Chapter 4

21 1 0
                                    

AUTUMN’S POV:

After umalis ni uncle eh kumain muna kami ng tanghalian at  lahat kami ay nakaramdam ng antok kaya ano pa nga ga? Edi natulog kami. Paggising ko, shocks! Wala na akong kasama doon sa kwarto namin. Saan kaya nagpunta ang mga yon?

“Ryna!? Nyl!?” Tawag ko sa kanila kaso walang sumasagot. Asan kaya ang mga yon? Lumabas ako ng kwarto at hinanap sila sa bawat sulok ng villa kaso wala talaga. Nag try na din ako sa labas ng villa kaso wala sila. Hmmm, don’t tell me magisa lang ako dito!? TT….TT

“Autumn.” Nagulat naman ako nung biglang may tumawag sakin mula sa likod.

“Uy, Wilson. Asan sila?”

“Sila? Hmmm, di ko alam eh. Kagigising ko pa lang. Teka, umalis sila!?”

Parehas kaming napakamot nalang sa ulo ni Wilson. Ang sama nila. Siguro naggala nanaman yung mga yon. Daya, di man lang nagyaya. Kainis! Napaupo nalang ako doon sa sofa at nagpout. Tumabi naman sakin si Wilson.

“Huwag ka ng magtampo. Babalik din yung mga yon. Lagot sila satin.” Sabi sakin ni Wilson and medyo gumaan yung pakiramdam ko. Naka pout padin ako kasi nagtatampo padin ako sa kanila. After that comes pure silence.

“Ah, Autumn.” Bigla naman yong nawala noong nagsalita si Wilson.

“Mmmm?”

“Ah, A..Autumn, m..may sasabihin s..sana ako s..sayo…” Paputol-putol na sabi ni Wilson.

“Ano yon?”

“K…kasi, uhmmm, ano, uhmm, ang totoo k…kasi eh..”

Hindi na nya natapos yung sasabihin nya kasi biglang nagring yung phone ko.

“Ay! Wait lang Wilson ha. Sagutin ko lang ‘to.”

Tumawag si Ryna. Nagtatanong kung anong gusto kong pasalubong pati na rin si Wilson. Nagsorry na din kasi hindi na daw nya ako nagising. Pano ga naman kasi, nagpunta sila sa SM Laoag. Hmmph! Ano pa gang magagawa ko? Naiwan na ako eh. Binaba ko na yung tawag after ko masabi yung pasaubong na gusto namin ni Wilson.

“Ano nga pala yung sinasabi mo?” Tanong ko ay Wilson para maipagpatuloy na nya yung sinasabi nya kanina.

“Ah, yung ga? Ah, wala. Papatawagin sana kita kay Ryna kasi magpapabili ako ng pasalubong kaso sakto kasi tumawag na sya.”  

“Ah, okay.” Tapos ngumiti ako  kay Wilson. Pero parang ang weird. Feeling ko kasi may sasabihin pa sya dapat eh. Hmm, but anyway, lagot talaga sakin yung mga yon pagtungtong nila sa villa na to! >...

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon