Chapter 3

12 1 0
                                    

WILSON’S POV:

Grabe, napagod ako sa byahe pero sulit naman kasi katabi ko si Autumn. Ang bango talaga ng babaeng yon. Hmmm, hindi ako pervert ha. Naamoy ko lang talaga sya. Sikat na yung araw and as expected, eto kami ngayon at nag eexplore sa Vigan. Nasa plaza kami ngayon.

Kasama ko sila Keen, Ryan, Vain at Favio kaso nga lang ginagawa nanaman nila yung hobby nila which is finding nemo. Naghahanap sila ng isdang mabibingwit. Naghahanap sila ng mga sexy at magagandang babae. Tss, yang mga yan talaga hindi na nagbago. Patay yan si Favio kapag nalaman yan ng girlfriend nya. Sila Nyl, Ryna at Autumn naman ay panay ang pag sselfie. Nag vvideo din habang umiikot. Ewan ko ba sa trip ng mga babae.

“Bro, lapitan mo na si Autumn. Papicture kayo oh!” Sabi sakin ni Keen.

“Onga pare, selfie kayo. Haha!” Ewan pero parang nang aasar pa ‘tong si Favio.

Ewan ko pero parang nahihiya ako.

“Autumn! Picture naman daw kayo ni Wilson oh!” Sigaw ni Vain. Napalunok naman ako bigla nung tumingin si Autumn sa direksyon namin. Eto namang si Ryan nakangisi pa.

“Hmm, sige.” Mahinhing sabi ni Autumn. Bigla akong pinagpawisan. Hindi naman sa first time kong magpapicture kasama sya. Dati pa naman eh nag ppicture na kami. Iba kasi ngayon. Yung tipong may malisya na ng sobra sa kanila dahil magtatapat na ako kay Autumn.

“Parne na!” Tawag naman sakin ni Ryna at naka akmang ppicturan na nya kami. Tumabi naman sakin si Autumn at sabay kaming ngumiti.

1,2,3…

“HALA!” Sigaw ni Ryna. “Low-bat na!?”

HUWHHHAAAAAT!? !!!!!! Kaines naman oh! MALAS! Ayun na eh. Nakangiti na kami eh tapos dahil sa bwiset na camera na yan ngumiti kami para sa wala! MALAS! MALAS! Teka, fully charged pa ko. Iaabot ko sana kay Ryna yung camera ko kaso nabaling naman yung atensyon naming lahat kay Nyl nung tumunog yung phone nya.

“Hello?” Sagot nya. “Ah. Okay. So we have to go back then. Uhumm, got it. Bye.”

Tinignan namin sya lahat.

“Hoy Vain. Sabi ni uncle buksan mo daw yang phone mo. Di ka nya ma contact eh. May sudden appointment daw si uncle sa Manila eh so he has to go. Pinapauwi tayo ngayon sa villa para makapag paalam na sa kanya.”

At ayon na nga. Bumalik kami sa villa at nagpaalam na kay uncle. Hindi na talaga natuloy yung picture taking namin ni Autumn. Sayang talaga! MALAS!

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon