na nga ga yong si Autumn, ang tagal naman nya? Haay, yon talaga ang bagal kumilos.

“Hoy, babae. Puno na dito. Dun ka na sa unahan.” Pagtataboy sa kanya ni Ryna pagdating nya.

Pumunta naman kaagad sa unahan si Autumn at tumabi sakin. Kita ko sa kanya ang pagkadismaya. Alam ko kasi na ayaw nya sa unahan. Mahilohin kasi sya eh. Kawawa naman. Pero kahit ganon, masaya pa din ako kasi katabi ko sya. Salamat sa tropa! \m/ Ilang oras din kaming magkakatabi.

***

NAKAKAINES! Traffic! Ang init-init pa naman! Sa van na kami nagtanghalian. Buti at may pinabaon samin yung caretaker nung villa nila uncle. Alam nya siguro na traffic ngayon. At teka, bakit parang tumahimik kami ngayon? Paglingon ko, aba! Ang mga walang hiya! Tulog silang lahat. Ayos ah. Ako lang ang gising! MALAS talaga!

Makalipas siguro ang mga sampung minuto eh nagising si Autumn. GISING NA SYA! \(*O*)/ Feeling ko eh bored na din sya dahil sa traffic jam na eto kaya, kinausap ko sya.

“So, ano naman ang type mo sa mga lalake?” Hindi ko talaga alam kung bakit yon ang tinanong ko. Tsk! Engot ka talaga Wilson! Nabigla naman ako nung sumagot sya.

“Ako? Hmmm, di ko din masasabi eh. Ang love kasi bigla-bigla nalang dumarating. Unexpected! Minsan, yung ayaw mo, yun pa yung taong mapapasayo.”

“Uhhh, kung example, ako? May pagasa ga ako?”

“Ikaw? Uhmm,”

“Hindi ko din naman masasabi eh.” Sabi nya sabay ngiti nya.

“Okay lang. Huwag mo ng sagutin. Example lang naman eh. Haha!” Grabe! Parang sasabog yung puso ko sa sobrang kaba! Pakshet! Kinakabahan talaga ako. Haaay! Muntik ka ng mabuko Wilson. Engot mo talaga. Pero teka, diba that’s the plan? -…- Sandali lang, at least nalaman ko kung may pagasa ako sa kanya o wala. Eto na yung traffic na naenjoy ko ng sobra! WOOOOH!

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon