Chapter 8

8 1 0
                                    

WILSON’S POV:

Bakit ga katagal magreply ni Ryna? Tsk! Naiinip na ko.

Hoy Rynatot! Ano na?

Wala. Hindi pa sya nagbabanggit ng kahit anong tungkol sayo.

Ay.

Haha! Hoy Wilsonono, huwag kang magalala. May boracay pa. TORPE mo naman kasi eh.

Oo na.

Hindi na sya nagreply matapos nung huli kong message.Hay, sana nandon nalang din ako kina Autumn. Miss na miss ko na sya eh. Mabilis naman lumipas ang araw at sa wakas! Eto na! Andito na kami sa airport at mamaya na ang flight namin pa Boracay. Oooh baby! Dami nanamang sexy! Haha! Pero kay Autumn lang ako.

“Aga mo Wilson ah.” Medyo nagulat ako nung biglang may nagsalita sa likuran ko. Si Favio lang pala kasama sila Keen at Vain.

“Pare!” Bati ko sa kanila sabay pinagumpog namin yung mga kamao namin.

“Teka, asan na si Mr. USA?” Tanong ko.

“Si Ryan? Nako, alam mo naman yon. Parang babae sa bagal kumilos. Padating na din yon. Tawagan ko lang saglit.” Sabi ni Keen sabay kuha sa phone nya at tinawagan si Ryan.

Mayamaya pa ay dumating na din sila Nyl at Ryna. Grabe, parang isang taon si Nyl sa Boracay kung makapagdala ng gamit.

“Hoy Wilsonono! Asan na yung babae mo?” Pambungad na pangasar ni Ryna.

“Kayo na pare? Bat di namin alam?” Isa pa tong si Vain.

“Duh.” Sabay irap ni Nyl. Problema non?

“Pare ha, siguraduhin mo namang hindi ka na papalpak ngayon. Sayang talaga yung Vigan oh.” Sabi ni Favio.

“Oo na.” Yun nalang ang nasabi ko kasi natatanaw ko na ngayon ang pinaka magandang nilalang sa balat ng lupa. Si Autumn.

“Ryan!” Bati ni Nyl  sa kanya.

Tss. Edi sila na ang sabay. Epal talaga tong lalaking pinakain ng dolyar kaya kung maka inggles eh wagas. Kahit naman hindi ko problema ang pera eh mahal ko ang wika ko no. Haha!

“Wassup man!” Bati ni Ryan. Pinagumpog din nya yung kamao nya samin.

“Gosh Autumn! You’re always late!” Reklamo ni Nyl.

“Sorry. Sinabay na din kasi ako ni Ryan eh.” Sagot nya kay Nyl. Oo nga pala. Magka village nga pala sila. Kaso, sa dulo pa yung kina Ryan tapos bandang gitna naman yung kanila.

Lumipas pa ang ilang saglit at tinawag na din sa wakas ang flight namin at hindi namin lahat namalayan na nasa lupain na pala kami ni Boracay.

***

Pagkatungtong na pagkatungtong ng mga paa namin sa buhanginan ay naglabas kaagad ng camera sila Ryna at nagpicture nanaman. Nag group selfie din kami. Uso daw eh.

“Ah, Autumn, tara picture tayo.” Woooh Wilson! Kaya mo yan!

“Sure.”

Nagsitinginan sila sakin nung niyaya ko si Autumn. Nagsitabihan naman sila at naiwan kami ni Autumn sa gitna. Ngumiti naman sya.

1,2,3 click!

SUCCESS! May picture na din kami sa wakas! Gusto ko ng madevelope yung picture namin! Oo, makaluma man sa inyo pero para kasi samin, mas maganda kapag developed yung mga pictures. Mas meaningful kasi eh. Pero nag iinstagram din naman kami.

Onga pala. One week lang kami dito kaya siguro naman sapat na yon para maamin ko kay Autumn. Woooh! Kamalasan, layuan mo muna ako.

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon