Chapter 14

25 1 2
                                    

WILSON’S POV:

Fuck. Natapos ang summer vacation at hindi ko naamin sa kanya. MALAS talaga! O tadhana, ano ga ang nagawa ko sayo at ginaganito mo ako?

Tinatadtad naman ako ng pangaasar nila Favio. Grabe, nadidismaya talaga ako. I should’ve told her! Ugh! Bakit kasi ang torpe mo Wilson!? Stupid --….--

Andito ako ngayon sa may hallway ng school namin. Pasukan na kasi ulit. Napaaga ang pasok ko kaya tahimik pa ang kapaligiran dito.

“Nakakainis kasi!”

May narinig akong nagsalita at alam kong boses yon ni Autumn. Lumapit ako doon sa isang room kung saan ko narinig yung boses. Medyo nakabukas yung pinto kaya nakita ko sya. Kausap nya sa Ryna. Babatiin ko sana sila kaso napatigil ako nung bigla syang nagsalita.

“Alam mo Ryna nung pumunta tayo sa Viagn, gusto ko talagang sumandal kay Wilson kaya lang baka mailang sya eh. Tapos, nung nag stopover tayo, medyo naiilang akong kumain kasi nakatingin sya.”

“Sus, eh ang dami mo kayang nakain.” Sabat ni Ryna.

“Eh kahit na! Hmmm, and remember doon sa plaza? We almost had a picture kaso na lowbat naman yung camera! Ang malas talaga non! And nung naiwan, I mean INIWAN nyo kami doon sa villa, grabe! Ang saya ko talaga non kasi at least kasama ko sya! >////< May sasabihin nga dapat sya kaso bigla kang tumawag eh.” Pagpapatuloy ni Autumn.

Ano!? Tama ba yong mga naririnig ko ngayon? Si Autumn? Hindi kaya…

“Sorry talaga Autumn.” Sabi ni Ryna.

“Okay lang. Ayaw ko pa nga sanang matulog nung gabing yon. Sabi ko hihintayin ko kayo pero I chose to stay awake to be with him. But, feeling ko makakahalata si Wilson about my feelings kaya I decided to sleep nalang. And kahit nasusuka talaga ako every time na sa unahan ako ng sasakyan umuupo, I endured it makatabi lang sya. Nakatulog tayong lahat noon pero nung pagkagising ko, ang tahimik. Meaning, tulog pa din kayo. Antok pa ako non but I intended to talk to Wilson…” Narinig ko ulit na kwento ni Autumn.

Autumn. Totoo ba lahat ng naririnig ko mula sayo?

“… at nung nakauwi na tayo, grabe talaga Ryna! Namiss ko talaga sya. Buti nalang at mabilis ang paglipas ng mga araw at nakita ko na ulit sya nung nasa airport tayo.”

“Tss. Tapos late ka.” Pambabara ni Ryna.

“Eeeh, masyado kasi akong naexcite eh. Gabi na ako nakatulog kaya nalate ako. Pero Ryna! Haha! Ang saya ko din talaga nung at last eh nakapag papicture kami! Yieee! Pag nedevelope na yung picture namin ilalagay ko sa wallet ko yon! Yieeee! Tapos diga nag Volleyball tayo? Kahit medyo natrauma na ko sa larong yon eh pinilit ko parin maglaro kasi gusto kong makalaro si Wilson. OMG! Yung abs nyaaaa!!!! >///< Sayang nga lang kasi nung kumakain tayo hindi kami magkatabi. Sino ga kasi nagpauso ng GIRL TALK na yan!? -…-“ Reklamo ni Autumn.

“Tss. Kaya pala panay ang tingin mo sa unahan nung naguusap tayo. Wilson ka pala eh! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Nakakapag tampo.”

“Haha! Eh Ryna, ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminn sa sarili ko eh.”

“Nako Taglagas ka talagang babae ka! O, may kwento ka pa?”

“Oo! Haha! Eh nung nag jjet ski ako. Ha! Ginalingan ko talaga kasi alam kong nanunuod si Wilson.Tapos he gave me a compliment! Yieee! And remember Truth or Dare? Haha! His castle was ruined right? Ayos lang yon kasi he was able to treat us. To treat me! Nasa akin pa nga yung bote nung beverage eh. HAHAHA!”

“Adik mo.”

“Pero Ryna, alam mo yung pinaka masaya? Yun eh nung niyaya nya akong magsayaw nung nasa Cocomangas tayo! YIEEEE! SOBRANG LAPIT LANG NAMIN SA ISA’T ISA GIRL! Kulang nalang mag kiss kami! OMG! Kinikilig ako! >/////< Kaso nakakainis kasi sumama yun pakiramdam ko.”

“If I know, sinadya mo yon para ihatid ka nya.”

“Hoy, hindi ah. Masama talaga ang pakiramdam ko. Peron na appreciate ko yung pagpapahiram nya ng coat nya sakin. He cares for me!”

“Ang lakas ng tama mo kay Wilson ah. You’re inlove girl.”

“Oo nga eh. Mahal ko yon eh.”

“Talaga Autumn? Mahal mo ako?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok na ako sa loob.Halata namang nagulat sya dahil napatakip sya ng bibig nya at nakatitig sakin.

“Uhhmm.. a..ano….k.kasi..uhmmm.” Hindi sya makapagsalita ng ayos.

“Ah, labas muna ako ha.” Sabi ni Ryna tapos kinuha nya yung wallet at phone nya at lumabas na sa room.

Kami nalang ni Autumn ang tanging tao dito sa room. Nababalot ito ng katahimikan. Tanging ang mga tibok lang ng puso namin ang tangi kong naririnig.

“Totoo ba lahat ng narinig ko, Autumn?” Tanong ko sa kanya.

“Kasii…. HAAAAY! Oo na! Mahal kita Wilson!” Pagkasabi nya non eh nagiwas sya ng tingin sakin tapos tinakluban nya yung namumula nyang muka.

“Huwag kang magalala…”

“….”

“Mas mahal naman kita.” Pagkasabi ko non eh bigla syang napatingin sakin.

“T..talaga?” Yun lang ang nasabi nya.

“Ayaw mong maniwala?” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung mga pisngi nya at bigla ko syang hinalikan. Isang halik na puno ng pagmamahal. Halik na nagparamdam sa kanya kung gaano ko din sya kamahal. Isang mahaba at mainit na halik. Passionate kiss kumbaga.

Mahal din nya ako! Minsan, nagugustuhan ko din ang kamalasan ko! Hindi nasayang lahat ng mga pinaghirapan ko nung bakasyon!  :” )

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon